Part 11. Found

16.3K 335 10
                                    

"ATE NK?!" sa halip na intindihin ang malamig na tingin ng kapatid, mas napansin kaagad ni Violet ang presensiya ni Kareene. Alas sais na ng umaga nang maggawa ni Red ang kotse niya. Niyaya siya nito na sumunod sa pagsundo nito sa bunsong kapatid sa bahay bakasyunan na pagmamay-ari ng pamilya ng boyfriend na si Louie.

"K-kumusta ka na?" niyakap ni Kareene si Violet. Na-miss niya ang babae.

"I'm great, you should know I am. I am with Louie all the time..." sagot ni Violet. "P-pero bakit magkasama kayo ni Kuya?"

Tumingin si Kareene kay Red. Madilim na madilim ang mukha nito. Halatang galit. Hindi siya nagsalita dahil dapat ay si Red ang magpaliwanag noon.

Nabaling ang atensyon ni Violet sa kapatid. Tumingin rin ito sa boyfriend na ngayon ay namumutla. Mukhang natatakot ito sa presensiya ni Red.

Pinisil ni Violet ang braso nito. "Ako na ang magpapaliwanag kay Kuya,"

"N-no!" sagot ni Louie. "Ako na. Bro, I'm sorry. Pero mahal ko talaga ang kapatid mo. Nagmamahalan kami. Accept that."

Hindi sumagot si Red. Ikinuyom nito ang palad.

"Wala naman nangyaring masama sa akin, Kuya." Pangungumbinsi ni Violet. "Louie took a really good care of me. And I swear, hindi kami kailanman natulog ng magkasama. We just enjoy each other's company---"

"You expect me to believe that? Halos isang linggo kayong magkasama!" kumawala na ang galit ni Red.

"Iyon ang totoo, Red." Wika ni Louie. "Wala kaming ginawang masama ng kapatid mo. Our love for each other is pure. Naggawa lang namin na sort of magtanan ay dahil sa 'yo. Hindi mo kasi kami pagbigyan ni Violet na kahit mag-date lang."

"That's bullshit! Alam mo ang dahilan kung bakit hindi kita pinapayagan na makipagkita sa kapatid ko. Lolokohin mo lang siya!"

Umubo si Louie. Inakbayan nito si Violet. "Nagbago na ako. Mahal ko ang kapatid mo. Paniwalaan mo ako. Ilang beses ko ba 'yan na ipaliliwanag sa 'yo? Kaibigan mo ako, pagkatiwalaan mo naman ako! Hindi ko rin naman sana na gustong gawin ito. Pero sa mga ginagawa mo sa akin ay binibigyan mo ako ng dahilan."

"Napakabata pa ng kapatid ko!" nakausap na ni Red si Louie pero masyado pa rin niyang sinasara ang utak niya. Hindi niya matanggap na may mali siya. Para rin naman kay Violet ang ginagawa niya.

Naggawa pang tumawa ni Violet sa kabila ng tensyon. "Kung makapagsalita ka naman kasi, Kuya, ay parang ikakasal na ako kay Louie. We are just dating, you know. Hindi ka rin dapat nag-aalala kasi nga, nagbago na si Louie. He loves me."

Tumango si Louie. "Pare, alam mo na matagal na tayong magkaibigan. I treated you like my own brother. Alam ko na masasaktan kita kapag ginago ko ang kapatid mo. I wouldn't risk our friendship with that. Mahal na mahal ko si Violet. Believe me."

"H-hindi..."

Pumamaywang si Violet. "Lahat ng tao ay puwedeng magbago, Kuya. Hindi dahil sa nakilala lang natin ang isang tao na may masamang reputasyon, ganoon na talaga ito. Sa una ay hindi ko rin naman talaga gusto si Louie. But I saw his good side and I fell in love with him. Sana ay makakita ka rin ng ganoong tao para malinawan ka rin."

Natigilan si Red sa sinabi ni Violet. Napatingin ito sa kanya at bahagyang nawalan ng kulay ang mukha nito. Napayuko si Kareene.

Hindi niya alam kung ano ang naiisip ni Red. Nahalata ba nito ang tungkol sa sikreto niya kagabi? Hindi niya sigurado. Pero bakit siya tinitignan nito ngayon? Kagaya ba ng sinasabi ni Violet ay nakita na nito ang isang tao na akala nito noong una ay masama pero napatunayan na hindi naman pala? Nakita ba nito iyon sa kanya?

She was a virgin. Hindi siya kagaya ng babaeng inakala ng iba at pati na Red. She maybe liberated but she also had a conservative side. Hindi siya pakawalang babae.

Pero kanina pa pinapakiramdaman ni Kareene kung alam ba iyon ni Red. Hindi siya nito kinokompronta. Nakatulog siya pero hindi naman iyon rason para hindi sila mag-usap. Nag-usap sila ngayong umaga pero naramdaman niya na may pagkailang na iyon. Nawala na ang malanding Red na unang nakilala niya.

"Umuwi ka na," binawi ni Red ang tingin. Naglihis ito ng tingin sa kanilang tatlo.

"Uuwi naman na talaga kami, Kuya. May pasok na ako sa college. Intramurals lang namin last week kaya ginawa ko rin ang plano na ito."

Hindi pinansin ni Red ang paliwanag ni Violet. "Sumabay ka muna kay Kareene sa pag-uwi. Hindi kita mai-aangkas sa motorbike ko at hindi ko rin gustong pasabayin ka kay Louie."

"Pero Kuya---"

"Huwag ng matigas ang ulo mo. Pinag-alala mo ako ng halos isang linggo. Kung gusto mo talagang makasama itong boyfriend mo, susundin mo ako," puno ng awtoridad ang boses ni Red.

"K-kung ganoon, may pag-asa talaga na pumayag ka sa relasyon namin ni Louie?" nangislap ang mata ni Violet.

"Pag-iisipan ko." Sagot ni Red saka sumakay sa motorbike nito. "I'll be watching the both of you."

"T-teka, hindi mo ba man lang naisip na gusto ko na mag-stay rito sa Calauan? Hindi pa ako pauwi," protesta ni Kareene.

Nalito si Red. Nawawalan na naman ng kulay ang mukha nito. Hindi ito makatingin sa kanya. Mukhang guilty ito.

"Well, you owe me something. Kailangan na sundin mo rin ang utos ko." Wika ni Red at pinaandar ang makina. "Mauuna na ako nang kaunti sa inyo."

Napaawang ang labi ni Kareene. May punto rin naman si Red. May utang siya rito dahil ginawa nito ang sasakyan niya. Pero hindi ba at nakinabang rin ito sa gabing iyon?

Grrr... bahagyang nainis si Kareene. Sinira na nga ng lalaki ang pagkababae niya, pati ba naman ang mga plano niya! Pero naisip rin niya si Violet. Kailangan siya nito. Gusto rin niya itong makausap tungkol sa nangyari.

Pumayag na rin si Kareene. Nakahanda na ang mga gamit ni Violet kaya naging mabilis na lamang silang nakasakay sa kotse.

"'Kuwento mo sa akin 'yung nangyari sa inyo ni Kuya, Ate NK," wika ni Violet habang nasa kotse.

Napalunok si Kareene. "A-anong gusto mong malaman?"

"Lahat." Mukhang masayang-masaya ito.

"W-well, hinahanap ka niya sa akin. Apparently, nalaman niya na close tayo."

"Ano pa?"

"Dahil nakilala ko siya, hiningan ko siya ng tulong sa pag-aayos ng kotse." Please don't ask for more!

"Sige pa. Kailan ka niya tinulungan? Kagabi ba---"

Pulang-pula si Kareene. "Iyon lang iyon!" medyo pumiyok pa siya.

"Eh bakit ka namumula?" nanunukso ang boses ng bata at pati na rin ang ngiti nito.

"S-siguro kasi kinikilig ako na sa wakas ay nagkita na kami? Pinuntahan pa talaga niya ako."

Tumango-tango si Violet. Pero hindi pa rin nawawala ang kulit sa ngiti nito. Nababanaag niya iyon habang nagda-drive.

"Ah, akala ko nagkaroon ng something sa inyo ni Kuya. Kakaiba ka kasing maglakad kanina," tumingin ito sa hita niya. Na-conscious at nanlaki ang mata ni Kareene. Medyo malaki ang bukaka na iyon dahil masakit ang nasa pagitan.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"'Di ba kapag first time ay nahihirapan na maglakad?"

"P-paano mo nalaman 'yan?!" nahihindik na wika ni Kareene. Nahahalata na ng lahat ang---nakakahiya!

Kumindat lang si Violet bilang sagot.

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon