26. / author's

2.4K 97 77
                                    

"Bakit ka naka-yellow, Tzu?"

"At bakit ka naman naka-red, Jun? Ang alam ko, single ka ah?"

Junhui laughed at Tzuyu's question. The younger girl's brows furrowed as he kept on laughing. Ewan ba ni Tzuyu kung may sapak na naman sa utak 'tong si Junhui at naisipang magsuot ng red shirt kahit wala namang lovelife.

"For your information Tzu, I have a boyfriend now. And his name's Minghao."

Muntikan na lang mabulunan si Tzuyu sa kanyang burger na kinakain at dali-daling uminom ng tubig. Tumingin siya kay Junhui habang ang lalaki naman ang ngiting-ngiti.

"Hottie turned gay. How tragic," Tzuyu said sarcastically as she rolled her eyes and continued to eat her burger. Napatahimik nalang si Junhui dahil wala na siyang maisagot sa sinabi ni Tzuyu.

Pagkatapos nilang kumain ng burger sa canteen ay nag-desisyon silang gumala sa buong campus, since free day naman ngayon at nakakatuwa ding tumingin ng mga kulay ng shirts ng mga estudyante. They get to see everyone's relationship status for real, if everyone's honest though.

It was not long until Junhui said goodbye since he's going to have a date with Minghao, the school's bad boy and b-boy dancer.

Mag-isa nalang si Tzuyu na gumagala sa buong campus hanggang sa nakita niya si Sana sa isang bench na nakaupo at parang malalim yata ang iniisip.

Why not approach her?

Tzuyu's guts were quick this time. Dali-dali niyang nilapitan si Sana na nakasuot ng purple shirt, which makes her smile secretly.

Crush nga talaga siya ni Sana.

"Hi Sana unnie," mahinang bati ni Tzuyu habang umupo sa tabi ni Sana. Tinignan naman kaagad siya ni Sana at napangiti ito.

"Oh, hi! H-hi, Tzuyu!" nauutal na sagot ni Sana habang inaayos niya ang kanyang buhok. Napangiti naman nang palihim si Tzuyu habang tinitignan niya ito.

"Happy Valentines," bati ni Tzuyu kay Sana.

Sana smiled, her cheeks becoming red from blushing.

"Are you fine?" Tzuyu asked as she lifted her hand and caressed Sana's puffy cheek gently, making the older girl shiver in Tzuyu's touch.

Shit, hinawakan siya ng crush niya sa pisngi.

Tzuyu smiled as she enjoyed touching Sana's cheek, hinihimas niya parin ito hanggang sa mapangiti na rin si Sana.

But then, the younger one pulled away and showed off her cheeky grin.

"Pwede bang ikaw muna ang ka-date ko ngayon?" tanong ni Tzuyu sabay tayo niya mula sa bench at nakangiti parin kay Sana.

Sana didn't know how to react. Yung crush niya, niyayaya na siyang mag-date ngayon.

The older girl smiled genuinely as she stood up too. "Oh sure, Tzuyu-ah."

Naglakad silang dalawa papunta sa canteen at bumili ng makakain. Pagkatapos nilang bumili ng mga chips at soda ay pumunta naman sila sa school garden. Umupo sila sa isang bench katabi ng mga bulaklak na nakatanim dito. Walang tao sa garden maliban sa kanilang dalawa, kaya tahimik lang.

"Bakit ka pala naka-purple Sana unnie? May crush ka?" biglang pagtatanong ni Tzuyu habang binubuksan niya ang isang bag ng chips at binigyan si Sana.

Sana's eyes widened as she cleared her throat before speaking up. "Uh, oo. Meron."

Napangiti nalang si Tzuyu dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Sana.

"Mind telling me who?" Tzuyu asked as she flashed an innocent smile towards the older one. Napa-lunok nalang ng laway si Sana dahil kinakabahan siya.

Ano ba ang sasabihin niya?

Ikaw, Tzuyu. Ikaw ang crush ko. Date me senpai.

Muntikan nalang masapak ni Sana ang kanyang sarili sa huling binulong sa kanya ng utak niya.

"Uh, si ano. . . si. . . si Hansol yung crush ko."

Damn it, nadamay pa yung transferee heartthrob ng campus na si Hansol Chwe. Sobrang gwapo, as in gwapo talaga. Kamukha ni Leonardo DiCaprio. Kinababaliwan ng mga babae sa campus. But guess what? He's secretly admiring Chou Tzuyu. How ironic.

And now, Sana's really screwed.

"Oh, really?!" Tzuyu reacted with a surprising look in her face, "I can help you with Hansol oppa. He's my friend."

Nagulat nalang si Sana sa sinabi ni Tzuyu sa kanya. Ano ba 'tong kaguluhan ang nagawa niya just by telling a lie?

"Sayang Sana unnie, akala ko ako yung crush mo eh."

Damn it again, Sana.

Rant Bling » satzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon