Chapter 9

539 26 27
                                    


"Ma!"

Niyakap ni Aiea nang mahigpit ang anak nang makita siya nito sa labas ng silid-aralan. May hinatid siyang order ng cake sa paaralan kaya imbes na si Sandro ang susundo, siya na ang gumawa. Gusto niya ring maglaan ng oras sa anak niya. Nararamdaman niya ang kakarampot na lamang na pagkakataon na silang dalawa lang.

"Nasaan si Tito Sandro?"

"Tinawagan ko siya. Hinatid ko kasi kay Teacher Bisko ang cake na in-order niya. Dahil malapit naman na ang uwian, hinintay na kita. Kamusta ang klase?"

"Hayun! Nahirapan na naman ako sa Math. Paturo mamaya," nakangising tugon nito.

"No problem."

It was like a normal day. Masaya silang nagkwekwentuhan. Amethyst helped her cook the food. Pareho rin silang nagligpit at nag-ayos pagkatapos kumain. Sabay na nag-shower, nag-toothbrush, at naghanda para matulog.

"Good night, Ma," ani Amethyst.

Aiea kissed her forehead. "Good night. Sleep tight."

Bago pa maiyak si Aiea sa harapan nito ay lumabas na siya ng silid. She drank a glass of water before going to her room. Nakahiga na siya pero lutang na lutang pa rin ang diwa niya. She's restless with all the thoughts about the sudden twist of their life.

Kung maaari lang niyang hilingin na sana maglaho na parang bula ang ama nito, gagawin niya. But it will be too selfish of her. Nakita niya ang determinasyon at pag-asam ni Logan na makilala ito ng bata.

Natigil si Aiea sa pag-iisip nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Madali 'yong malaman dahil madilim ang silid niya at may nakalusot na liwanag mula sa siwang ng pintuan.

"Amethyst?" kinakabahan niyang tawag. Lumawak ang pagkakabukas ng pinto at nakita niya itong may bitbit na unan. Sumampa ito sa kama at yumakap sa kanya. "May problema ba?"

"Wala naman, Ma. Pwede ba akong tumabi sa'yo?"

"Oo naman." She turned on the lamp on the side table. Hindi ito nakakatulog ng walang ilaw. "May gusto ka bang pag-usapan?" Inayos niya ang kumot nila saka ginantihan ito ng yakap.

"Nothing. I just... I just miss you. Para kasing ang tagal mong nawala. And I am wondering if you're okay."

A warm hand enveloped her heart upon hearing it. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa sitwasyon nila. Kailangan niya yatang magpaka-discreet pa. Napapansin na rin ni Amethyst ang kinikilos niya.

"Ayos lang ako. Bakit mo naman naisip na hindi ako okay?"

Gusto niyang iiwas ang mga mata nang titigan siya nito. Nagkibit-balikat ito. "Affected lang siguro ako sa panaginip ko, Ma."

"Panaginip?"

Tumango ito. "Nong nasa camp kami, I kept on dreaming of you. Umiiyak ka." Hindi siya makasagot sa nalaman. "Pero panaginip lang naman iyon. Nong sinundo ako ni Tito Sandro, ang sabi niya nasa seminar ka kaya hindi na ako nag-alala. Kaya lang, parati kong naaalala. Ayaw kong umiiyak ka, Ma."

Aiea silently took a deep breath. Ngumiti siya. Kung bakit kasi hindi na lang sa sinapupunan niya lumabas si Amethyst. Tuloy, may kailangan silang harapin ngayon na siyang dahilan kung bakit magkakalamat ang relasyon nila.

"Hindi ako iiyak. I'm strong. Alam mo iyan. At ano naman ang magpapaiyak sa'kin?"

Lumiwanag ang mukha nito. "I knew it."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now