May reserved table at place pa mismo si Red sila sa isang maganda at kilalang restaurant. He reserved the VIP room. Nagtaka si Kareene. "Bakit sa ganito?"
Hinalikan siya ni Red. "Because it is a special night."
Napalunok si Kareene. Paanong special? Magiging special pa kaya kapag inamin na niya rito ang kalagayan niya?
Pero hindi pa rin kaagad nagsalita si Kareene. Mas inisip niya ang tawag ng tiyan. Nagugutom na siya. Suwerteng may mga nakahain na sa table. Pawang mga paborito pa niya iyon kaya marami siyang nakain. Isama pa na hindi rin siya nakakain kanina nang maayos. Bumawi siya ngayon. Mukhang natuwa naman sa appetite niya si Red.
"Hmmm... mukhang wala naman yata talagang dapat ipag-alala sa 'yo, ah." Puna pa ni Red.
Doon na na-conscious si Kareene. Walang dapat ipag-alala kay Kareene dahil unti-unti na niyang natatanggap. Pero kay Red ay hindi niya alam...
"M-may kailangan akong ipagtapat sa 'yo."
Hindi nahalata ni Red ang kaba sa boses ni Kareene. "Mayroon rin ako."
Mukhang excited si Red. Pinauna na niya ito.
Lumapit si Red kay Kareene. Kinuha nito ang isa niyang kamay. "I want to marry you, Kareene Loyzaga."
Sandaling natulala si Kareene. Nagulat siya sa narinig. Natunaw ang takot sa katawan niya. Masaya at na-relieve siya sa sinabi ni Red. "Oh, Red..."
Kinuha ni Red mula sa bulsa ang isang maliit na kahon. Naroroon ang isang magandang singsing. May lumabas na luha sa mata ni Kareene.
"So, is it a yes?" ang ganda-ganda ng ngiti ni Red.
Naging napakarami ng tango ni Kareene. "Alam mo iyon."
Isinuot ni Red ang singsing. Sukat na sukat iyon sa kanya. "Happy?"
"So much!" halos isigaw ni Kareene. Hindi na nangarap nang malaki si Kareene kay Red. Masaya na siya sa komplikadong relasyon nila. Pero siguro nga, expect the unexpected. Red gave her more than what she expected. She got more than what she thinks she deserved.
Hinalikan siya ni Red. His kisses went to soft from being passionate. Ibinalik naman ni Kareene ang mga iyon. Ipinasok nito ang dila sa bibig niya. Their breath had mingled.
Lumalim pa ang mga halik. Kareene was now feeling the urgent clamour of her body. Malakas talaga ang epekto sa kanya ni Red. And the feeling with him is always mutual. She recognized the growing need of his.
"I can take you right here, sweetheart." Sandaling tumigil si Red para sabihin iyon.
Kareene's body was pounding so widly. Nanginginig siya kasama ang ligaya. Kaunti na lang at malapit na niyang patulan iyon. Lumala pa iyon nang maramdaman niyang unti-unting naglakbay ang katawan nito patungo sa kanyang dibdib. He squeezed one of it. Kaagad na nagparamdam ang korona noon. Her nipples peaked and her thighs were now tingling. Kinakain na naman siya ng sensasyon na ginagawa ni Red.
Pero nawala ang lahat nang mapunta sa ibaba pa ng dibdib niya ang kamay ni Red. Alam niya na pinadaan lang nito iyon para pumunta pa sa ibabang bahagi ng katawan niya. Pero ewan ba niya kung iniisip lang niya iyon. May naramdaman siyang pagsipa sa ginawa ni Red.
Kinuha ni Kareene na cue ang naramdaman niya upang patigilin ang lahat. Inilayo niya si Red sa kanya.
Nalukot ang mukha ni Red. "Anong nangyari?"
Nakagat ni Kareene ang ibabang labi. Gaano man siya pinag-iinit ng sitwasyon, sa tingin niya ay mas kailangan niyang unahin ang nalaman. Kailangan na niyang ipagtapat kay Red ang sitwasyon.
"S-sinabi ko sa 'yo na may ipagtatapat ako 'di ba?"
"Yes. All right, what is it?"
Sinadyang salubungin ni Kareene ang mata ng ngayon ay fiancé na niya. "Buntis ako, Red."
Kitang-kita ni Kareene ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Red. Napaurong rin ito. "H-hindi..."
"Iyon ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko. It was confirmed today. Kaya ako nagpa-check up."
Gulong-gulo ang mukha ni Red. "Paanong nangyari iyon? Maingat tayo!"
Pinaliwanag ni Kareene ang sinabi ng Doctor. "I believe it was my fault. I'm sorry."
Matagal na hindi nagsalita si Red. Nawala lahat ng magical na pakiramdam niya sa mga naging reaksyon ni Red. He looked very much disappointed.
Sinubukang lapitan ni Kareene si Red. Hinawakan niya ang braso nito.
"Nagulat rin ako. Hindi ko inaasahan pero---" naiiyak na si Kareene. Espesyal sa kanila ang gabing ito pero pakiramdam niya ay sinira niya. Pero masama ba talaga ang kanyang balita? Niyaya siyang pakasalan ni Red. Ibig sabihin lang noon ay seryoso ito sa kanya. Pero bakit hindi nito gusto na magkaanak sila? If he wanted her to be his wife, isn't it just appropriate that he wanted to create his own family with her, too?
Pagak na tumawa si Red. "Damn. Ang tanga ko para malimutan ang kondisyon ko nga pala sa 'yo. Naunahan ako ng excitement na magtapat."
"W-what condition?"
"That I wanted to marry you but no child commitments. Hindi ko gustong magkaanak, Kareene. I just want you, that's all."
"Pero---" naguluhan si Kareene. "So what's this? Binabawi mo na ba ang proposal mo?"
Tumingin si Red sa kamay niya. "You have the ring now. At siguro nga ay tama na rin na pakasalan rin kita. Iyon naman ang palaging ginagawa ng mga tao 'di ba? Nagpapakasal kapag may anak ng involved. Hindi rin naman maganda sa isipin na magkaroon ako ng anak na bastardo."
"Red..."
Mas lalong sumama ang pakiramdam ni Kareene sa sinabi ni Red. Pakakasalan lang siya ng pilit, ganoon? Hindi bukal sa loob. Mas gugustuhin pa niya ang isang komplikadong relasyon na mayroon sila. Kaysa naman sa ganito na may tatak nga, damang-dama naman niya ang kamalian.
BINABASA MO ANG
For Revenge or For Pleasure (R-18)
Ficción GeneralNakipagtanan ang kapatid ni Red na si Violet. Sinsisi niya ang taong alam niyang nakapagpabago sa pinakamamahal niyang kapatid---ang erotic romance writer na si Nina Kareene. Kailangan niya ng mapapagbuntunan ng inis at galit. He tried to make reven...