Chapter 10

634 23 8
                                    


"Oh my gosh! Oh my gosh!"

Aiea wanted to calm Amethyst but she couldn't come up with proper words to say. Blangko ang utak na nakatanga siya rito nang matinis ulit itong tumili. Even Logan didn't barge. Gaya niya, nag-aalalang nakatitig lang ito sa bata.

Tumulo ang mga luha niya na mabilis niyang pinahid. Pero napansin iyon ni Amethyst dahilan para tumigil ito at mapatingin sa kanya.

"Ma, okay ka lang?" Lumapit ito at niyakap siya nang mahigpit.

"I'm not. Anak, kung magagalit ka, okay lang. Pero huwag mong tagalan na 'wag akong kausapin. Hindi ko makakayanan iyon."

"Ma, sinabi ko nang hindi ako magagalit. You weren't listening."

"But you're screaming."

"I screamed because I'm excited."

Inilayo ito ni Aiea sa katawan niya at tiningnan. Kumpara sa inaasahan, ngiting-ngiti si Amethyst at parang kiti-kiting hindi mapakali.

"Excited ka kasi si Logan ang ama mo?" nananatiya niyang tanong.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin," nilingon nito si Logan. Lumawak lalo ang pagkakangiti nito. "I don't know what to say. Papa talaga kita?"

Tumikhim si Logan. His eyes were pleading for acceptance. "Yes. Pwede naman naming ipaliwanag sa'yo at-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang muling tumili si Amethyst. And Aiea had enough. Kaya hindi siya nangimeng takpan ng palad ang bibig nito saka pandilatan ng mga mata.

"Aatakehin na ako sa puso sa ginagawa mo." Amethyst just laughed. "Kumalma ka. Sasakalin kita kapag hindi ka tumigil." Tumango-tango ito pero hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa mga mata. She released her.

Amethyst took a deep breath. "Ma, sabihin mo sa'king hindi ka nagbibiro?"

"Makakapagbiro pa ba ako sa lagay na 'to?"

"Then it is confirmed."

"Ilang beses ko nang sinabi na si Logan ang papa mo."

"Oo nga. Pero mas excited ako na isiping pinsan ko si Rjune and Rune. Imagine? We were so close the last time we were together. Iyon pala, pinsan ko sila." Eksaheradong napahawak ito sa dibdib at pigil ang tiling pinakawalan. "I... I can't believe it."

"Sumigaw ka dahil excited ka sa katotohanang pinsan mo si Rune at Rjune?" tanong ni Logan.

"Yes. Dahil Tito Logan- I mean, Papa Logan." Amethyst blushed and her eyes twinkled as if calling Logan 'papa' is so wonderful. "Papa, magpinsan kayo ni Tito Cyril, di'ba?" Logan nodded. "Tito Cyril and Tita June, the twin's mom, are siblings. Ibig sabihin, pinsan mo rin si Tita June. Which means, pinsan ko ang mga anak niya. Can I call them? I want to tell them the great news." Hindi sila makasagot. Nakatanga lang sila sa excitement nito. "Oh! Nakalimutan ko. Then Tita Krit... Tita Krit is really my Tita now. Wow, Ma! You are amazing."

"Ikaw ang amazing. How can you scream as if you want me out of your life?" pangongondena ni Aiea at inabot ang baso ng tubig.

"Out of your life?" Nawala ang kasiyahan nito at napalitan ng pagtataka ang itsura. Kunot-noong binalingan nito si Logan. "Papa, are you taking me away from Mama Aiea?" Tumabi ito ng upo sa kanya at niyakap siya na sa sobrang higpit ay parang ayaw siyang pakawalan. "Ma, ilalayo ba ako ni Papa sa'yo? Magkakalayo tayo?"

Amethyst's face, in an instant, was filled with sadness and worry. Napabuntong-hininga na lang si Aiea saka pinisil ang magkabilang pisngi nito.

"Anak, sinabi kong makinig ka muna. Salita ka kasi nang salita."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now