Hindi mapatahan ni Aioua ang baby kahit anong gawin niya. Kinakabahan na siya dahil pulang-pula na ito. Lumabas siya ng silid, bitbit ito, at kumatok sa silid ni Aiea. Naaasar man sa pagmumukha ng kapatid ay wala siyang magagawa.
"What?" ani Aiea nang pagbuksan siya.
Sinulyapan nito ang anak nito. Hindi niya alam kung namalikmata lang siya sa nakitang awa sa mga mata nito pero agad niyang iwinaglit nang pagsasarhan sana siya nito ng pinto.
"Ate, saglit!" pigil niya.
"Ano bang kailangan mo?" naiirita nitong tanong.
Aioua took a deep breath to calm herself. Dalawang linggo na silang hindi nag-uusap ng matino at nagsisigawan. Hindi na siya pumapasok dahil walang naiiwan sa baby dahil umaalis din ito at nawawala ng ilang araw. Gusto niyang ipamukha rito na wala itong kwenta pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya gagawin alang-alang sa bata.
"Subukan mo naman siyang e-breastfeed. She's refusing the bottle."
"Nahihibang ka na ba? Kung ayaw niya, hayaan mo siyang magutom."
"Ate!"
"You know what, naririndi na ako sa boses ng batang iyan, e. Bakit hindi na lang kayo umalis dito?"
Umawang ang bibig niya sa narinig. "Palalayasin mo ang sarili mong anak at kapatid sa pamamahay mo?" mahinang tanong niya.
"Why not? Gaya ng sabi mo, pamamahay ko ito."
"You're impossible!"
"I'll show you the impossible."
Nasundan ito ni Aioua ng tingin nang pumasok si Aiea sa kwarto niya. Pagkalabas nito, hila-hila na nito ang malaking trolley bag niya at walang sabi-sabing inilabas sa pad mismo. Wala siyang ibang masabi. She just stared at her sister in disbelief.
Namaywang si Aiea. "All set. Ang kailangan mo na lang ay lumabas ng pintong ito," anito sabay turo sa pintuang malawak ang pagkakabukas.
Hind siya gumalaw. She waited. Umaasa siyang magbabago pa ang isip nito, gaya ng pagbabagong gusto niyang gawin nito alang-alang sa anak nito. Ginawa na niya ang lahat at kinausap ito sa iba't-ibang paraan pero wala. But now, it seemed like Aiea is in the edge of her cruelty. Dahil wala ng salitang namutawi sa bibig nito para bawiin ang sinabi at mukhang naiinip pa habang hinihintay siya humakbang paalis.
Humugot siya ng malalim na hininga. Huminto siya nang nasa tapat na siya nito at pinakatitigan ito sa mga mata. Gone the sweet and wonderful she knew. Ang nasa harapan niya ngayon ay isang estranghero na mukha ng kapatid niya.
"Gusto kong paniwalain ang sarili ko na may pinagdadaanan ka lang kaya ka nagkakaganito. Gusto kong hintayin ang araw na kusa kang lalapit sa akin at babawiin ang anak mo. But this is too much, Ate. Sana bumalik ka na sa dati. Sana maiparamdam mo sa anak mo kung paano ka mag-alaga gaya nang pag-aalagang ginawa mo sa'kin. Dahil mahirap ang hindi ka tanggap ng sarili mong kadugo. Akala ko naiintindihan moa ng pinagdaanan ko pero heto at iyon ang ipinapakita at ginagawa mo sa anak mo. I wish you'll be back to your old self."
Nang maisara ang pinto ay doon na umiyak si Aioua. Wala na siyang pag-asang makapa. It will only be her and her baby. Tinitigan niya ang mukha walang muwang na bata. Tumigil na ito kakaiyak at mahimbing nang natutulog. Her heart was filled with sorrow, pain, and anger. Para sa tunay nitong mga magulang na pinabayaan ito.
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
Roman d'amourThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...