Four years after highschool graduation.
Andito ako at nakatayo sa isang sulok katabi ng mga pagkain. Hindi naman sa masiba ako, ayaw ko lang sa mga tao dahil awkward akong tao. Habang nakatayo ako sa isang sulok na yun, may pinagmamasdan akong isang lalaking awkward rin. Nakaupo siya, malapit sa mga kaibigan niya habang busy sa pagkalikot ng hightech niyang phone.
After four years muli ko siyang nakita matapos ng highschool graduation namin. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, natutuwa ako para bang ang sarap sa pakiramdam nang makita siya. At the same time, ang sakit dahil hindi ko alam kung ano bang tingin niya sakin. Four years na ang nakalipas pero sa apat na taon na yun, hindi ako mapalagay dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya yung nararamdaman ko. Iniisip ko nga kung importante pa ba iyon, eh.
"Shar, lika ka upo ka dito,"tawag sakin ni Jacob. Wala akong nagawa kundi umupo sa table nila at katapat ko pa siya. "Ikaw talaga, magkakapaka-forever alone ka pa dun. Hindi ka na nagbago,"natatawang sabi ni Jacob. Apat lang kami sa table na yun, isa doon alam ang nararamdaman ko para kay Matthew. Si Jacob iyon, alam niya.
"Musta na, ganda mo na, ah. May boyfriend?"biglang tanong ng isa pang classmate ko dati si Clarisse. Bigla kong natatawa nung sinabi niyang gumanda daw ako. "Anong gumanda ka dyan? Pumuti lang, aircon eh. Boyfriend? Single but not available."
"Ano hindi ka pa rin nakakapagmove on?"parinig ni Jacob. Agad ko ring tinignan at pinandilatan ng mata. "Ano ba, Jacob. Kilala mo naman ako kapag nagmahal, diba?"sagot ko. Hindi napansin na hindi na pala naglalaro si Matthew ng cellphone niya at nakikinig siya sa usapan namin higit sa lahat. Nakatingin siya sakin.
Dugdugdugdug.
Yung tingin niyang pangkriminal, pinapabilis ang tibok ng puso ko. Pumuti rin siya at nagkalaman ng kaunti kumpara sa katawan niya nung highschool kami. In other words, nag-improve ang itsura niya, gumwapo ba.
Nginitian ko siya. Tinignan niya lang ako.
"Happy birthday,"mahina kong sambit para hindi marinig ni Jacob na busy sa pakikipagdaldalan kay Clarisse. Ngumiti siya tapos nagsalita. "Thank you,"maikli niyang sagot. After four years, narinig ko ulit ang boses niya. Teka, gusto kong maiyak sa tuwa.
"Uyy, inom tayo?"yaya nila Jacob at Clarisse. "Sige, kuha na lang kayo dun sa kusina,"sabi ni Matthew. Umalis yung dalawa at naiwan kami sa table. Ramdam ko yung awkwardness naming pareho. Bakit ganun? Hindi ko magawang makapag-isip ng magandang topic para kausapin siya? Samantalang ako itong halos mamatay-matay sa sobrang pagkamiss sa kanya.
Ayun nga nakabalik na't lahat-lahat sila Jacob at Clarisse, ni hindi kami nakapag-usap. Sobrang nafru-frustrate ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya nung nagsalin na sila ng alak sa baso, ako ang unang nagshot.
Hindi talaga ko nainom, ito ang unang beses kong uminom. Ang panget ng lasa pero okay na rin dahil mas natutuon ang atensyon ko sa kapangitang ng lasa ng alak kesa sa sawi kong puso.
Inom lang ako ng inom kahit tumayo na sila Jacob at Clarisse para kumain. "Shara, ayos ka pa ba?"rinig kong tanong ni Matthew sakin. "Ayos lang,"nakangiti kong sagot. Sa totoo lang, hindi ako ayos, Matthew! Mahal kitang letche ka! Apat na taon akong nalulungkot kapag may nakikita akong kasama kang babae sa mga picture mo sa facebook.
Bakit?
Bakit? Sa totoo lang, ang gwapo mo na ngayon. Panigurado maraming nagkakagusto sayo ngayon. Pero nung hindi ka pa gwapo, Matthew, mahal na kitang lalaki ka!
Hindi ko namalayan umiiyak na ko sa harapan ni Matthew. Bakit kahit nakainom na rin ako hindi ko pa magawang masabi sa kanya? Hindi naman sa takot ako sa rejection. Kung rejection lang rin naman, ang daming beses ko nang naranasan 'yan.
"Matthew! Si Ailyn!"biglang sigaw nila. Ay, putcha. Agad na napalingon si Matthew nang marinig niya yun tapoa tumayo siya at iniwan ako. "Sige, andito lang ako. Lagi naman akong naghihintay, eh."sambit ko. Hindi ko alam kung narinig niya yun o hindi.
Alam ko bahay nila Matthew 'to, malaki ang bahay nila at maganda. Nasa sala kasi kami, kumbaga 'tong party niya pang piling tao lang. Bago ko tumayo, tinignan ko si Matthew ng isa pang beses. Nakita kong nakangiti siya habang nakikipagkumustahan kay Ailyn.
Mula sa sala, lumabas ako at dumaan dun sa garahe nila. Habang dala ang isang bote ng alak, naglakad-lakad ako. Iba na talaga siya. Sa village na siya nakatira. May nakita akong playground sa di kalayuan. Dun ako umupo at nagmukmok habang inaalala ko kung paano ba naging ganito ang nararamdaman ko para kay Matthew.
Paano nga ba lumala ng ganito ang nararamdaman ko para sa kanya?
xx

BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
Teen FictionPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?