4. Prom Dance

214 21 3
                                    

Dumating na ang pinakahihintay nating JS Promenade.

Alam mo naman, diba na sobrang tinamaan ako sa ex-classmate ko na si Frederick kaya nga stalker niya ko. Kulang na lang pati CR ng boys pasukin ko, masundan lang siya.

Bumili kami ng magandang ballgown, parang kay Belle sa Beauty and the Beast. Pano, gusto ko si Frederick ang maging first dance ko. Actually, parang Beauty and the Beast rin ang kwento namin ni Frederick, diba? Alam mo 'yan dahil madalas ikaw ang pinagkwekwentuhan ko nyan. Alam na alam ko kung gaano ako baliw na baliw sa lalaking iyon.

Siya yung beauty at ako ang beast although si Beast naging gwapo sa huli pero sakin waepek, beast pa rin ang face hanggang sa dulo. Yung pangil wala sa loob ng bibig. Andoon sa labas ng mukha umeextra, tigyawat daw muna.

Nung prom natin, ang daming pumuri sa itsura ko. Sabi nila,"Akala ko hindi ka na gaganda. Ang galing ng make up, ah."

 

Actually, hindi ko alam kung compliment ba yun o insulto.

Syempre, alam ng buong klase na mahilig ako sa gwapo, paano parang ako si Ate Charo na tuwing reporting lagi may slice of life ko ang mga report ko.

Hindi mo alam 'to, pero ang original na plano ay kung hindi si Frederick ang First Dance, si Lucky. Eh, hindi pala umattend si Frederick. Nalungkot ako ng sobra, sabi ko, sana pumayag si Lucky pero hindi. Akala ko papayag siya dahil walang naman akong ketong para iwasan niya ko.

Sobrang down ako nun, paano ba naman!

Inilahad niya na yung kamay niya tapos nung aabutin ko na biglang binawi atsaka nawala sa crowd of students. Gusto kong sumabunot sa kalbo, eh.

At heto na ang moment nating dalawa nun, ang dalawang taong may one-sided na pag-ibig sa mga taong hindi naman tayo magugustuhan kahit kailan.

Umupo na ko sa isang sulok kung saan nagtipon-tipon ang mga kaklase natin. Alam mo kung ano ang nakakainis dun? Doon sa kasulok-sulukan at kaliblib-liblibang lugar na yun ay kung saan nagkatambay ang mga couples ng section natin, diba?

Bastusan, eh.

 Sila may paholding hands pa habang may mangilan-ngilang tukaan tapos ako, ayun lumong-lumo. Sayang naman ang pink na gown ko. Tatalunin pa naman nun ang mga gown sa sagala.

Nung naging sweet yung music, nagsitayuan sila at nagsayawan doon.

Ako, andoon tigang na tigang. Naiiyak na ko pero bigla kitang nakita. Umurong pabalik sa eyeballs ko yung luha ko.

Magic, no?

Kitang-kita ko kung paano ka niluwa ng mga nagsasayawan doon siguro, wala ka ring kapartner nun, no? Nakatinginan tayo sa isa't-isa nun habang naglalakad ka papunta sakin, ano ba?

Pasamaan ba ng tingin 'to?

Umupo ka sa bakanteng upuan sa tabi ko. Alam mo yun, tayong dalawa andoon at silang lahat, andoon nagsasayawan. Sa isip-isip ko nga, ba't hindi na lang tayo ang mag-partner? Tutal, pareho naman tayong hindi gusto ng mga taong gusto natin. Para bang destined talaga na ganon para mag-make way sa'ting dalawa.

Sa mga unang sandali habang magkatabi tayo doon sa isang madilim na sulok habang dala-dala ang sawian nating mga puso ay walang nagsasalita satin dalawa. Para bang sa sobrang pagkapanis ng mga laway ay naging instant glue na.

Gustong-gusto kong magsalita at kausapin ka pero natatakot ako dahil baka tignan mo lang ako ng masama. Hay, ano ba 'to. Tahimik naman talaga kong tao pero bakit gusto kong daldalin ka non? Gusto kong marinig ang boses mong medyo garalgal.

"Sinayaw ka na niya?"

Agad akong napalingon sa'yo, sa lahat ng nagustuhan kong lalaki, ikaw lang talaga ang natitignan ko ng matagal sa mata kahit pangkriminal pa 'yang tinginan mo.

"Nino?"

 

"Ni Frederick."

"Ahh...hindi, eh."Inilihis mo ang tingin mo sakin, siguro hindi mo na rin kinaya ang intensity ng pagtitinginang namamagitan satin dalawa.

"Ikaw? Nasayaw mo na si Ailyn?"

"Hindi pa, may kasayaw pa siya."Nung sabihin mo yun, naiinggit ako sa'yo and at the same time, nagseselos ako. Bakit ganun? Gusto kong sumabunot sa kalbo. Gusto kong sabunutan ang kilay ni Ailyn. Oo, kilay lang kasi ang ganda ng ayos ng buhok niya, sayang naman.

Tapos nun, katahimikan na naman ang bumalot satin dalawa. Habang sweet na nagsasayawan sila, tayo andoon at nakatunganga.

May mga bagay akong gustong sabihin gaya ng, 'Matthew, tara. Sayaw tayo'  kaya lang hindi ko masabi kasi pakiramdam ko may isang malaking bloke ng plema ang humaharang sa boses ko. Pakiramdam ko, pareho tayong nagkakailang sa isa't-isa ng wala namang dahilan.

Andiyan ako at andyan ka pero parang wala rin tayong dalawa.

Kahit gustong-gusto kitang makasayaw, hindi kita niyaya kasi hinihintay kong maisipan mong isayaw ako tutal seatmates naman tayo. Marami na rin tayong mga test, seatworks at quizzes na nalagpasan ng magkasama.

Natapos ang gabi nang hindi mo ko sinasayaw. Buti pa ang iba nating mga kaklase, sinayaw ako kahit hindi nila ko seatmate. Bwisit ka! Bakit ba kasi ganyan ka? Nakakabadtrip ka magustuhan.

xx

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon