Kabanata 2

301 17 9
                                    

Kabanata II

I'll court you.

Pagkatapos kong mahimasmasan ay pumasok ako sa bahay. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Roi na nagliligpit ng pinagkainan.

"Oh ate, how's your meeting with the Governor?" he asked. Pilit akong ngumiti. Ayokong mahalata ni Roi na umiyak ako.

"It went well, bukas ay magsisimula na ako." I said softly. Para matapos na agad.

Napansin ko agad na wala pala sina Mama."Oh, nasaan sina Mama at Papa?" tanong ko.

"Ah, ate nagpunta sila ng munisipyo. Nagabayad ng amilyar.." he replied. What?! Sana ako na lang ang nagbayad!!

"Sana sinabihan nila ako. May ipon naman ako eh.." I said. Umiling lamang sya.

"No need ate. Ako ang nagbigay sa kanila ng pambayad." he said. Inilapag nya ang mga plato sa lababo at sinimulang sabunin iyon.

"Huh? Bakit? May trabaho ka na ba?" I asked in confused tone. Sa pagkakaalam ko ay fourth year college pa lang si Roi.

"Ate, sa immersion ko galing iyon. I'm doing an on job training sa Hacienda Peralta..." he said softly. Aba! Kailan nya pa balak sabihin saakin ito?! Pagka-graduate nya??

"Hindi mo man lang nabanggit sa akin?" nagtatampo kong sabi. Agriculture business ang kinukuha nyang kurso dahil balak daw nyang magtrabaho sa Hacienda Peralta at kalaunan ay magpagawa ng sariling hacienda nya balang araw.

Nangamot sya ng ulo. "Sorry na agad ate..balak ko naman sabihin sayo eh kaso Baka....yung k-kay...."sabi nya na uutal utal. Bumuntong hininga ako at tumango.

"Nagkita na kayo ate?" he suddenly asked. Tumango lang ako.

"Anong pinagusapan nyo?" He asked again. Ano to?? Interrogation??

"Tungkol sa business...." I lied. Tiningnan nya lamang ako at may nakita akong kislap ng kapilyuhan sa mga mata nya.

"What??" inis kong sabi.
"Business nga ba ate??" panunukso nya. Ngaling-ngaling ko syang batukan. Inirapan ko lamang sya at naglakad papunta sa aking kwarto.

Pagkapasok ko ay ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan. I knew this day will come. Na makakausap ko ulit si Reid. Ayokong isuko ulit ang sarili ko sa kanya ng ganun ganun na lamang. Lumayo ako para makalimutan sya. But instead, mas lalo ko pa syang minahal, which is very stupid.

Dammit Peralta!! Bat di ka na lang ba mag-evaporate?! I mentally screamed.
I sighed. Liligawan nya ulit ako huh? Puwes, tingnan natin kung hanggang saan aabot ang pasensya ng isang Reid Valentin Peralta. I mentally laughed.

Papahirapan ko sya para madama nya kung gaano kasakit ang makita syang may kahalikang ibang babae. I'll make him suffer and show him who's the commander. The ruler.

Maya-maya'y may kumatok sa pintuan ko.

"Ate? Tulog ka? Andito sina Ate Jen sa labas!" sabi nya. The moment na narinig ko iyo ay agad agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko. I miss her sooo much!! I mentally screamed. Jen is my very best friend since elementary. Sabay kaming nag-highschool sa STA and syempre nag-graduate.

"Jen!!!!!!" I screamed.

"Lian!!!!" She screamed too.

The moment I reached her, I hugged her very tight. Three years din kaming hindi nagkita, God!!!

"How are you?! Gosh! I miss you sooo much!" I said at muli syang niyakap.

"Me toooo!!!" She screamed.

The Ruler Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon