Kabanata IV
Not jelly
Habang nagmamaneho si Reid ay di pa rin ako bumabalik sa dati kong huwisyo. Bwisit kasi eh! Bakit mo ko niyakap?! I mentally screamed. Tumingin na lamang ako sa labas ng kotse.
"Are you mad...?" He suddenly asked. Nilingon ko sya. Kahit nasa harapan nakatuon ang atensyon nya, kita ko pa rin sa mata nya ang magkahalong pag-aalala at inis. Ikaw pa ang may ganang magalit?!
Umirap ako at tumingin palabas ng kotse. "Hindi..." Sabi ko na lang. Ayokong makipag-away at baka may masabi nanaman syang ikakagulantang ng sistema ko.
Bigla kong naalala na kailangan ko palang bumalik sa mansyon ng Matandang Peralta. Kailangan kong i-present ang nabuo kong concept.
"Uh... kailangan ko pa lang bumalik sa mansyon ni Governor. Kailangan kong i-present ang concepts ko." Sabi ko. Nilingon nya lang ako saglit.
"Bakit hindi na lang saakin mo sabihin, Lian.... I already owns the hacienda. Nailipat na ito sa pangalan ko." He said sternly. Umirap lamang ako. Ang yabang talaga!
"Although ikaw na ang may-ari Reid, sa kanya ko pa din dapat i-present iyon dahil sya ang nag-hire saakin. Ikaw lang ang secondary person na kailangan kong sabihan dahil sya pa din ang magpapa-sweldo saakin." Mataray kong sabi at tinaasan sya ng kilay. Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya.
"Edi ako na lang ang magpapa-sweldo sayo..." He said in a deep voice. Nanlaki ang mata ko. Jusko! Ano bang gagawin ko sayo Reid!? Pinandilatan ko sya.
"Sorry. I'm not accepting money from ex's...." I said coldly tapos umirap at tumingin sa labas. Mabuti na lang at kaagad akong nakabawi. 1 point for Lian!!! I smiled devilishly.
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin. Tahimik kaming nakarating sa mansyon ng Matandang Peralta. Agad syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Kahit iisang pamilya sila, magkakahiwalay ang Villa nila. Tita Gift has her own kasama si Princess. Si Rex, Clifford at Ryu ay may kanya-kanyang villa din sa paligid ng hacienda. Maging si Reid man... Pero ang pinakamalaki at engrande ay ang kay Governor Peralta.
Tuluyan akong bumaba ng sasakyan. Sinundan ko si Reid sa loob ng mansyon. P-pinress nya ang doorbell at agad iyong bumukas. Sinalubong kami ng mga katulong.
"Kayo ho pala Señorito Reid.... Hinahanap nyo ho ba ang Don?" Sabi ng isang katulong habang nakangiti sa aming dalawa.
"Oo Nana Ising. Kailangan kong makausap ang abuelo..."he replied.
"Sa pagkakaalam ko ay nasa opisina ito. Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas simula kaninang tanghali." Sagot nanaman nya.
Tumango lamang si Reid at hinawakan ang kamay ko. Napakislot ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko. It feels like an electrical induction. Hindi nagawang bawiin ang kamay ko na ngayon ay nakasalingkop na sa kamay ni Reid. Bitiwan mo ko!!!! I mentally screamed pero di ko maisatinig iyon.
Nagtungo kami sa opisina ng Matandang Peralta. Bago kumatok ay tiningnan ako ni Reid. Inirapan ko lamang sya.
"Abuelo, maari ba kayong makausap?" Tanong nya pagkatapos kumatok. Pareho kaming nagkatinginan at naghintay ng sagot. Maya maya'y may bumukas sa pintuan. Isang magandang babae. Siguro'y nasa late twenties ito at napakaganda ng hubog ng katawan. Halatang nagulat ito ng makita kaming magkahawak ang kamay.
"R-reid... Ikaw pala. Sino yang kasama mo?" She said tapos tinapunan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tapos tinaasan ako ng kilay. Alam ko na, sa paraan ng pagtingin nya ay hindi nya ako gusto. At dahil mabait akong tao ay nagkibit balikat na lamang ako.
BINABASA MO ANG
The Ruler
General Fiction#REID VALENTIN PERALTA Hot. Dangerous. Drop-dead Gorgeous. That's how they describe the notorious "Playboy", Reid Valentin Peralta. And Liana knew that very well. She's been in love with the man since she was young. Her little young heart decided to...