2. Waving Flag

255 22 3
                                    

Natatandaan mo rin ba nung MAPEH natin dati? Nakaupo ako nun sa sahig habang naka-stretch out ang mga binti ko dahil nangangawit na ko nang bigla kang maglakad papunta sakin.

Sa kapayatan mo nga parang bandera yung datingan ng maluwang mong jogging pants habang naglalakad ka nun. Pano, bawat hakbang mo, waving flag ang peg ng jogging pants sa binti mo. Idagdag mo pa ang malaking T-shirt mo nun. Kung susumahin, mukha kang taong sampayan pero kahit ganon, iba yung tadyak mo sakin, e.

May something sayo na parang humihila sakin papalapit sayo. Kahit ganon, ayokong magpahila ng lubusan dahil alam ko at ng buong klase na may gusto kang iba.

Alam rin naming lahat na hindi ka niya gusto, iyon ang kinakatuwa ko sa hindi malamang dahilan. Nung malaman ko yun, napasigaw ako ng,'Yes!' sa sobrang tuwa. Hindi ka naman gwapo pero pakiramdam ko, magiging masaya ako kung ako yung nagustuhan at niligawan mo.

Lumapit ka sakin tapos nakatayo ka sa harap ko at nasa pagitan pa ng binti mo ang nakastretch out kong binti. Tiningala kita. Ang tangos talaga ng ilong mo at sobrang bagay sayo ang eyeglasses mo kaya tuloy parang nagkakalyo na ang nose bridge mo. Kumbaga, nag-adapt yung nose bridge mo sa environment niya kaya may na-form na kalyo na mukhang bukol sa ilong mo.

"Bakit?"

 

"Anong lastest issue mo ng Otakuzine?"seryoso mong tanong habang nakatingin sakin. Yung tipong kapag hindi ako sumagot agad, yari ako.

"43. Bakit?"

 

"Pahiram."

"Huli kayo! Anong kababalaghan ang ginagawa niyo dyan?!"Ay, putek. Tinignan ko kung sino yung panira ng moment natin.

Si Abbie na naman, pakiramdam ko tuloy tinetyempuhan niya na tayo. Pagkatapos kong tumingin sa kanya, sayo ko naman ibinaling ang tingin ko. Tapos, ibinaba ko rin agad ang tingin ko at na-gets ko na kung bakit gaanon ang reaksyon ni Abbie. At kung ano ang ibig sabihin niya sa kababalaghan.

Sakto pala ang mukha ko sa tutoot mo kapag titignan mula sa likuran. Putek! Scandal 'to, pustahan. Tayo ang trending loveteam bukas nito. Lahat sila, kakantyawan tayo tapos gagawan pa ng pangalan ang loveteam natin.

Ang magiging tawag sa loveteam natin ay 'MaRa' stands for Matthew&Shara.

Ayyieeh! Kilig ako.

xx

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon