3. Loveteams

216 22 4
                                    

Alam mo kung anong nakakainis dun, Matthew? Dahil kinabukasan nung magbunutan ng bagong groupings sa Filipino, kahit anong dasal ko na sana magka-group tayo, 'di nangyari iyon dahil napasama ka sa grupo na kung saan nandoon si Ailyn, ang babaeng crush mo. Ang babaeng kwinekwento mo sakin tuwing nagdadaldalan tayo.

Nakaramdam ako ng lungkot, pakiramdam ko, natigang ang puso ko bigla. Sayang! Looking forward pa naman ako na asarin tayo at gawin nila tayong loveteam din sa classroom. As much as possible, hindi ko pinahalalatang nasasaktan ako habang ang buong klase ay chini-cheer ang loveteam niyo ni Ailyn, "MattLyn! MattLyn!" Siguro, kung gaanong kadaming beses ang cheer nila, ganon din kadami yung crack sa puso ko. Charot! Masakit. Bakit ganito? Naguguluhan ako.

Hindi naman kita crush pero tuwing papasok ako, ikaw agad ng hinahanap ko. Tuwing absent ka, malungkot ako. Tuwing inaasar ka sa kanya, nasasaktan ako. Hindi kita crush kaya lalong-lalo na ang mahalin ka. Hindi rin naman ako attracted sa'yo kasi hindi ka nga gwapo, pero gustong-gusto ko ang tingin mong mukhang papatay ng tao.

Buti na lang sa isang subject lang nagbago ang seat arrangement natin. Tapos nung Christmas party natin nung 3rd year, tanda mo ba na chinat mo pa ko dahil sa wakas ay nagkaroon na kayo ng picture ni Ailyn ng magkasama samantalang tayong dalawa, wala. Kaibigan mo rin naman ako, diba?

"Nakita mo na?"

"Ang alin?"Mas pinili kong magpaka-ignorante na kunwari hindi ko alam yung tinutukoy mo kahit ang totoo, habang ka-chat mo ko ay tinitignan ko ang picture niyo.

 

"Picture namin ni Ailyn."

"Ha? Wow!? Naks, masaya ka na nyan, siguro! Buo na ang Christmas mo,"Nagpanggap kong masaya para sa'yo kahit ang totoo, mas gusto kong tayong dalawa ang nagpapicture imbis na kayo. Bwisit.

"Pinilit lang siya nila Nathan na magpapicture kasama ko."

"Omygash! Bwisit, kinikilig ako para sa'yo! Bagay kayo,"Pero ang gusto ko talagang sabihin ay,'Mas bagay tayo'.

Sabi ko, kinikilig ako pero kung alam mo lang, crinop ko yung babae iyon sa picture niyo sa Paint. Paano, anong laban ko?

Kumbaga, siya ang pinakamaganda sa klase natin nun, diba? Eh, ako? Pinakaemotera, maingay, bansag pa nga sakin ay "Sadako ng klase", galing. Talo agad.

Landslide ang panalo niya.

xx

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon