SimulaHome
I can't believe I'm finally home. After sooo many years. I missed my family. Ang kakulitan ni Roi, sina Mama at Papa. I sighed. Now I'm finally standing where I came from. Pumara ako ng tricycle at sumakay doon.
Sinag Tala.
Tumingin ako sa paligid....Maraming nagbago dito. Nagkaroon ng maraming structures at mga malls. I admit that for a province, it's too much. Masyado na itong moderno dahil sa napakaraming tourist ang pumupunta dito. Pero hindi pa rin nawawala ang hint ng pagka-rural nito. Marami pa ding mga puno, palayan... Mga kanya-kanyang Hacienda ng mga kilalang tao.
Umuwi ako para magbakasyon kahit dalawang buwan lang. Pero bago ako umuwi dito'y inalok ako ng matandang Peralta para magtrabaho bilang Isang Advertising Manager. Pumayag ako dahil kailangan ko ng extra money for the business that I'm planning to do here in Sinag Tala. Of course, alam ko naman na mas magaan ang trabaho dito keysa sa US.
Hindi pa ako nakakababa ay nakita ko na agad ang pamilya ko na nag-aabang sa labas ng aming bahay. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Any moment now, alam kong tutulo ito. Pagbaba ko ay agad akong yumakap kay Mama at Papa. Hinila ko din si Roi. It's been years, God! Humikbi ako. "Anak ko..." ani Mama. Nang naghiwahiwalay kami ay hinawi ni Mama ang iilang buhok na humaharang sa mukha ko. "Mas lalo kang gumanda anak..." aniya at tiningnan ang aking kabuuan." At mas lalong naging sexy..?" sabi nya sabay tawa. Namula ako sa sinabi ni Mama. I'm wearing an off-shoulder white dress and a pair of wedges sandals.
"Parang 'di naman. Parang mas lalo kang tumaba!" pang-aasar ni Roi. Bahagya ko syang hinampas. Pareho kaming natawa.
Tinulungan ako nina Papa at Roi na magbuhat ng mga luggage ko. Bang makapasok ako sa bahay namin ay hindi ko mapigilang mamangha. It's newly renovated! "Ang ganda na ng bahay natin!" excited kong sambit. "Lahat ng to anak, ikaw ang dahilan. At nagpapasalamat kami dahil doon" ani Papa. Tumango ako. Mabuti na lang at may opportunity na dumating sa buhay ko. At buti na lang ay sinaktan ako ni... Sinaway ko ang sarili ko bago pa ako may masabing hindi maganda. Ipinilig ko ang ulo ko at nagkibit balikat na lamang. Pagkatapos noon ay nakipag-catch up ako sa pamilya ko. Kinuwento ko ang mga naging karanasan ko doon sa America. "Ikaw ba anak ay me nobyo na?" si Mama. Pinamulahan nanaman ako ng mukha. I dated some yes, but I don't have an interest when it comes to love life. Not anymore. "W-wala po Ma... Wala a-akong time sa mga ganyan.." sabi ko. Nanunukso nya akong tiningnan.
"Syempre Ma, paano magkaka-nobyo si ate eh, may naiwan sya dito??" hirit nanaman ni Roi. Naku! Isa na lang talaga at bibinggo na sya saakin. Natawa lamang sina Mama at Papa sa kanya. Damn! I wish everyone can forget about us for good! I cursed. One of the reasons kaya umalis ako ng Sinag Tala is because someone hurted me.Pagkatapos makipagkwentuhan ay pinamigay ko ang mga pasalubong nila. Tinulungan ako ni Roi na dalhin ang mga luggage ko sa dati kong kwarto. Wow! Lahat ng gamit ko, kumpleto pa din doon. Ni parang hindi nagalaw. Nilapag ni Roi ang mga gamit ko sa gilid ng kama. "Ate...paano yan, magkikita kayo ni Kuya Reid sa Hacienda..?" maliit ang boses na ginamit nya. Tiningnan ko lang sya ng matalim. "Bakit? Sya ba ang may-ari ng Hacienda? " mataray kong sabi. Di naman sa kanya ang hacienda. At sa pagkakaalam ko ay nasa Maynila sya. Ang matandang Peralta ang may-ari noon. Kaya nya nga ako pinakiusapan diba? Diba?
"Eh ate...s-sa pagkakaalam ko eh p-pinamana na ang hacienda sa nakakatandang anak.." aniya na ikinagitla ko. No, hindi pwede! Naghuhumiyaw ako sa galit ng marinig iyon.
"Wala naman na akong pakialam sa kanya. Tsaka ang Matandang Peralta ang nakiusap sa akin." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ayoko ng magpaapekto.
BINABASA MO ANG
The Ruler
General Fiction#REID VALENTIN PERALTA Hot. Dangerous. Drop-dead Gorgeous. That's how they describe the notorious "Playboy", Reid Valentin Peralta. And Liana knew that very well. She's been in love with the man since she was young. Her little young heart decided to...