Part 18. Pregnant

12.6K 282 31
                                    

TWO lines. Again.

Muntik ng mailaglag ni Kareene ang hawak na pregnancy test. Napaungol siya. Paanong mangyayari na magkakaroon ng dalawang linya roon? Maingat silang dalawa ni Red. Gumagamit siya ng pill. Hindi rin miminsan na sa kabila noon ay ginagamitan pa rin siya ni Red ng condom. Pero bakit hindi pa rin siya nakaligtas para sa isang unwanted pregnancy?

Gustong isipin ni Kareene na mali ang impormasyon na nakuha. Pero naka-tatlong subok na siyang mag-pregnancy test. Positive lahat. Hindi stress ang dahilan kung bakit madalas na sumasama ang pakiramdam niya. Iyon ay dahil buntis siya.

Pinakiramdaman ni Kareene ang sarili. Napatingin at napahawak siya sa pipis pang tiyan. May buhay na roon. Isa iyong sorpresa---nakakatakot na sorpresa. Hindi kasi iyon plinano. Pero sa kabila ng takot, may nararamdaman na saya si Kareene.

Wala ng masasabi si Kareene na malapit na pamilya. Wala siyang kapatid kaya mga kamag-anak na lang ng mga magulang niya ang kanyang masasabi. Pero lahat ay pawang mga malalayo. Minsanan lang kung bumisita siya sa mga ito kaya hindi talaga siya malapit. Ngayon, sa pamamagitan ng batang ito ay magkakaroon na siya ng bago. Pamilyang malapit, bago at sarili. She was happy with the thought. Matagal na rin siyang nangugulila sa kanyang mga magulang. Pero pinapangunahan siya ng takot sa magiging reaksyon ni Red...

"Mas magkakaroon tayo ng barrier kung magkakaanak tayo," naalala niyang minsang wika ni Red. Isa lang ang ibig sabihin noon: hindi gusto ni Red na magkaanak. Makakagulo sa komplikado na ngang relasyon nila ang magkaroon ng anak.

Paano na?

Kinakabahan si Kareene. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga salitang iyon ni Red. Paano nito tatanggapin ang kanyang kondisyon?

"B-baka hindi pa rin sigurado," pangungumbinsi ni Kareene sa sarili. Naalala niyang may mga nabasa siyang nagkakaroon ng false-positive urine pregnancy test. Kinalma niya ang sarili. Hihingiin niya ang opinyon rin ng Doctor. Na-schedule sa hapon ang appointment ni Kareene sa Doctor.

"Congratulations! You are a hundred percent sure pregnant!" masayang wika pa ng Doctor sa namumutla na si Kareene.

"D-doc, paano po nangyari iyon? I take birth pills."

"Do you take it regularly?"

Napaisip si Kareene. Alam niya na oo. Palagi pa iyong pinapaalala ni Red sa kanya. Pero may isa o dalawang araw siya na naalalang hindi siya nakainom. Sinabi iyon ni Kareene sa Doctor.

"Still, forgetting to take just one birth control pill significantly raises your risk." Sagot ng Doctor. Niresetahan siya ng Doctor ng mga vitamins pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito tungkol sa mga nararamdaman niya.

Hindi pa rin makapaniwala si Kareene kahit nakalabas na siya ng clinic. Masaya na kinakabahan siya. Mukhang nakaramdam naman si Red. Tinawagan siya nito.

"Nasaan ka?"

Hindi na naggawang magsinungaling kay Red. Kailangan rin na malaman ni Red ang kondisyon niya. Bahala na! "H-hospital...."

"What? Why?!"

"Nagpa-check up ako..."

"Is there something to worry about?"

"Hindi naman kung---" huminga nang malalim si Kareene. Biglang nanakit ang ulo niya. "P-puwede mo ba akong sunduin rito?"

Sinabi ni Kareene ang pangalan ng hospital. Kaagad naman na pumayag si Red.

"Wait for me there." Wika ni Red saka nagpaalam na.

Pagkatapos ng bente minutos, dumating si Red. Nag-aalala ang mukha nito. "How are you feeling now?"

Nawala na ang pagkahilo ngayon ni Kareene. Tumango siya kahit na ba mali pa rin. Hindi siya magiging okay kung may nararamdaman siyang masamang mangyayari.

"Anong sabi ng Doctor? Do you have some flu or something? May dapat ba talagang ipag-aalala? Gusto sana kasi kitang ilabas ngayong gabi. For dinner."

"Restaurant?"

Nakangiting tumango si Red. Samantalang nagtaka naman si Kareene. Sa mahigit dalawang buwan na pagsasama nila, hindi pa siya kailanman nadadala ni Red sa isang restaurant para makapag-dinner date. Sure, they travel together. But they do not do something fancy like dining in public. Palaging sa loob lang sila ng bahay---kinakain rin ang isa't isa.

Pumayag si Kareene. Naisip niyang ito ang magandang pagkakataon para sabihin kay Red ang lahat.

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon