Umuulan nun, naaalala ko. Ito ang isa sa pinakamemorable na paglalakad natin papuntang National bookstore. Umuulan nun at wala akong payong. Ito yung mga panahon na nagpapasalaamat pa ko sana na wala akong payong.
Basta, marami tayo nun, ako lang ang walang payong. Medyo naiiyak na nga ko nun, eh. Mukhang walang gustong makipagshare ng paong sakin. Huhu, yung beauty ko ba'y sadyang nakakatakot kaya ganon na lang?
Pinapanood ko yung pagbagsak ng ulan sa sapatos ko, crowded na kasi masyado sa waiting shed ng school natin. Naglabas ka ng payong mula sa body bag mong itim na mukhang tatatlong notebook lang ang laman.
"Oh, ikaw na gumamit."
Sabi mo sakin. Pusang gala! I never saw that coming. Hindi ko inaasahan na igi-give up mo yung payong mo para lang sakin. Nung mga panahon na yun, nasabi ko sa sarili kong ay aba, napakagentleman naman ng lalaking ito. Wala nga lang sa mukha.
"Padala na lang ng bag ko."
Ay, aba. Ayos din. Syempre, hindi na ko tumangging buhatin yung bag mo, jusko mukha nga walang laman yun, eh.
"Bakit?"
"Magpapaulan ako."
Sabi mo. Nung mga sandaling iyon gusto ko na lang ding magpakabasa sa ulan at samahan ka. Pero hindi ko ginawa iyon kasi mababasa ang mga gamit ko sa bag. Kaya mag-isa kong nagpayong.
Alam mo ba, pakiramdam ko nun, labag pa sa loob mo na ipahiram sakin ang payong mo. Pano, tinatalsikan mo ko ng putik. Galing mo rin, eh. Tinitignan nga kita habang naglalakad ka sa gitna ng ulan.
Hindi ka kaayaayang tignan, alam mo yun. Iyong patpatin mong katawan atsaka yung medyo oversized mong polo at pants. Gosh, no-no-no. Ewan ko kung anong relate pero mukha kang scarecrow. Tapos ako yung uwak.
Kung alam mo lang, we're perfect match.
Pagkadating natin sa National Bookstore, medyo basa ka kasi huminto rin ang ulan nung halfway na tayo. Saya, no? Pero bitbit ko pa rin ang bag mo. Para nga lang akong ewan kasi kinikilig ako kahit bag mo lang naman iyon. Oo, hindi tayo nagkakadikit o kung ano pero natutuwa ang puso ko.
Nakss, may emotion.
Agad akong dumiretso sa magazine stand at kinuha yung Otakuzine na nakabukas para basahin habang naghahanap ng pagkakagastusan yung iba nating kasama. Hindi ko alam sumunod ka rin pala. Ayyiee, aso siya.
Sumunod ka, gulat na lang ako nang biglang dumungaw yung mukha mo sa bandang balikat ko. Muntik na kong mapamura ng malakas dahil sa gulat. Gusto sana kitang pagsabihan na hwag mo nang uulitin iyon kasi hindi ka nga gwapo. Baka kapag ginawa mo ulit iyon, mahataw kita gamit ng sarili mong payong sa mukha.
"Anong issue?"
"50."
"Ahhh, anong cover?"
"Gintama."
"Ahhh."Akala ko may sasabihin ka pa ulit, eh. Gaya ng pagdangaw ng mukha mo, bigla ka ring naglakad papalayo. Kaya pala, nakatingin satin sila Ailyn. Ikaw naman, patay-malisya with your infamous bored look face n amukhang sawa nang mabuhay sa mundo habang ako naman, dedma sa kanila atsaka nakangiting binalingan uli yung Otakuzine.
Yes, three points. Daming nakakita, eh. Nakakatuwa. Sigesige, asarin niyo na kami. Kayo nanv maging mga officer ng fansclub ng loveteam naming 'MaRa' para masaya ang buhay natin.
"Pahiram ako nyan, ah."
Nagulat ako nang bigla ka uling mag-appear sa tabi ko. Putek, sabi ko sayo medyo napatalon ako sa gulat, eh. Sinalubong ko ang tingin mo at gaya nga ng sinasabi ko dati. May sa maligno ka yata. Mamamatay ako sa gulat sayo!
"Oo, s-sige. Wag ka namang manggulat sa susunod, ah?"
"Sorry."
Tapos, iniwan mo na ko doon sa magazine stand at sumamam ka sa mga tropa mong lalaki. Hay, nakahinga rin ng maluwag. Kapag andyan ka kasi sa paligid o kapag malapit ka sakin, nagiginv tensyunado ako talaga. Pahid ko sa mukha mo 'tong pawis ng pasmado kong kamay, eh.
xx
BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
Novela JuvenilPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?