He entered a wide ballroom hall. The lights were enough to walk freely. Ang daming tao. Mabibilang lang sa kamay ang kilala niyang nandoon. Iyon ang unang beses na magkakaroon ng get together ang lahat ng agent ng Zwart Organization.
Hinanap niya ang pwesto ng mga kasama. Eyes were eyeing him, obviously wondering who he is. Ayaw niya namang magtanong. He doesn't want to sound boastful to which group or team he belongs. Kung maaari nga lang na manatiling anonymous siya, mas komportable siya sa ganon.
Ang totoo, kinakabahan siya. Hindi niya ni minsan naisip na darating ang araw na magkikita-kita ang kabuuan ng miyembro ng Z.O. But it is the head's order. And it is considered as an S mission to follow. Everybody's attendance is a must.
Patuloy siya sa paghahanap. Napansin niya ang pinakamalaking round table yata na nandoon na puro babae ang umokyupa. Nang mapunta ang atensyon ng halos lahat sa kanya, lumihis siya at umiwas. And bumped someone. The next thing he heard was a broken glass.
"Pasensya ka na," hingi niya ng paumanhin. Yumukod ang babae at dali-daling inipon ang basag na baso. Sumunod siya para tulungan ito. "Baka masugatan ka."
"It's okay. Para namang hindi tayo hinahabol ng bala," mahinhing nakatawa nitong tugon na nagpatigil sa kanya.
"You... you're right," halos pabulong niyang sabi at tiningnan ito. Did my heart just skip a beat? O dala lang din ng kaba dahil maya-maya lang ay marami na ang makakakilala sa kanya?
Inipon ng babae ang bubog at inisa iyon ng pulot gamit ang panyo. "Okay na. Buti at naubos ko na ang laman bago nabasag." Nag-angat ito ng mukha at ngumiti. Para siyang nahipnotismo na napatitig na lang sa maamo at magandang itsura ng kaharap. His heart doubled its beating. "Sige."
Tumayo ito. Nasundan niya ito ng tingin. Umupo ito kasama ang mga babaeng nasa malaking pabilog na mesa na napapatingin pa rin sa kanya. The lady who's wearing a mid-cut purple sheer long-sleeve gown looked at him. Nginitian siya nito. Again, he felt his heart's unusual reaction.
Wala sa sariling gumalaw ang mga paa niya palapit dito nang hindi ito nilulubayan ng tingin. Napansin naman nito iyon kaya nagpalinga-linga ito at muling itinuon ang mga mata sa kanya, marahil napansin na ito nga ang lalapitan niya. He stopped few steps away from her.
Lumunok siya saka tumikhim. Naiilang na siya pero hindi niya naman mamanduhan ang sarili na lumayo lalo na at tumayo ang babae.
"Ahmm. May kailangan ka ba?" may pag-aalinlangang tanong ng babae. Namumula ang pisngi nito. Hindi nga lang niya alam kung dahil sa make-up o dahil sa hiyang nababasa niya sa mga mata nito.
"I-"
"Heart!" biglang tawag ng pamilyar na boses sa kanya. Inakbayan siya ni Club. Kasama niya ito sa grupo. "Anong ginagawa mo rito? Doon tayo." Itinuro nito ang kabilang side ng ballroom hall. "Kanina ka pa? Nandoon na si Spade at Dia." Ang tinutukoy nito ay ang dalawa sa apat na miyembro ng grupo nila.
"Kararating ko lang."
"Let's go."
"Wait." Pigil niya at binalingan ang babaeng gulat nang napatitig sa kanya. Nagsimulang magbulungan ang mga kasama nito. "Hindi ka naman nasaktan?"
"Ha? Ahh..." Tiningnan nito ang mga kamay. Then she smiled... again. As if it's very easy to give it to a stranger. "No. Ikaw ba?"
"Hindi naman."
Hinugot niya ang panyo sa bulsa saka inabot ang kamay nito bago inilapag iyon. "Here. Wala ka ng gagamitin kaya ito na lang. Pasensya ka na ulit." He saw a waiter. Tinawag niya iyon at pinalapit. "She needs a new glass."
"Right away, Sir."
"Sige. Naiistorbo ka na namin," sabi niya kahit may gustong-gusto siyang malaman dito. Patalikod na siya nang pigilan siya nito.
Inilahad nito ang kamay. "I'm Amethyst. From the Gems. Your name is Heart?"
Sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay nagbunyi siya sa kadahilanang sinabi nito ang sagot sa nais niyang itanong. He smiled.
"Yes."
Heart accepted her soft and delicate hand, lightly pressed it without breaking their eye contact. And as if his identity was that special, crowds murmur became louder. But he remained focused on the gem in front of him.
"It's my pleasure to meet you," Amethyst said, sounding so genuine.
"Same here."
![](https://img.wattpad.com/cover/132014278-288-k413132.jpg)
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
RomanceThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...