Hindi ko alam kung naaalala mo pa ang mga malilit na bagay na nangyari sating dalawa sa loob ng maliit at air-conditioned library room ng school natin na kung saan madalas nakatambay tayo, ang mga school journalist.
Isa sa mga pinakamasasayang nangyari sa loob ng library na yun ay yung hilutin mo ang kamay ko. Putek! Balak mo yatang lamugin sa sobrang diin ang mga palad ko nun pero gustong-gusto ko naman iyon. Hindi ko alam kung napansin mo na ang daming beses kong nagnakaw ng tingin sa'yo non.
Pakiramdam ko nun, nadurog na yung himaymay ng laman sa palad ko promise pero hindi ko pinahalatang naiiyak ako sa sakit. Kasi alam ko na kapag ginawa ko yun, bibitawan mo ang kamay ko. Jusko, minsang ka lang humawak ng kamay ng babae sa classroom natin kaya kailangan kong magtiis.
Inisip ko nga kung may galit ka ba sakin, eh.
Habang tinitignan kita non, nahuli mo ko at nagkasalubong ang mga tingin natin. "Masakit?"bigla mong tanong, siguro napansin mo yung namumuong luha sa mga mata ko. Umiling ako atsaka sumagot.
"Hindi naman. Masarap nga, eh."
Medyo natigilan ka nang marinig mo, yung sinabi ko yung 'masarap'. Doon ko narealize na, ooopps...wrong choice of words. Nakalimutan ko nanonood ka pala ng mga porn, kayo at ng iba nating mga kaklase. Pano ko nalaman,sinabi mo mismo nang tanungin kita. Hindi na ko nagulat kasi maski ako nanonood din nun.
Hahaha. Don't judge me.
Habang hawak-hawak mo ang kamay ko at nilalamog iyon-- este, hinihilot pala. Biglang may dumating tayong kaklase. Oy, si Abbie na naman. Lagi talagang ang ganda ng timing ng babaeng 'to. Malisyoso siyang nakatingin sating dalawa at sa inaakala niyang lampungan ng mga kamay natin sa ibabaw ng table.
Agad siyang lumapit at umupo sa parehong table kung nasaan tayo at nakakalumbabang ngiting-ngiti. Malisyoso siya pero sige, okay lang. Sige, binibigyan ko siya ng pahintulot para ipagkalat niya ang nakita sa klase para asarin tayong dalawa sa isa't-isa.
"Kayong dalawa talaga, PDA na ko, ah."
Saglit mo lang tinignan si Abbie bago ka muling nagconcentrate sa kamay ko. Ang ganda ko, feel na feel ng palad ko. "Ma-issue ka, ah!"sabi ko. Tumigil ka bigla sa paghilot sa kamay ko. "Tama, ma-issue,"pagsang-ayon mo.
"Ako din! Pahilot."
"Pagod na kamay ko,"sagot mo nang gusto din ni Abbie na magpahilot sayo. Tumayo ka na noon at lumabas ng library. Nabitin ako, putik.
xx
![](https://img.wattpad.com/cover/17466294-288-k81341.jpg)
BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
Fiksi RemajaPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?