Aiea took out the card key and swiped it to open the door. Gulat na napatitig siya kay Mad at Drax na parehong nakahiga sa kama at magkadikit na magkadikit. Kung tutuusin, hindi na dapat katakataka iyon dahil mag-asawa ang dalawa. Not if they were really 'husband and wife'.
Napuno agad ng paliwanag ang mukha ni Drax at sunod-sunod ang iling na ginawa. He slowly moved away from his wife but the latter didn't let him.
"I said don't go," naaasar na sabi ni Mad. "Just don't leave yet. Baka sa susunod na pagkikita natin, magiging ibang tao ka na."
"Maria Dave-"
"Lasing ba iyan?" tanong ni Aiea. Amuse na amuse na siya sa inaasal nito. Para itong tuko kung makakapit at ayaw pakawalan si Drax. Such a rare sight for someone who hates men. He nodded. "Hoy, Mad! Bakit ka naglasing?"
"Dahil hindi Venice ang pinaka-romantic na city sa mundo."
Napangiwi siya sa sagot nito. Ibang case din ang kaibigan niyang ito. "Lasing nga. Hayaan mo na lang, Drax. Mahirap makipag-negotiate sa taong wala sa tamang pag-iisip."
"How about you? Magkatabi kayo ni Maria Dave, di'ba?" tanong ni Drax.
"Wala akong magagawa kung mas gusto ka niyang katabi. Wala naman siguro kayong kababalaghan na gagawin."
"Kababalaghan?" ulit nito.
She snorted. "Isa ka ring mahirap kausap. Sige na. Iwan mo na lang iyan kapag bagsak na bagsak na. Mag-che-check na lang ako ng room kung may bakante pa."
"How about Kuya Jared?" nababahala nitong tanong. At some point, at ease naman siya na iwan si Mad sa asawa nito dahil mas inosenti pa yata itong mag-isip kaysa sa kaibigan niya.
"Hay naku! Busy iyon kay Alhe."
Aiea left the room. Dumiretso siya sa reception para tingnan kung may bakante pang kwarto pero wala na. She took out her phone and was about to dial one of her friend when she realised she might disturbed them. Saglit siyang nakatitig sa screen bago iyon ibinulsa.
Nakabuntong-hiningang lumabas siya ng hotel at naglakad-lakad. Maybe she needed to get used to it. Na hindi na gaya ng dati ang lahat. Na may kanya-kanya ng buhay at oras na paglalaanan ang mga kaibigan niya. At siya, wala pa siyang nakikitang kapalaran niya maliban sa pagdating ng araw ng pag-iisa. Whether she accepts it or not, Logan is right. Amethyst's life was filled with so much lie it's time to make things clear.
Bumigat ang pakiramdam ni Aiea kaya nag-desisyon siyang uminom. She went on the bar, ordered a bottle of whiskey and started drinking. Nakatanaw siya sa malayo, pinapanood ang paglubog ng araw habang sumasalamin sa tubig ang kagandahan nito.
"Tama ka nga, Mad," mahinang sabi niya at sumimsim. "Bakit nga ba hindi Venice ang pinaka-romantic na city sa mundo?"
Her tears fell. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang umiyak. Pinaparusahan na siya sa kasinungalingang hinabi niya sa walang muwang na bata kaya ngayon ay nasasaktan siya nang lubusan. Kung pwede niya lang hilingin na sana siya na lang ang totoong ina ni Amethyst? Kung sana'y siya na lang ang nabuntis? Because she thought she doesn't deserve the pain. After all, she meant no harm.
Isang dark violet na panyo ang inilapag ng kung sino sa mesang inookyupa ni Aiea. Nang mag-angat siya ng tingin, si Logan ang nakita niya. She moved the handkerchief on the side. Kumuha siya ng tissue at iyon ang ginamit para ipamunas sa basa niyang pisngi.
"Can I join you?" may pag-aalinlangang tanong ni Logan. Iminuwestra niya ang upuan sa harap. Sumenyas siya sa waiter at nanghingi ng isa pang baso. She poured him a drink. "Thank you."
YOU ARE READING
KARMA'S Appetite Series 5: Chef Aiea
RomanceThere are two important things to know about Aiea. First, she's a proud single mom. Second, she hates men. Mula nang maging ina siya, nag-pokus siya kung paano bubuhayin ang anak niya. She learned how to plan ahead, she jotted down everything ne...