"Ma, wake up!"
Lulugo-lugong bumangon si Aiea at agad napangiti. Niyakap siya nang mahigpit ng anak niya na ginantihan niya naman.
"Good morning, Ma!" masiglang bati ni Amethyst. Akmang hahalik ito sa pisngi niya nang matigilan ito. "Ma, punasan mo muna ang laway mo." Natatawang lumayo ito nang umangat ang kamay niya. "Nagbibiro lang ako, Ma." She kissed her cheek.
"Umagang-umaga, hindi pa matino ang takbo ng utak ko, Amethyst, kaya huwag mo muna akong biruin." She removed the blanket. "Good morning din. Ang aga mo naman yatang nagising?"
"Kasi kailangan maaga ako sa skul ngayon. Alam mo na. A girl scout must not be late."
Lumipad ang paningin niya sa siwang ng bintana saka ibinalik ang mga mata sa anak. "Ang OA mo naman. Madaling-araw pa." Nakaligo na kasi ito at suot na ang uniporme.
Tumawa ito. "Better early than late."
Nang hilain siya nito ay nagpatangay na si Aiea. Tumuloy sila sa kusina na agad makikita pagkalabas ng silid. Their home is a flat style. Malapad iyon, sapat para magkaroon ng living room, tatlong kwarto na may banyo, kusina, toilet para sa bisita, laundry area, maliit na play at art room at mini bar. Ang pinakamalaking umuokyupa ng kabuuan ng flat ay ang kusina dahil may tatlo siyang double door refrigerator at kompleto sa gamit mula kutsarita hanggang oven.
"Ako na lang ang maghahanda. Manood ka muna," aniya nang ilabas ang mga sangkap para sa pagba-bake ng bread.
Iyon parati ang ginagawa ni Aiea kada-umaga. She bakes and makes good food for her daughter. Gusto niya, hands-on siya sa kung ano ang kinakain nito dahil na rin sa kadahilanang mahirap na ang ma-food poison. She's very strict when it comes to food. Isa na ang dahilan na chef siya at alam niya kung gaano ka-delikado ang makakain ng sirang pagkain.
Amethyst doesn't mind. She loves her food and mostly, the one who's making and it is her. Minsan, hindi na ito nagkakanin sa umaga pero para makasiguro siyang hindi ito makakaramdam ng gutom, naghahanda pa rin siya ng extra sa baon nito. Hinahabilin niya na lang na kapag hindi nito makain, e-share nito sa mga kaklase.
"Ma, gumawa ka ng extra, ha? Kasi magdadala ako para kay Jam," tukoy nito sa bestfriend nitong lalaki.
"Sige. Kamusta pala ang pag-aaral mo?"
"Good. Pero nahihirapan ako sa Math, Ma. Pwede bang paturo mamaya? Next week pa naman iyon e-tse-tsek."
"Sige. Pero bukas na. May lakad kami ng mga tita mo mamayang gabi. Baka anong oras na kaming makauwi. Will you be fine?"
"Oo naman. Matutulog lang naman ako kaya walang kaso."
Iyon ang gustong-gusto ni Aiea sa anak niya. Amethyst is very independent even if she's only ten. May sense of responsibility ito at masunurin sa lahat ng sinasabi niya. Minsan nang maitanong niya kung may hinanakit ba ito sa mga regulasyon niya, sinagot lang siya nito na hindi naman daw ito nahihirapan at hindi nga siya istrikta. Ni hindi raw ito nakatikim ng palo sa kanya 'di gaya ng mga kaklase nito.
"Pero si Tito Sandro ang magsusundo sa'kin, Ma. May session pa kami mamaya."
Si Sandro ay kapatid ng kaibigan niyang si Shana na ni anino ay hindi pa niya nakikita. Nagtiwala lang siya sa kaligtasan ng anak niya dahil nawiwili si Amethyst sa lalaki at nagpaturo ng taekwondo. Aside from the fact that she trusts her friend the most who assured her that there's nothing to worry, wala naman siyang nakikitang kakaiba sa anak tuwing umuuwi ito mula sa taekwondo lesson.
"Okay pa rin ba 'yang Tito Sandro mo? If you feel anything bad, tell me right away," aniyang hindi pa rin maiwasang hindi mag-alala.
"Ma, mabait talaga si Tito Sandro just like Tita Shana. You don't really need to worry. Kinakamusta ka nga nun. Parati akong ni-re-remind na ikwento ko sa'yo ang lahat ng nangyari sa skul at sa taekwondo lesson namin para hindi ka mag-alala. Nasabihan na siya ni Tita Shana na man-hater ka."
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
RomanceThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...