Naghahanda si Aiea ng meryenda nang maramdamang may nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay isang lalaki ang nakita niyang titig na titig sa kanya. Hindi niya iyon kilala. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa kahit nawiwirduhan siya sa inaakto nito.
"Amethyst."
Narinig niyang tawag ng lalaki. Akala niya ay ang anak niya ang tinutukoy nito. After all, Amethyst knew more people in Logan's life than her. Iyon ang unang beses na sumama siya sa mga ito sa request na rin ng bata.
"Amethyst," ulit ng lalaki. Sa gulat niya, pabigla siya nitong hinarap at mahigpit na niyakap.
Hindi agad nakahuma si Aiea. Nang muli nitong banggitin ang pangalan ni Amethyst ay nagpumiglas siya.
"Amethyst, how are you all these years?"
"Teka!" pilit niya itong tinutulak. "Hindi ako si Amethyst."
"Huwag kang ganyan. Na-miss kita at-"
"Let go!" Pero hindi siya nito hinayaan kahit anong pagpupumiglas niya. She panicked. "Ano ba?! Logan!" she screamed. "Logan!"
"Aiea?" It was Logan's voice.
"Tulong!"
"What's ha- Mond? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Sa wakas ay nakawala siya sa tulong ni Logan. Tinulak nito ang lalaki. Mabilis na nagtago siya sa likod ng huli at kumapit pa sa damit nito.
"Mond, tinatanong kita. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit ang boses na ulit ni Logan.
"I'm just greeting my long time-"
"She is not Amethyst!" Logan hissed. "Get out of here and get hold of yourself. Bumalik ka na lang mamaya."
"But-"
"I said leave!"
"Logan?" It was Dia. "Ano ang nangyayari? Mond?"
"Take Mond out of here for a while, Dia. Pakiusap."
"Bakit?"
"Basta ilayo mo muna siya kay, Aiea. At ipaliwanag mo sa kanya nang paulit-ulit na hindi si Amethyst si Aiea."
Wala nang nagsalita. Ang narinig na lamang ni Aiea ay mga yabag na papalayo. Hinarap siya ni Logan. Nag-aalala ang mukha nito.
"Are you okay?"
"I'm..."
Mahigpit na hinawakan nito ang dalawang kamay niya. Saka niya napansin na naginginig ang mga iyon. "Aiea, magsalita ka. Namumutla ka nang husto."
Imbes na sumagot ay isiniksik niya ang mukha rito, habol ang paghinga. She felt Logan's arms around her small body. Marahan nitong hinahagod ang likod niya, pinapakalma siya.
"It's okay. Hindi masamang tao si Mond. She is a very very good friend of your sister. At kagaya ko, hindi niya matanggap ang nangyari sa ate mo. I hope you understand, Aiea."
"Na..." she sighed hard. "Nagulat lang ako. Hindi ko kasi siya kilala. I didn't mean to panic."
"I know. Naiintindihan kita. But please calm down. You are safe here. Kapag bumalik si Mond mamaya, I'll introduce you properly."
![](https://img.wattpad.com/cover/132014278-288-k413132.jpg)
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
Любовные романыThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...