Chapter 5

352 16 3
                                    


It was Graduation Day. Every student is making a fuss. May nagtsi-tsismisan. May nagpapa-picture. Maingay ang mga tao sa paligid na kamag-anak ng mga gra-graduate.

Kinuha ni Aioua ang headset sa bulsa ng suot at nakinig ng musika. She is alone. Walang nakakaalam kung ano ang araw na iyon. Wala siyang pinagsabihan ni isa sa kamag-anak niya. Ayos lang naman sa kanya. It's just another day that is needed to pass.

Nag-angat siya ng mukha nang may tumayo sa harapan niya. It was Jerome. Ito ang naging huling boyfriend niya na nangungulit pa rin sa kanya at nakikipag-balikan. May dala itong camera.

"Bakit?" tanong ni Aioua nang alisin ang headset sa tainga.

"Pa-picture sana tayong dalawa. Kung okay lang."

Tumango siya at tumayo. Nagpautos ito ng ibang estudyante na kuhanan sila. Inakbayan siya nito at ngiting-ngiti sa camera. She lightly smiled too.

"Aioua, salamat."

"Walang anuman."

"And congratulation."

"Sa'yo rin." The emcee spoke over the microphone. "Bumalik ka na sa upuan mo," aniya. Sumunod naman ito.

The program started. Ang daming pasikot-sikot. Maraming nagbigay ng speech. Nag-iyakan na ang iba, hindi pa man nagmamartsa para kunin ang diploma. Sinunod ang awarding ng nakakuha ng pinakamataas na grado sa mga subjek. When the next was the marching, she readied herself.

"Our valedictorian... Please give a round of applause to Aioua Ken Maceda."

Tumayo si Aioua kasabay ng masigabong palakpakan. She went to the stage, accepted her diploma and medals, shook hand with the principal, and went to the middle to give her own speech. Inilibot niya ang paningin sa madla.

"Someone told me, 'Your grade will not define who you will become. And that everyone will be successful in their own way'." Hinawakan niya ang mga medalyang nakakabit sa leeg niya at bahagya iyong itinaas. "Hindi ko alam kung gaano karami ang naiinggit na mga kapwa ko estudyante sa akin. Hindi ko alam kung ilang magulang ang nangangarap na sana, anak nila ang may suot ng mga ito. But what I want to tell to everybody, being envious is normal. Because all of us has that inside us. Marahil ang iniisip ng iba ay wala nang hihigit sa angkin kong katalinuhan lalo na at hindi ako napatalsik sa pinakamataas na pwesto. O baka naman, iniisip niyo ring magiging magaling ako sa larangang tatahakin ko. But we will never know. Dahil baka isa sa atin dito, maging future president ng Pilipinas. At ako, baka isang taong nagbebenta ng sampagita ang hinaharap.

Ngumiti siya sa lahat.

"To be honest, hindi ko alam kung ano ang gusto ko. I live for today. That's why I envy those who have plans. I envy the parents who are here and support their child. Kinaiinggitan ko ang buong pamilyang naghihintay sa kanya-kanya nilang tahanan para mag-celebrate. Because everybody might be so proud of me now and wished to be me. But you won't want to be someone who's pretending and celebrating alone, achieving things all by yourself, trying to keep all you have from the people who is living with you under the same roof. Because these aren't enough. Sa totoo lang, my grades are just plain numbers. Nothing at all beneath it. Kaya naman sa mga kapwa ko estudyante, huwag niyong isipin na maliit kayo dahil hindi niyo kayang makakuha ng mataas na grado. Be thankful because you are here. Be grateful because you passed another step. Be happy because you are accepted by what you can offer. Sa mga magulang, sana huwag ipamukha sa mga anak na kailangan higit pa ang gawin. Hindi niyo alam ang psychological pressure na idinudulot ng mga salita niyo at mga bata pa rin kami na nasasaktan. Be open-minded. Tanggapin niyo ang kaya lang ng anak niyo. Dahil darating ang araw na mag-e-excel siya sa bagay na pinakagusto niya."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now