Part 9. The Accident

16.9K 300 8
                                    

"CHANG, tinulungan kita ng magka-problema ka. Maano ba naman na ipahiram mo sa akin 'yang asawa mo? Promise, I'll behave. Hindi naman ako others 'di ba?" may pagpi-please sa boses ni Kareene habang kausap ang kaibigan at co-writer na si Ice o Chang bilang nickname nila rito at ng isa pa nilang kaibigan na si Mara Abilene. Tinawagan niya ito sa cell phone para humingi ng tulong.

"Alam ko. Pero sinabi ko naman na unavailable ngayon si Will 'di ba?"

Pinaikot ni Kareene ang mata. "Unavailable kamo siya kasi may session na naman kayo."

Humagikgik si Ice. "He'd been away for a whole week. Ngayon ko na lang siya nakasama. Masama ba na ipagdamot siya? Isa pa, ang layo namin sa Laguna. Nasa Bataan kami ngayon. Baka puti na ang buhok mo kapag nagbiyahe pa kami papunta diyan para tulungan ka. Wala rin naman alam si Will tungkol sa pag-aayos ng sasakyan."

"Wala ba kayong kakilala na mekaniko or something?"

"Meron daw siya pero naiwan niya ang cell phone sa bahay. Hindi niya saulado ang contact."

Napaungol si Kareene sa inis. Wala na siyang alam na sino man na maaaring tumulong sa kanya sa sitwasyon ngayon. Wala siyang malalapit na kaibigan kung hindi si Ice at Mara lang. Pero paano naman siya matutulungan ni Mara? Isa pa rin ito na kagaya niyang umiikot lamang sa pagsusulat ang mundo. Nasa Cebu rin ang pamilya nito. Siya naman ay ganoon rin. Namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakakaraan sa isang vehicular accident. Wala siyang malapit na kamag-anak sa Maynila. Lahat ng mga iyon ay nasa Davao. Bihira lang niyang bisitahin ang mga ito.

"Hindi mo ba muna puwedeng iwan ang kotse mo para maghanap ng kahit malapit lang na pagtutuluyan?"

"Alam mo kung gaano ko kamahal ang kotse ko, Chang. Gugustuhin ko ng magpalipas rito ng magdamag." Masyado siyang maaarte sa kanyang mga gamit, lalo na sa may mga malalaking value. Kahit na second hand lang niya nabili ang kotse, maituturing niyang prize possession iyon. Hindi naka-insured ang kotse kaya mas delikado. Paano kung may lasing na gumasgas roon? Paano kung may magnakaw ng gulong?

Hindi naman siguro masisisi si Nina Kareene kung mapa-paranoid siya. Mag-aalas diyes na ng gabi. Napakadilim ng paligid. Papunta siya sa Calauan, Laguna. May pupuntahan sana siya roon na farm resort na nakita niya ang advertisement sa Facebook. Open naman iyon ng twenty four hours kaya naisipan niyang bumiyahe kahit dis-oras na ng gabi. Malakas ang loob niya kasi may kotse naman siya.

Sa kasamaang palad, nasiraan siya ng kotse. Ang pinakamasama pa, hindi niya alam ang lugar. Wala siyang nakikitang kabahayan sa paligid. Wala rin na dumadaan kahit anong sasakyan o magbabalot man lang. Ewan ba niya kung tama ang tinatahak niyang daan. Naisip niyang baka naligaw na siya.

"All right. Pero Kang, masyadong delikado ang manatili ka diyan---"

"I'll just call one of the boys," wika ni Kareene at pinatay na ang tawag. Malapit ng maubos ang battery ng cell phone niya at wala siyang dala na powerbank. Uubusin lang ng pagkausap niya kay Ice iyon pero wala rin naman na mangyayari.

Pero may mangyayari rin ba kung tatawagan ni Kareene ang ilang kilalang lalaki na na-date niya? Lahat ng mga iyon ay taga-Maynila. Isa pa, lahat ng mga ito ay nakaraan na. Kahit marami pa rin ang umaasa, hindi niya binibigyan ng pagkakataon. Hindi na niya gustong makipag-ugnayan sa mga ito. They were all frogs. Isa pa, wala siyang na-date na engineer o may interes man lang sa kotse. Most are Doctors and businessmen. Anong alam ng mga ito sa pagmemekaniko?

Pero anong gagawin niya sa sitwasyon? She needed a man who would help her. Hindi siya marunong mag-ayos ng kotse. Wala siyang kilala na mekaniko. Hindi niya ma-risk na iwan kahit sandali ang kotse para gumambala man lang ng tao.

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon