Chapter 4

333 16 0
                                    


Years ago...




"Wala ka talagang kwenta! Bakit hindi mo tularan ang kapatid mo? Kahit kailan, masakit ka sa ulo! Kung bakit ka pa kasi ipinanganak!"

Napapikit si Aioua nang tumama sa mukha niya ang report card na iniabot niya kay Maring-lola niya sa ina, nang patapon na isinauli nito iyon sa kanya. Pinulot niya ang card sa sahig at isinilid sa bag.

"Hindi ko pipirmahan iyan. Nakakahiya ka! Dinaig pa ng grado mo ang mga unggoy na naglalambitin na lang at pasang-awa! Kung pwede ka lang talagang itakwil, matagal ko nang ginawa," patuloy ni Maring sa panggagalaiti.

"Ano na naman iyan, Maring?" tanong ni Joselito nang makapasok sa kusina. Asawa ito ni Maring at lolo niya.

"Ito!" Idinutdot ni Maring ang hintuturo sa noo niya. "Itong walang kwenta mong apo, ipinapahiya na naman ang apelyido natin. Kanino ba nagmana ito?"

"Kanino pa? E 'di sa ama niyang wala ring kwenta," parang wala lang na tugon ni Joselito at tiningnan siya.

"Tataas ang presyon ko sa kabobohan mo, Aioua. Hay naku!"

Sabay na tinalukuran si Aioua ng lolo at lola niya. Tumuloy naman siya sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto. Nakabuntong-hiningang inilapag niya ang mga gamit sa kama at pabagsak na humiga. Tumitig siya sa kisame. Kumurap-kurap siya. Hindi tuluyang tumulo ang luhang namuo sa mga mata niya.

Ganoon parati ang tema ng araw at gabi niya. Ang talak ng lolo at lola niya ang pagkain ng tainga niya mula pa nong kahit wala siyang naiintindihan sa pagtrato ng mga ito. When she accidentally heard everything two years ago, about their grudge and ended to an unfair treatment everyday between her and her older sister, she adjusted herself with everything.

Sinisisi si Aioua ng dalawang matanda sa pagkamatay ng ina niya. Nang ipinanganak siya, pinapili ang mama niya kung sino sa kanila ang mabubuhay ayon na rin sa narinig niya. As a mother, the latter chose her. Kaya naman siya itong naiwan sa pangangalaga ng mga magulang nito. Sa panahon ding iyon naglaho ang ama niya na parang bula kaya wala siyang nakagisnan kahit sino sa mga ito at tinuring na isang malas.

But she was never been good in her grandparents' eyes even before she knew the reason. Kahit nag-to-top na siya sa klase at halos hakutin ang lahat ng award dahil tingin niya ay iyon ang paraan para magustuhan siya ng mga ito, hindi pa rin naging sapat iyon. Ni hindi niya maalala na nginitian at pinuri siya ng dalawa. Kaya naman, kung ano ang tingin ng mga ito sa kanya, ipinapakita na niya sa gawa. Tapos na siya sa panahong nanlilimos siya ng atensyon.

Napahawak siya sa dibdib. "Kaunti na lang," mahinang sabi niya. "Kaunti na lang, hindi ka na masasaktan."

Nong una, parating umaatungal at umiiyak ng palihim si Aioua. Lagi niyang tinatanong kung bakit ganoon na lang ang pagtrato ng lolo at lola niya. Nang malaman niya ang dahilan, ilang buwan din bago niya nakumbinse ang sarili na ganoon na talaga at hindi na niya iyon mababago. Na wala siyang maaasahan kundi siya lang mismo.

She's still hurt. Hindi dahil ikinukumpara siya sa ate niya. Kundi iginagaya siya ng mga ito sa ama niya at pasimpleng itinatakwil. Higit sa lahat, lolo at lola niya pa rin ang mga ito at kadugo niya. Their words pierce her heart despite of the fact that her ears now can easily ignore their hurtful words. Pero kung noon ay labis-labis ang sakit, ngayon ay kakarampot na lang. Kaunting praktis pa, tuluyan na siyang magiging walang pakialam.

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now