Chapter 13

317 21 0
                                    


Everything was packed. Hinihintay nina Logan at Amethyst si Aiea hanggang maisara ang Karma's Appetite.

"Papa, mababait ba ang iba kong tito at tita?" tanong ni Amethyst.

"Yes. They are all nice," sagot niya. "Maliban sa barkada namin ni Tita Dia mo, dala rin nila ang kanilang asawa at mga anak. Hindi ka ma-bo-bored doon."

"Sigurado naman iyon, Papa. At kasama ko kayo ni Mama. This will be the first we are out together. The three of us," excited nitong sabi.

Napangiti si Logan. Nang makita si Aiea ay lumabas siya ng kotse. He opened the passenger's side for her. Napatingin ito sa kanya, kunot ang noo at wari'y nagtataka, bago sumakay. Few seconds and they're taking the road.

Hindi nagtagal ay nakatulog si Amethyst. The car was filled with silence. He turned on the music. Panaka-naka ay binabalingan niya si Aiea na sa harapan lang ang tingin. Nakaramdam siya ng pagkabagot.

"Aiea," tawag ni Logan. Binalingan siya nito. "Are you okay? May problema ba sa restaurant?"

"Hmmm... wala naman," nakailing nitong tugon. "Bakit? Mukha ba akong stress na stress?" She checked herself in the mirror. "I look okay, though."

He agreed. After Venice, they seemed to get along well and he noticed she's not spacing out anymore. Mas naging normal din ang pakikipag-halubilo nila sa isa't-isa tuwing sinusundo niya si Amethyst.

"I agree. Ang tahimik mo lang kasi," pamumuna niya.

"Kailan ako naging madaldal kapag magkasama tayo?"

Pasimpleng napakamot siya sa sentido. "Sabi ko nga."

"Inaantok ka na? Do you want me to drive?"

"No no no. Pagod ka pa. Try to relax and sleep. Okay lang ako."

"Sigurado ka, ha?" may pagbabahala sa boses nito saka sinulyapan si Amethyst sa likuran. "Baka bigla tayong sumemplang kakatayin talaga kita."

"Okay nga lang ako. Sige na. Magpahinga ka na."

Hindi talaga ito nawawalan ng banta kapag na-pa-paranoid. He liked it though. Gusto niya ang pagiging sobrang protective nito kay Amethyst.

"Hindi pa ako inaantok," anito maya-maya at uminom ng tubig. "Walang problema sa restaurant. Ayaw ko lang matambakan dahil alam mo namang ilang araw akong nawala nong nandoon tayo sa Venice. Nagsisimula pa lang pag-aralan ng apprentice ko ang mga pasikot-sikot kaya kailangan kong e-double check."

Napangiti si Logan. Napansin niya na ang pagiging considerate ni Aiea nang magkausap sila pagkatapos niyang ilahad ang mga ebidensya na siya ang ama ni Amethyst. Madali nga itong kausap kung tutuusin. Marahil naramdaman nito na nababagot siya kaya sumagot na rin.

"Buti naman. May balak ka bang ibigay sa apprentice mo ang pangangalaga ng branch na hawak mo?" he continued.

"Wala pa naman pero maigi na 'yong handa. You know. Hindi natin alam kung anu-ano pa ang susulpot sa buhay ko. Ayaw ko namang maging iresponsable na iwan ang restaurant bigla-bigla. Mainam nang kapag napag-tripan kong mag-AWOL, may sasalo sa trabaho ko."

"I understand."

"Ikaw? Is everything okay in your life? Hindi kita nababasa at hindi ka naman mukhang nahihirapan kaya magtatanong na ako ng diretsa."

"Everything is perfect," he answered happily, forming a joyous smile on his lips and glanced at Amethyst in the rear-view mirror. "Thanks to you."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now