Part 12. For Pleasure

15.5K 329 19
                                    

TUMATAYO ang balahibo ni Red habang pinapanood sina Louie at Violet. Kinumbinsi siya ng kapatid na sumama sa date nito at ni Louie. Sa paraan raw na iyon ay makikita niya na "wholesome" ang relasyon ng mga ito ng kaibigan. Sweet lang daw ang dalawa. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang nasobrahan naman iyon.

"Tumigil ka nga. Malaki na ang kapatid ko," hinarang ni Red kay Louie ang kutsara na isusubo nito sa kapatid. Kasama siya ng mga ito na mag-dinner sa isang restaurant sa mall.

Inarapan ni Violet si Red. "Kuya, palagi mo na giniginiit na bata pa ako kaya hindi pa ako puwedeng magka-boyfriend. Ngayong tinuturing ako ni Louie na bata, nag-iinarte ka."

"Ang arte niyong dalawa,"

"We're just in love. And I'm Louie's baby..." kumapit si Violet sa braso ng nobyo.

Kung hindi lang makakasira ng image niya, napaikot na rin ni Red ang mata. Ayaw niyang maniwala sa kanyang nakikita. Paano kasi mangyayari iyon? Hindi siya naniniwala sa pag-ibig.

Marami ng babae ang na-date ni Red. Aminado siyang playboy siya. Pero walang babae ang naisipan niyang ilabas ng ganoon kagaya ng ginagawa ni Louie sa kapatid. He never looked at a woman like that. Siguro nga ay tinamaan ang loko. Nakikita niya ang purong saya habang nakatingin kay Violet. Pambihira!

Kung nakakaramdam man si Red ng pagmamahal, kay Violet lang iyon. Kahit noong mga buhay pa ang mga magulang nila, hindi niya kailanman naramdaman iyon. Ang tanging naalala lang niya ay pag-aaway ng mga ito. Hindi rin lihim sa kanya na nagpakasal lang ang dalawa dahil aksidenteng nabuntis ng kanyang ama ang ina. Pero siguro nga ay siya lang ang hindi destined na makaramdam noon.

Sa dalawang araw na pag-oobserba ni Red kayna Louie at Violet ay tila nakukumbinsi na siya ng mga ito. Sa unang beses sa buhay niya, nakita niyang naging gentleman si Louie sa isang babae. Ngayon lang rin niya nakita na tumingin ito ng may pag-aalaga sa isang babae. Wala na nga sigurong masama. Malaki na rin si Violet. Responsable na ito in a way. Masyado lang talaga niyang pinapahalagahan ang kapatid niya. Gusto niya ay nasa maayos na kalagayan ito. Naging napakalaki ng sakripisyo niya sa kapatid. Hindi niya hahayaan na masaktan ito.

Pagkatapos ng dinner nila ay nagyaya si Violet sa isang book store. Hindi na siya sana sasama sa loob dahil gusto niya ng umpisahan ang pagtitiwala sa dalawa. Wala naman sigurong gagawin na masama ang mga ito sa loob. Hindi rin niya ugali na pumasok sa bookstores. Hindi siya mahilig sa libro. Pero na-curious siya kaya sumama na rin. Isang bookstore iyon ng mga Tagalog Romance Pocketbooks. May naalala siya.

"M-marami na bang naisulat si Kareene?" tanong niya sa kapatid.

Naging mapanukso ang ngiti ni Violet. "Bakit ka muna interesado?"

Medyo pinagpapawisan si Red. Nahahalata ba ng kapatid na may namagitan sa kanila? O baka ikinuwento ng...?

Shit. Nasa isip ni Red. Kinakabahan siya. Bakit ba nangyayari iyon? Wala naman siyang dapat ikakaba. Alam naman ng kapatid na babaero siya at active ang sex life. Maganda rin si Kareene. Hindi siya santo para hindi patulan ito, lalo na sa klase ng pananamit nito.

"At bakit nga pala Kareene lang ang tawag mo sa kanya? Mas tinatawag siya ng marami na Nina o 'di kaya ay NK, kagaya ko."

"Well, I just feel like it. Ano ba ang tunay na pangalan niya?"

"Kareene. Kaya naiisip ko tuloy lalo na close na kayong dalawa kasi may first name basis at---"

"Sagutin mo na lang ang sagot ko, Violet." Ginamit na niya ang awtoridad. Ayaw na niyang maintriga pa. "Sige ka, hindi kita bibigyan ng pera pambili."

"Sinong natatakot?" tumawa pa ang pasaway niyang kapatid. "Kasama ko si Louie. Ibibili niya ako. Monthsary gift niya iyon sa akin. Pero dahil love rin kita, I will give you your peace of mind. Prolific si Ate NK. Mahigit isang daan na siguro ang librong naipa-published niya for the span of four years."

Nalula si Red. Siguro nga ay magaling ang babae. Tumingin siya sa shelves. Nakita niya ang pangalan ni Kareene sa cover ng libro. Pero parang ayaw niyang maniwala na si Kareene ang may akda noon.

"Paborito ko 'yan, Kuya!" wika ni Violet.

A Puppy Love. Basa ni Red sa title. "Sa kanya ba talaga ito? Parang pambata. Hindi ba erotica writer siya?"

"Hindi naman. Isa pa lang ang erotic romance novel niya. Isa pa, versatile siya. Kaya niyang mag-light, drama, comedy at iyon ngang alam mo, erotic."

"With the looks of her, mas mukha talaga siyang erotic writer."

Masusing tinignan siya ni Violet. "Tell me, Kuya. May ginawa ka ba talagang masama kay Ate NK?"

"Huh?" nanuyo ang lalamunan niya sa tanong ng kapatid.

Humalukipkip si Violet. "Ay naku, Kuya! Hindi dahil mukhang liberated at nakapagsulat na ng erotic na nobela si Ate NK ay pakawalang babae na siya. Hindi siya kagaya ng mga babaeng inilalabas mo. I believe that she is innocent and pure.

"Looks could really be deceiving. Hindi na miminsan na may bumastos kay Ate NK dahil sa mga katangian niya. Pero lahat ng mga iyon ay binabalewala ni Ate. Malinis siyang babae kaya hindi dapat siya sinasaktan." Pagpapatuloy pa ni Violet.

And I am guilty as charged. Nasaktan niya si Kareene. Na-guilty siya nang husto. In fact, hindi pa rin siya makatulog nang maayos sa mga nakalipas na araw. Gaano man itago ni Kareene, naramdaman niya.

She was a virgin.

Hindi tumitira ng birhen na babae si Red. Sa totoo lang ay si Kareene ang una niya. Masyado siyang nagulat. Ni hindi nga niya ito makausap nang maayos pagkatapos. Kahit ngayon, hindi siya makapagdesisyon kung ano ang dapat na gawin. Dumagdag pa sa guilt niya ang mga pinaratang niya rito noong nakaraan. Pinanaig niya ang galit niya sa pag-aakalang masamang impluwensiya ito sa kanyang kapatid.

Naikuyom ni Red ang kamay. Nagagalit siya sa kanyang sarili. Hindi naman miminsan na nanakit siya ng babae emotionally. Babaero siya kaya hindi maiiwasan iyon. But with Kareene, it felt bad. Worse. Nasasaktan rin siya sa isipin na nasasaktan ito.

Bumawi. Iyon lang ang naiisip ni Red na gawin. Hindi dapat siya magpadala sa takot sa magiging reaksyon nito. Pagkatapos ng lahat, bakit siya matatakot samantalang siya ang nag-agrabyado rito?

Kinalma ni Red ang sarili. Hinarap niya ang kapatid. "Pinapayagan ko na kayo ni Louie sa relasyon niyo....sa isang kondisyon."

Nanlaki ang mata ni Violet. "Anything, Kuya!"

"Ibigay mo sa akin ang address ni Kareene."

Kailangan niyang makabawi kay Kareene at pati na rin sa kanyang sarili. Aminado siyang nagkamali siya. Kareene was not a girl for revenge. Hindi iyon nararapat para rito. What they both deserved is something he was really tempting to do from the start: to have Kareene for pleasure...

i nito.<İA

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon