Part 21. Visitor(s)

13.6K 311 26
                                    

"FRUITS! Oh my God!" ang ganda ng ningning ng mga mata ni Ice nang makarating sa apartment niya. Kasama nito si Mara na matindi naman ang pagkakunot ang noo. Inabala ni Ice ang sarili sa pagtingin ng may limang basket ng prutas samantalang nilapitan siya ni Mara. Nang-uusig ang tingin nito.

Binisita siya ng mga kaibigan dahil iniisip ng mga ito na may sakit siya. Hindi raw siya nagre-reply sa group chat nila.

"May sakit ka ba talaga?" hinawakan ni Mara ang leeg niya. "Hindi ka naman mainit,"

Naglihis ng tingin si Kareene. "O-okay lang ako."

Tumaas ang isang kilay ni Mara. "You don't look fine to me."

"Kang! Bakit walang green mangoes dito? Iyon pa naman ang gusto ko!" may simangot sa mukhang sigaw ni Ice. Nakalkal na kaagad nito ang basket of fruits niya na araw-araw ay pinapadala ni Red o kaya ay pinapa-deliver.

Napangiwi si Kareene. "'Wag mo ngang banggitin iyon."

Sa dami ng prutas na pinadala ni Red, tanging green mangoes lang ang kinakain ni Kareene. Ubos na iyon ngayon. Iyon lang ang tanging pagkain na kine-crave niya.

Inilabas ni Ice ang cell phone nito. "Matawagan nga si Will. Naglalaway na naman ako."

"Green mangoes? Teka nga, buntis ka ba?" pag-uusisa ni Mara.

"Yes!" masayang balita ni Ice. "Isa sa mga dahilan kung bakit napapayag mo akong madalaw si Kareene. Gusto ko kasing sabihin sa inyo ang balita na ito sa personal kaysa sa group chat. Pero don't you worry, girls. Last week ko lang naman nalaman kaya hindi pa kayo masyadong huli sa balita."

Nagkibit-balikat si Mara. "Congratulations,"

Hindi nakaimik si Kareene. Napatingin tuloy sa kanya ang dalawa. "Hmmm...?"

"W-well, girls. Buntis rin ako."

"What?!" nanlaki ang mata ng dalawa, lalo na si Mara. Hindi makapaniwala ito. "Paanong---? Nabuntis ka ni Red?!"

"Sino pa ba?"

"Pananagutan ka naman niya 'di ba?" usisa ni Ice. Nakilala na ng dalawa si Red. Okay naman daw ang lalaki sa mga kaibigan.

Itinaas ni Kareene ang kamay na may engagement ring.

"Isa ka pang madaya!" iiling-iling na wika ni Mara. "Bakit hindi mo sinabi sa amin? Nakakaloka kayong dalawa! Ganyan ba talaga kapag nagkaka-love life?"

"Acceptable naman ang dahilan ko," wika ni Ice.

Tinitigan siya ng dalawa. Inantay ang kanyang sagot. Napabuntong-hininga si Kareene. "I-I feel like Red is not happy about it."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ikinuwento ni Kareene ang tungkol sa nangyari noong gabing inalok siya ni Red ng kasal. "Mukhang masaya naman siya. Pero nang sinabi ko ang tungkol sa lagay ko, nag-iba ang mood niya."

"Hindi niya gustong magakaanak." Konklusyon kaagad ni Mara.

"Nahahalata ko naman iyon. Pero nangyari na ang nangyari. Kahit naman ako ay nasorpresa..."

Nasasaktan si Kareene sa inaasal ni Red. Simula nang proposal nito ay hindi na siya nito kinakausap. Nagpaparamdam pa rin naman ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak at prutas. Pero hindi siya nito pinupuntahan o tinatawagan man lang.

Iniisip ni Kareene na siguro ay kailangan ni Red na mag-isip. Nasorpresa ito sa naging pasabog niya. Gusto niyang intindihin ito. Pero gusto rin niyang magtampo rito. Kasalanan niya pero hindi naman niya iyon plinano. Alam iyon ni Red. Pero mukhang hindi siya nito maggawang intindihin.

"He needs time," wika ni Ice. Hinagod-hagod nito ang likod niya. "Ganoon naman talaga ang mga lalaki."

Umingos si Mara. "Takes time? Palagi na lang ganoon! Bakit ako maraming taon ng naghihintay, hindi pa rin natatapos?"

Mukhang may pinaghuhugutan si Mara. Malamang ay ang ex-boyfriend nito iyon.

"Dahil 'wag ka na raw umasa na babalik siya. Walang mahal na iniiwan." Natatawa pang payo ni Ice sa kaibigan. "But seriously, Kang. Intindihin mo muna si Red. Malay naman natin 'di ba? May nagti-trigger sa kanya kung bakit ayaw niyang magkaanak. Takot. Perhaps, isang masamang nakaraan? Nangyari na rin kasi iyon sa amin ni Will."

Inis pa rin si Mara. "Ang lambot mo talaga, Chang! Red is a jerk, all right? Jerk, jerk, jerk! Hindi dapat sinasaktan ang mga babae!"

"In love, we should learn to understand."

Mas ginustong pakinggan ni Kareene ang mga sinabi ni Ice. May hinala nga siya na ganoon. At iyon nga, gusto niyang intindihin si Red. Alam kasi niya sa sarili niya na mas matindi pa kaysa sa tawag ng laman ang nararamdaman niya para rito. She is already in love with Red...

Kung anu-ano pang pinagsasabi ni Mara tungkol sa mga galit sa lalaki. Kapag napapag-usapan ang tungkol sa pananakit sa mga babae, lumalabas ang pagka-Gabriela Silang nito. Pinaintindi naman ni Ice rito ang lahat. Iba nga siguro talaga ang nagagawa ng happy ang love life.

Thirty minutes later, may kumatok sa pinto. Si Ice na ang nagbukas noon dahil ito ang may pinakamalapit sa pinto. Sanay na naman ang dalawa sa bahay niya. Ang dalawa ang pinakatuturing niyang matalik na kaibigan.

"Oh, green mangoes! Salamat, ha?" narinig pa nilang wika ni Ice. Napakunot noo si Kareene. Hindi naman nito itinuloy ang pagtawag sa asawa. Paanong nagkaroon ito ng green mangoes?

"Dahil tinupad mo ang cravings ko, puwede kang pumasok." Wika muli ni Ice.

Doon na sila napatingin ni Mara sa pintuan. Sabay pa silang napatayo nang makita kung sino iyon.

"Red..."

Ngumiti si Red kay Kareene. Lumapit ito at akmang ibibigay sa kanya ang isang boquet ng red roses nang hawakan ito sa balikat ni Mara. Hinarang ito ng kaibigan.

"Hey," bati ni Red sa dalaga. Ngumiti rin ito. Pero walang karea-reaksyon ang mukha ni Kareene. Sa halip, bahagya itong lumayo. Inanggulo nito ang paa at walang kaabog-abog na sinipa si Red. Sapul ang tuhod ni Mara sa pagkalalaki ni Red.

Nag-duet ang sigaw ni Kareene, Ice at maski ni Red sa bahay.

For Revenge or For Pleasure (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon