Chapter 15

759 36 19
                                    


Pagkatapos mapatulog si Amethyst ay lumabas ng silid si Aiea para hanapin si Logan. Kanina pa niya inaabangan na mapag-solo ito para makausap. Dahil sa nangyari kagabi, hindi na muna siya nakipaghalubilo. She stuck with Amethyst and the other kids. Maliban kay Arzeth na hindi niya naramdamang nakiki-tsismis lang, wala na siyang kinausap. Everybody greeted her though like normal.

Nakasalubong niya si Jayden. Agad siya nitong nginitian na ginantihan niya ng tango. Lalagpasan niya n asana ito nang bigla itong magsalita.

"Kung si Logan ang hinahanap mo, nasa baybayin siya. Nakita ko siyang naglalakad-lakad ngayon-ngayon lang."

"Salamat."

"And Aiea?"

"Hmm?"

"I'm sorry for your loss." She could see sincerity in Jayden's eyes. Ito ang kauna-unahang nagsabi nun maliban sa mga taong nakiramay sa kanila.

"Salamat." That's all she could ever say.

Gaya nang sabi ni Jayden, hinanap ni Aiea si Logan sa baybayin. Nang may matanaw siyang malaking bulto ay tumakbo siya para maabutan ito. Hinihingal na humito siya pagkalagpas dito na agad namang kumunot ang noo nang makita siya.

"Do... do you... have some... time?"

"Kumalma ka muna."

She bought her time. "Okay na. Busy ka ba? O pwede kitang istorbohin sa pagmumuni-muni mo?"

"You can join me."

Sinabayan ito ni Aiea hanggang makarating sila sa may tulay na may malalaking bato sa baba. Logan sat down. She followed. Pero imbes na tumabi rito ay sa kabilang direksyon siya humarap habang nakabitin ang mga paa.

"Aiea, tungkol nga pala kagabi-"

"Logan, about last night-" Sabay silang natigilan nang sabay silang magsalita. She smiled. "Mauuna na ako. Okay lang ba?"

"Go ahead."

"Again, about last night, pasensya ka na sa lakas ng boses ko. Pasensya na rin kung pinatulan ko si Mond kahit sinubukan mo akong pigilan. Kapag kalahi mo kasi ang gustong makipag-argumento sa akin, nasa mood ako parati. Ilang oras ko ring tinimpi iyon kaya sumabog ako ng isang bagsak."

"Nararapat lang iyon sa kanya kaya hindi mo kailangang humingi ng pasensya," nakakaintinding sabi ni Logan. "Tama naman lahat ng sinabi mo."

"Marahil tama nga. Pero alam kong nasaktan kita."

Hindi ito sumagot. Then she heard him heaved a sigh. Tama ang naging desisyon niya na kausapin ito. Hindi naman siya ganoon ka-insensitive para hindi iyon mapuna.

"I mean every word I said. But I don't mean to disrespect my sister. Kagaya ni Mond, I admire her a lot. Hindi lang ako. Pati lolo at lola namin, sobrang nagagalingan sa kanya. Lahat ng sinabi ni Mond, tumugma sa totoong ugali niya. That's why deep in me, I can't hate her despite of what she did to Amethyst. Dahil kilalang-kilala ko siya. Sinubukan ko siyang intindihin hangga't kaya ko dahil alam kong nasasaktan lang siya. I don't know your story. Wala siyang nabanggit na kahit ano until she gave birth. Pagkatapos ay bigla siyang nagbago nang hindi man lang nagpapaliwanag."

"Siguro dahil ayaw niyang madamay pa kayo," ani Logan. "She had a dangerous job. Pino-proteksyunan lamang niya kayong dalawa ni Amethyst."

"Alam ko na 'yon ngayon. Kaya nga humihingi ako ng paumanhin sa'yo. She's still your wife, after all. Ang akin lang, kahit insultuhin na ako, I don't really care. Pero ang hindi isipin ng kahit na sino na hindi ko naman ginawa ito para sa sarili kundi para sa batang hindi ko sariling anak, siyempre nasasaktan ako para kay Amethyst. Para na rin kasing sinabi na mas importante pa ang patay kaysa sa batang humihinga pa."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now