"SIGURADO ka ba na naipadala mo ang mga prutas?" naniniguradong tanong ni Red kay Violet. Pagkatapos niya itong utusan na bisitahin si Kareene ay pinapunta niya kaagad ito sa bahay niya. Linggo ngayon kaya wala siyang pasok. Ginugol lamang niya ang buong araw sa loob, sinusubukan na kalimutan ang realidad sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.
Tumango si Violet. Pero hindi nawala ang tila nandidiring tingin nito sa kanya. Malakas ang alcohol tolerance ni Red kaya naman kahit may dalawang bote ng naitumba, malinaw pa rin niyang nakikita ang reaksyon ni Violet. Maayos pa ang senses niya. Isa na roon na patunay na naalala pa niya ang inutos sa kapatid may limang oras na ang nakakaraan.
Kinuha ni Violet ang kopita ng alak na hawak niya. Ganoon rin ang bote ng alak kahit pigilan pa niya ito. Sinampal siya nito pagkatapos.
"What the---" nagulat si Red sa ginawa ng kapatid.
"That's for Ate NK!" gigil na sabi ni Violet.
Siguro nga ay nararapat iyon para kay Red kung galing kay Kareene. Pero nainis siya sa isipin na si Violet pa rin ang gumawa. "You disrespect me."
"Paano ko magagawang rumespeto sa isang lalaking hindi kayang rumespeto sa ibang babae? Pinalagpas ko ang noon, Kuya. Pagkatapos ng lahat, kilala naman ang mga babaeng iyon bilang pakawala. Pero hindi ang ngayon. Not with Ate NK! Not with a woman whom I respect so much and even carrying your baby! You're a jerk, Kuya! Idiot!" Pulang-pula ang mukha ni Violet.
"Hindi mo ako naiintindihan!"
"Talagang hindi kita maiintindihan! Niyaya mo na magpakasal si Ate NK pagkatapos ay ano? Limang araw mo na siyang hindi binibisita. Ni tawag o ni text man lang, ni hindi mo siya pinadalhan. You tried to give her flowers and a basket of fruits everyday. Oo, kailangan siguro niya iyon. Pero mas kailangan ka niya! Lalo na sa kondisyon niya ngayon. Huwag mong gawin ito, Kuya."
"I have to think..." napailing-iling si Red. Mag-isip? Limang araw na ang pinalilipas niya. Pero hanggang ngayon, nasosorpresa pa rin siya. Nangyari ang pinakaaayaw niya sa lahat: nagkaanak siya. Nabuntis niya si Kareene.
Masyadong nasabik si Red sa ideya na papakasalan niya si Kareene. He was happy to see the smile on her face. Nakita naman niya. Pero sa huli, mawawala rin pala, lalong-lalo na ang sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Naging maingat sila. Hindi niya gustong magkaanak kaya sinisigurado niya palagi.
Not another Violet...
Huminga nang malalim si Red. "But you don't have to worry. Pakakasalan ko pa rin naman ang Ate NK mo. I will never break a promise."
Tinitigan siya ni Violet. "Anong klaseng pagpapakasal ang mangyayari, Kuya? A marriage with hatred? Dahil disappointed ka na nabuntis mo siya? Ano bang masama roon? Ganoon naman talaga kapag magpapakasal 'di ba? Isa sa mga dahilan ay para bumuo ng pamilya."
"Hindi mo ba nakikita, Violet? Ang nangyari sa amin ay parang ang nakaraan. Parang nangyari kayna Mama at Papa. Magpapakasal lang kami dahil nabuntis ko siya!"
"What are you talking about? Hindi iyon ang plano mo 'di ba? You didn't even know she was pregnant when you put out the ring. Ikinuwento sa akin ni Ate NK ang lahat."
"Ganoon na iyon ngayon." Huminga nang malalim muli si Red. Natatakot siya. History is repeating itself. Mas lalong tumindi ang pressure niya.
"May iba pang dahilan." Tila siguradong-sigurado si Violet. "Sabihin mo iyon sa akin. Takot ka ba na magkaanak or something? Dahil sa tingin ko, nandoon lang ang lahat ng iyon."
"I don't want to discuss these things. Umuwi ka na. Gabi na." Pagpapaalis ni Red kay Violet. Sabi na nga ba, mali rin na papuntahin niya pa ang kapatid. Pero siguro nga ay mas matindi ang pag-aalala niya kay Kareene. Gusto niyang tanungin ang kapatid kung kumusta na ito. Hindi niya kasi maggawa iyon sa mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
For Revenge or For Pleasure (R-18)
General FictionNakipagtanan ang kapatid ni Red na si Violet. Sinsisi niya ang taong alam niyang nakapagpabago sa pinakamamahal niyang kapatid---ang erotic romance writer na si Nina Kareene. Kailangan niya ng mapapagbuntunan ng inis at galit. He tried to make reven...