Kahit ramdam ko mismo na gusto kita, hindi ko pa rin matanggap kaya nga nagtatago ako. Tinatago ko ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko sinasabi na gusto kita.
Hindi ko rin maamin kasi nga mahal ko si Frederick. Alam ng lahat iyon, si Frederick matagal ko na siyang sinusundan-sundan.
Alam ng lahat iyon, alam mo rin iyon.
Katulad ko, may gusto ka ring ibang babae. Sabi mo, nakamove on ka na kay Ailyn at ramdam ko iyon pero ano 'to? Bakit may issue na kumakalat tungkol sayo? Ikaw na senior ay may gusto sa isang sophomore. Anong kalokohan ito?
At nung nakita ko kung sino ang sinasabing 2nd year student na nagugustuhan mo, muntik na kong mapamura. Putcha, Matthew! Mukhang elementary student, to, eh. Ganun bang mga type mo? Mga baby-faced? Patay tayo nyan, mukha kong gurang na mangkukulam.
"Hi, ikaw si Allison, english journalist?"tanong ko.
Kasi sa dinami-dami ng pwedeng utusan ng teacher namin sa Filipino Journalism ay ako pa. Sabi niya kailangan ko daw ibandera ang kagandahan ko na iilang tao lang naman talaga ang nakakita.
Ang kagandahan ko kasi ay parang molecules. Kailangan pa ng microscope para makita. Actually, ang kagandahan ko talaga ay nasa pimples ko. Iyong pimples ko kasi sa mukha, it symbolizes the constellations sa langit. Base ang mga horoscope sa pagdami o pagkonti ng tigyawat ko. I am very powerful pero sinisekreto ko lang. Baka sumikat pang mga tigyawat ko.
I can predict the future base on my tigyawat.
"Opo, ako po si Allison. Bakit po?"sagot ng rumored-crush mo daw. Aba, napakagalang na bata. Napakaamo pa ng mukha. Wala rin akong sinabi sa batang 'to. Maamo mukha niya samantalang yung akin, yung mukha ko mukhang lalamunin ka ng buo.
"Pinapatawag ka ni Maam Sabado, eh. Tungkol daw sa darating na radio broadcasting contest."
"Ahh, sige po, ate. Pupunta na lang po ako don, tatapusin ko muna yung quiz namin."
"Sige sige."
Nung umalis na ang bata, parang bigla akong nabuhusan ng tinunaw na bloke ng yelo. Putek, kagandang bata naman nun. Ang hinhin pa kumilos. Walang-wala ko, syete. Pero yung balikat niya parang nauuna keysa sa katawan niya. Wala, panalo pa rin ang kagandahan ko.
Ang kagandahan ko ay parang utot. Hindi mo makikita pero mararamdaman mo ang bangis. Doon palang lamang na lamang na ako kahit sino pa iyang karibal ko. Haha, sorry desperada lang.
BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
Novela JuvenilPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?