Kasalukuyan...
Mauubos na ang pakete ng sigarilyo ni Logan ay hindi pa rin lumalabas si Dia sa silid na kinalulunlan nito at ni Aiea. Nang banggitin niya ang totoong pangalan ng huli, hindi ito natuloy sa pag-alis at parang sinapiang biglang kumalma. Dumoble rin ang pag-seryoso nito nang mag-demand ng paliwanag sa kanya kung paano niya ito nakilala. When he was about to explain his side, pinatigil siya nito at itinuro ang kaibigan niya na siguradong-sigurado ito na may alam din.
Napahilot siya sa magkabilang sentido. Kahit siya, sa loob ng maraming taon na walang ibang inabala kundi ang trabaho, ay hindi inaasahan ang pangyayaring iyon. Akala niya, nang iwan siya ni Amethyst, ay wala siyang obligasyong dapat noon pa niya inako. He didn't hear anything from the woman he loves. Ang tangi lang nitong sinabi, walang-wala siyang ibang gagawin kung may mangyayari ritong masama at hahayaan niya ang pamilya nito na mamuhay ng walang alam.
He could have obliged to the promise. Kaya nga lang, ibang usapan dahil nagbunga pala ang pagmamahalan nila. And he owed her daughter, not only time and his presence, but also his existence. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala iyon lalo na at ang sarili nitong kapatid ay ninakaw ang identity nito.
Ilang oras na ang lumipas nang maramdaman ni Logan ang presensya ni Dia. Tumabi ito ng upo sa kanya at nagsindi ng sigarilyo.
"How is she?" he asked, at some point concerned how it will affect Aiea. Kung siya nga, parang binagsakan ng langit gaya nang naramdaman niyang pagkamatay ni Amethyst, mas lalo na siguro ito ngayong bigla siyang sumulpot sa buhay nito.
"You don't expect that I'll say okay, right? Lalo na at kung titingnan mo siya ay para siyang battered wife dahil sa bukol at mga pasa niya," sarkastikong sagot ni Dia. Hindi na siya nag-komento. "Sa totoo lang, inaasahan ko siyang magwala gaya nang pagmamatigas niya kanina. I readied myself for the worst. Sino ba naman ang maniniwala na may ama pala ang anak niya at malalaman ang pinakatago-tagong sekreto niya out of the blue? But no. Nothing happened. She just listened silently and didn't ask anything. Kompleto tayo sa ebidensya at tingin ko ay pinag-aaralan na niya iyon ngayon. She is wickedly smart, after all. Just like how Amethyst boosted her to us."
Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Logan. Parating ikinikwento ni Amethyst ang kapatid nito na sa batang edad ay marunong nang mag-desisyon sa sarili nitong buhay. Kapag nag-da-date sila, hindi nawawala ang pangalan ni Aioua sa topiko. Kaya kung ang pagbabasehan ay ang noon, kilala niya ang huli kahit papaano.
"Give her some time, Logan. Huwag mo siyang sisihin kung bakit niya ito ginawa. I'm sure she has her own personal reasons. Sa natunghayan ko kaninang pagpupumilit niyang puntahan ang anak niya, naramdaman kong inang-ina siya," ani Dia at bumuntong-hininga.
"Alam mong hindi ako ganoon, Dia. I just want to meet my daughter. Gusto kong makilala niya rin ako at ipaliwanag sa kanya kung bakit una pa lang ay hindi niya ako nakilala at kung bakit wala ako sa tabi niya."
"And that means telling her as well that Aiea, who's really Aioua, is not her real mother."
Hindi makatugon si Logan. Naisip niya ang tungkol doon. Ayaw niyang masira si Aiea sa anak niya pero paano niya iyon gagawin? Ano ang sasabihin nila para maiintindihan nito ang sitwasyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/132014278-288-k413132.jpg)
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
RomanceThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...