5. What If?

188 20 1
                                    

Dahil sa'yo ilang buwan ako, minumulto ng mga 'what if' na yan. What if nagkabayag akong yayain kang isayaw mo ko? What if kinulong ko sa cubicle si Ailyn para hindi kayo nakasayaw? What if habang lights off binutukan ko ang girlfriend ni Lucky? What if sinayaw mo ko? What if tumigil na kaya ko kaka-'what if' ko?! 

Wala nang mababago pa. Pinamigay na ang pink gown ko. Napigtas na ang strap ng white heels ko. Nalusaw na ang make up ko. Nasaktan na ang puso ko.

Alam mo ba nung bakasyon, namimiss kita? Nakakainis ka. Para kang chicklet na once na dumikit sa buhok mahirap nang tanggalin.

Almost everyday ng bakasyon, bigla-biglang napasok sa isip ko ang itsura mo. Bwisit, muntik akong masamid nung nainom ako. Miss ko na ang pang-killer eyes mo. Ikaw kaya, miss mo na rin ako?

Palihim nga kitang ini-stalk sa fb, eh. Kaya lang nakakaumay kaya tinigil ko rin agad. Hindi ako nauumay dahil sa itsura mo, nauumay ako kasi may mga malalanding babaeng kahit wala ka naman sa picture tinatag ka. Napapasimangot tuloy ako.

Sana nandito para hindi na ko nakasimangot kasi alam ko, mukha kong tsonggo kapag nakasimangot, eh.

Lumipas ang mga araw na hinahanap-hanap ko yung mga matatalim mong tingin, yung eyeglasses mo, yung patpating braso mo na every once in a while dumadaudos sa mabalbon kong braso. Ang hirap ng ganito!

Hindi ko maamin sa sarili ko mismo na gusto na nga talaga kita. Sobrang bigat tuloy sa pakiramdam kapag nasa newsfeed kita, gusto kong i-hide as spam. Walang halong biro sa'yo lang ako tinamaan ng ganito.

What if subukan ko na lang na amining nahulog na ko sa'yo? Siguro, may kinalaman ang pagiging malandutay ko dito kaya hindi ko maamin-amin sa sarili kong gusto kita kasi mahilig nga ko sa mga gwapo.

In short, hindi ka kagwapuhan. Mapayat ka. Malaki mata mo. Matalim ka makatingin. Oily ang ilong mo. May bundok ang bridge ng ilong mo. May mga sampung pimples ka. Moreno ka. Kulot buhok mo, pang-Bruno Mars. Malabo mata mo.

Sige, aaminin ko. Exception ka. Kahit hindi ka sing-gwapo ng mga korean idols o ng mga hollywood hunks, ang lakas ng dating mo para sakin. Akala ko pangbabae lang dati yung exotic beauty pati pala sa lalaki, meron din. Exotic ka sobra.

Sa sobrang makamandag mo, hindi ka na maalis sa isip ko. Para kang alien kasi na-invade mo ang puso ko. Ewan ko talaga kung anong sekreto mo at nagkakaganito ako sayo. Nagsisimula ko na ngang isipin na pinakulam mo ata ako.

What if ichat kita? Biglang pumasok sa isip ko habang nagbrowse sa newsfeed ko. Agad ko ring binawi iyon, wala ring magiging magandang outcome iyon dahil sa personal nga, halos di ka na magsalita through chat pa kaya. Baka mainis lang ako sa sobrang iikli ng mga reply mo.

Nakakainis dahil lumipas ang bakasyon ng hindi kita nakikita kahit nung kuhaan ng card natin. Hindi mo ba alam na nagsuot pa ko ng pamatay na heels for you? Hoping na mapansin mo sana ako kahit isang saglit ka lang mapatingin sakin. Kahit sa legs ko lang, tutal yun lang naman maganda sa buo kong pagkatao, eh.

Tapos nabalitaan ko na lang, dumating kang school para kunin ang card mo nung makaalis ako. Nakakainis ka. Bakit ka ganyan?

Buti nung enrollment ay hindi mo binigo ang sawi kong puso. Nagkasabay tayo nun. Sobrang saya ko kasi buti na lang suot ko yung wedge ko na may cheetah print. Exotic din ang datingan ko nun. Para ngang tayong prinsesa at prinsipe ng pagkaexotic. Natural na natural sating dalawa na maachieve ang ganoong aura kasi we're born with it nga, diba?

Nagkatabi tayo nun nang magpi-fill up na tayo pareho ng form. Puro correction tape nga yung form ko, pano hindi ako makapag-isip ng matino habang katabi kita.

Ilang beses din nagtama ang mga braso nating dalawa. Tama, science is everywhere nga. Kasi ramdam ko ang friction tuwing dumadausdos ang patpatin mong braso sa braso ko.

xx

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon