Part 7. Elevator (SPG)

21.1K 344 15
                                    

I AM NOT an easy lay. Sa loob ng dalawang araw ay paulit-ulit ang isipin na iyon kay Kareene. Gusto niya si Red pero hindi siya tanga na basta na lang pumatol sa kagustuhan nito na wala man lang itong effort. Tinawagan siya nito para sabihin ang kapareho na gusto rin niya. Yet, he did not make any effort. Siya pa ang gusto nitong palapitin rito. Pinapapunta siya nito sa townhouse nito sa halip na siya ang puntahan nito. What a gentleman, right? O siguro ay sadyang iba lang talaga ang tingin nito sa kanya.

Mababang babae siya. Iyon ang iniisip ni Red sa kanya. Gusto at pinagnanasaan niya ito pero hindi ang isipin na nakikita siya ni Red bilang mababa na babae. Hindi ibig sabihin na liberated siyang mag-isip ay talagang makabagong babae na siya. May sikreto pa rin siyang itinatago. Kapag nalaman iyon ni Red ay alam niyang mapapahiya ito. Pero hindi si Red ang tamang lalaki para pagsabihan lalo na ang pagbigyan niya noon. Hindi siya tanga para ibigay ang sarili sa isang lalaking babastusin lang siya. May manners siya.

Pinigilan ni Kareene ang damdamin kay Red. Ibinaling niya iyon sa iba. Ngayong araw ay pumayag na siyang makipag-date kay Justin Villania---ang business man na matagal na siyang kinukulit na makipag-date. May itsura naman ito at masasabing perfect man dahil sa laman ng kaban. Too bad, walang siyang maramdaman na amor rito. Sinubukan niya lamang ngayong patulan ito dahil sa ngayon, ito lamang ang lalaking available. Kailangan niya ng isang tao na makakapag-divert sa nararamdaman niya kay Red.

Dinala siya ni Justin bilang date sa isang charity ball. Ayon rito, mga elite lang raw na kagaya nito ang nakakapunta roon.

"You are lucky, you know." Kinindatan pa siya ng lalaki. Bahagyang nagtaasan ang balahibo ni Kareene. Ewan kung bakit sa halip na kiligin, parang kinilabutan siya. Siguro ay dahil na rin sa may mayabang na tono ang boses ni Justin.

"Puwede bang gaanan mo ang hawak sa baywang ko?" request ni Kareene. Mapag-angkin na hinawakan siya nito na halos hindi na siya makahinga. Naiinis si Kareene.

"You want to mingle with other guys here?" may galit naman ngayon ang tinig ni Justin.

Naipaikot ni Kareene ang mata. "Hindi dahil sa sinabi kong pakawalan mo ako sandali ay---"

Nagdilim ang mukha ni Justin. Binitawan siya nito. Mukhang nainis ito pero mas nainis siya. Tama ba ang reaksyon nito samantalang nagre-request lang naman siya rito? Nasasakal naman kasi siya sa possessive na hawak nito. For God's sake, ni hindi niya ito boyfriend para hawakan siya ng ganoon kahigpit.

Sandali pa lamang, alam ni Kareene na gulo na ang pinasok niya. Nang magpaalam rin sandali sa kanya si Justin, lalo na niyang naramdaman na tama ang kanyang hinala. Hindi kasing-yaman ni Kareene si Justin o kahit sino man na nasa event kaya wala siyang kilala. Bahagyang nanliit siya. Wala rin siya sa mood na makipag-socialize. Pinili na lamang ni Kareene na lumabas sa hall ng hotel na pinagdadausan ng hotel.

Naiinis si Kareene. Bakit ba ganito ang ginagawa niya sa kanyang buhay? Parang puro na lamang mali ang kanyang desisyon. Alam naman kasi niya na mali rin ang makipag-date kay Justin. Pero dahil desperada na siya para alisin si Red sa isip, pumatol siya.

Kinukuyom ni Kareene ang mga kamay nang may isang lalaki ang humawak sa balikat niya. Dagling nawala ang frustration niya nang may maramdamang kakaiba pero tila pamilyar na init.

"Ditch by your date?" nakataas ang isang kilay na wika ni Red.

Sandaling napaawang ang labi ni Kareene sa pagkagulat. Pero mabilis rin niyang isinara iyon. Kailangan niyang lumunok. Nanunuyo na naman ang lalamunan niya nang makita si Red. Napakaguwapo nito sa suot na white coat. Pero isa pang naging kapansin-pansin para kay Kareene ay ang kumikibot-kibot na labi nito. Kaagad na pumunta sa aalala niya ang mainit na halik na pinagsaluhan nila. There had been a sudden explosion of primal lust that was as unexpected. Hindi iyon katanggap-tanggap. Damn, ano ba ang ginagawa sa kanya ng lalaking ito?

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon