KAHIT mas makakasama ay malapit na naman na mapaiyak si Kareene nang tumingin siya sa salamin. Maitim ang ibabang bahagi ng mata niya. Gaano man niya pagtakpan ng concealer, halata pa rin. Naiinis na siya. Pero hindi naman niya mapigilan ang kanyang mga luha.
May kailangan bang sisihin si Kareene bukod sa sarili niya? May isang bahagi ng kanyang isip na nagsasabi na oo. Pero kung pag-iisipan nang husto ang lahat, mas malaki ang sisi sa kanya. Napakarami niyang dahilan para layuan si Red. Pero sa halip, pinanguna niya ang bahagi na gustong-gusto ang lalaki. Bukod sa kanyang dangal, pakiramdam niya ay nawala rin ang tamang pag-iisip niya. Paano ba niya kasi naggawang patulan ang isang taong sinaktan na nga siya? Hindi ba niya naisip na dahil nasaktan na siya nito ay magagawa rin nito iyon nang paulit-ulit?
Huminga nang malalim si Kareene. Sa lagay ngayon, ang tanging magagawa lamang niya ay ang kumalma. Hindi na maibabalik sa kanya ang lahat ng nawala. Ginusto rin niya iyon kaya wala siyang dapat na pagsisihan. Siguro ay nasasaktan lang talaga siya sa kanyang katangahan at pagkakamali. Mas dapat kasi talaga niyang sisihin ang kanyang sarili.
Pinigilan ni Kareene ang luha. Wala iyong magagawang maganda sa kanya. Bukod sa sakit lang ang nararamdaman niya sa pag-alala sa mga pangyayari may dalawang araw na ang nakakaraan, nakakaapekto rin iyon sa beauty niya. Bata pa siya. Hindi pa siya puwedeng magka-wrinkles, utang na loob!
Pero iyon at kakatapos lang muli kalikutin ni Kareene ang kanyang mukha nang may makapagpalukot na naman noon. Nagtataka siya dahil tumunog ang door bell ng apartment niya. May tao, may bisita siya. Pero sino kaya iyon? May kalaliman na ang gabi.
Walang maisip si Kareene na pupuntahan siya ng ganoong oras. Ganoon pa man, pinagbuksan pa rin niya ang nagnanais na pumasok...para pagsarahan lang muli.
"Shit, anong ginagawa ng lalaking iyon rito?" pagkausap ni Kareene sa sarili. Ipinikit niya ang mata. Baka nanaginip lang siya. Ang nakita niya kasi sa labas ay ang lalaking laman ng isip niya sa mga nakalipas na araw at may dala itong bulaklak!
"Kareene, I'm sorry." Narinig niyang wika pa ni Red. Nasampal ni Kareene ang sarili. Nanaginip lang talaga siya. Ang bruskong lalaki, hihingi ng patawad? Ano kayang nangyari?
"I really am sorry. A-alam ko na nasaktan kita." Pagpapatuloy pa ni Red.
Hindi na nakaya ni Kareene ang curiousity kung nanaginip ba siya o hindi. Binuksan na niya muli ang pinto. Si Red talaga ang nasa labas at may dala-dala itong magandang pumpon ng puting rosas. Iniabot nito iyon sa kumukurap-kurap pa rin na siya.
Si Red nga talaga. Nasa isip ni Kareene nang matapos ang kanyang pagkurap. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Nagkaroon ng mainit na hangin sa paligid.
But well, tumayo lang si Red sa harap ni Kareene, lahat ay tila nagiging mainit. Hindi rin nakaligtas sa init ang pisngi niya. Naging napakapula noon at natagpuan na lang niya ang sarili na kinukuha ang bulaklak kay Red.
Red gave a smile which Kareene can describe as sensual. Kahit siguro masasabi ng iba ay simpleng ngiti lang naman iyon---natuwa dahil sa tinanggap niya ang bigay nito. Pero kapag talaga si Red ang gumagawa ng mga bagay, iisang bagay lang ang nasa isip niya: sexy.
Inalagay ni Red ang kamay sa bulsa. He looked boyishly handsome with of course...a sexy feels, too. O iyon lang iniisip ni Kareene? Mas polluted na ang isip niya ngayon kaysa noon. Naalala niya ang gabing pinagsaluhan nila. Nawawala na naman siya sa sarili. Nakaramdam rin siya ng bahagyang pagkauhaw. "S-so, bati na tayo?"
"Hmmm..."
Huminga nang malalim si Red. Lumapit rin ito sa kanya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "I'm really sorry, Kareene. The guilt I had in me...its killing me. Nagkamali ako sa panghuhusga sa 'yo. I called you names which shouldn't be meant to you. Masyado akong nagalit sa paglalayas ni Violet. Ikaw ang sinisisi ko dahil ikaw lang ang nakikita ko. Alam kong mali dahil ako ang kapatid, ako ang guardian ni Violet. Responsibilidad ko siya. Pero hindi ko gustong tignan ang pagkakamali ko kaya ibinaling ko iyon sa iba, sa 'yo.
"I judged you. Pero tama nga si Violet, looks could be deceiving. Hindi dahil liberated ka ay pakawala ka ng babae. I took your innocence. Hindi nararapat para sa akin iyon. Napakalaki ng naging kasalanan ko sa 'yo. H-how can you forgive me?"
Hindi nakapagsalita si Kareene. Hindi ba at sinisisi rin naman niya ang kanyang sarili? Kung may kasalanan man si Red sa kanya, iyon na siguro ay ang pambabastos nito sa kanya. Ngayon ay mukhang nagsisisi na naman talaga ito. She could see sincerity in his eyes. Isa pa, malalaki ang ego ng mga lalaki. Sino ba siya sa buhay ni Red? Wala. Puwede nga siya nitong ituring na isang one-night stand lang. Hindi naman siya nagko-complain rito. Pero iyon ito, pumunta sa bahay niya sa kalaliman ng gabi para humingi ng patawad.
May mabuting puso pa rin ang lalaki pagkatapos ng lahat. Parang may nawalang tinik sa dibdib ni Kareene.
"Okay, fine. Bati na tayo." Ngumiti si Kareene.
Nanlaki ang mata ni Red. "Seryoso?"
"Sa isang kondisyon." Naisip ni Kareene na dugtungan.
"Shoot,"
"Hindi mo na ulit ako pag-iisipan ng masama. Hindi mo na ako babastusin."
Tumango si Red. "I promise. I always learned my lessons well. Pero iyon lang?"
Tumaas ang isang kilay ni Kareene. "Gusto mo pa yata na damihan ko, ah?"
"Hindi ko kasi gustong maniwala na ganoon lang kabilis ang lahat. Mabigat ang naggawa ko sa 'yo. And I really do want you to forgive me, Kareene. I want us to start a new."
"Anong ibig sabihin?"
"Naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo dati? I am a greedy man. I said I always wanted for more. Example roon ang nangyari sa gabing pinagsaluhan natin sa back seat ng kotse mo."
Naging mabilis ang pagkapula ni Kareene. "G-gusto mong ipagpatuloy natin ang---"
"It's a wrong move to have you for revenge. Right now, all I wanted is to have you for pleasure. Sabihin mo sa akin na gusto mo rin iyon, Kareene. I want you. I wanted you from the very start. Hindi pa rin ako makatulog nang maayos kahit nandiyan na si Violet. You fill my mind. Every part of you."
"And you fill mine with erotic thoughts of you." Gustong sagutin ni Kareene. Pero mas nag-isip siya ng magandang isasagot sa lalaki. Pinilit niya.
Ngumisi si Kareene. "All right. But I have another condition for you."
"Hmmm...."
"Come inside," pagpapasok niya kay Red. Dinala niya ito sa writing area niya sa kanyang bahay.
"You are writing another erotic book." Conclude kaagad ni Red. Nahalata nito iyon kahit hindi pa lubos na nababasa ang magazines. Pero sadya naman dahil nagkalat ang mga lifestyle magazines niya na maraming naglalaman ng sex articles.
"Uh-huh."
"And you want me to teach you." Mabilis rin na naisip nito. His lip formed a sexy grin that made the area in heat.
"Hmmm..." ang init ay nagdadala kay Kareene ng drive para alisin ang mga damit sa katawan niya.
Kinuha ni Red ang baywang niya. Hinapit siya nito palapit rito. "Paanong gusto mo akong magturo sa 'yo? Do you want me to tell you...or just show you?"
Kareene gave him a wicked grin. Kinuha nito iyong senyales sa kanyang sagot. He kissed her neck. He starts from there.
Ano nga ang sabi niya kay Ice noon? Experience is the best teacher. At naniniwala siyang ang pinaka-best rin na makakapagbigay noon sa kanya ay si Red.
And of course, Kareene chooses the latter option. She surrenders to the pleasure.
~
BINABASA MO ANG
For Revenge or For Pleasure (R-18)
General FictionNakipagtanan ang kapatid ni Red na si Violet. Sinsisi niya ang taong alam niyang nakapagpabago sa pinakamamahal niyang kapatid---ang erotic romance writer na si Nina Kareene. Kailangan niya ng mapapagbuntunan ng inis at galit. He tried to make reven...