Simula palang wala akong kaide-ideya na magugustuhan ko ang isang tulad mo. Hindi ka naman gwapo pero sa tingin mo lang, kinakabahan na ako.
Ewan ko minsan mukha kang sabog, yung tipong namumula yung malaki mong mata parang kakatapos palang ng session niyo.
Nung maging seatmate tayo, ang awkward ng pakiramdam ko. Hindi ako makatingin sa'yo, ansama kasi ng tingin mo sa'kin lagi. Pakiramdam ko holdapper ka kung makatingin. Tuwing magkakadikit ang braso ko at ang patpatin mong braso, nagkaka-goosebumps ako, ewan ko ba.
May sa maligno ka ba?
Nagulat ako nang isang araw, banggitin mo ang pangalan ko.
"Shara Mae."
"Hmm? Bakit? Ano yun?"Pagkatapos kitang tanungin, don ko na-realize na ang lapit pala ng mukha natin sa isa't-isa.
Kitang-kita ko ang mga pores at mangilan-ngilang tagyawat sa noo mo at ang oil sa matangos mong ilong. Malamang sa malamang kita mo rin ang mga tagyawat, black heads at pores ko, litsi.
Nahigit ko ang aking hininga, hindi dahil sa hindi ako nagsepilyo kundi dahil bigla akong nailang at na-mesmerized sa imperfect mong mukha.
"Namumula ba mata ko?"Kahit kailan ang seryoso mo talaga. Iniangat ko ang tingin sa mata mo, ansama pa rin ng tingin mo sakin. Sadya bang ganyan ang mga mata mo parang pang kriminal?
"Oo. Bakit? Anong nangyari?"pa-concern ko kunwaring tanong. Wala lang para isipin mong mabait ako.
Bigla mong binawi yung tingin mo sakin, pakiramdam ko tuloy may muta nang namuo yata sa gilid ng mata ko. Pasimple kong pinunasan ang mata ko gamit ang daliri ko, sana lang hindi mo napansin. Ang galing talaga ng ilong mo. Sa sobrang tangos, parang may bundok sa bridge mo tapos may manaka-nakang oil pa nga.
"Napuwing ako, e,"sagot mo habang kinukusot ang napuwing mong mata.
Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang nagtulak sakin para hawakan ang kamay mo upang pigilan ang pang-aabusong ginagawa mo sa mata mo. Pano naman kasi, malabo na nga mata mo, diba? Nagsasalamin ka nga tapos baka mabulag ka pa, sayang yung eyeglass mo.
"Hwag mong kusutin mata mo! Masama yun. Akin na patingin nga,"Humarap ka sakin at ayan na naman ang pang-kriminal mong tingin. Pakiramdam ko tuloy alam mo lahat ng mga pinakatatagong sekreto ko. Baka nga alam mo rin ako yung umutot kanina sa classroom.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha mo atsaka ko hinawakan ang magkabila mong medyo lubog na pisngi. Hindi ko alam kung naduduling ako sa naaaninagan kong tigyawat sa gitna ng mukhang inahit kong sabog na kilay o dahil intensity ng tingin mosakin.
Kulang na lang mag-emmit ng laser 'yang malaki mong mata.
Iminulat ko yung mata mo gamit yung hintuturo at hinlalaki ko. Mukha kang kwago, promise. At nakita ko nga yung alikabok na nanggulo sa malabo at malaki mong mata.
"Ayun, nakita ko na siya!"
Ewan ko bakit natuwa ako nang makita ko yung alikabok na yun. Siguro, ang kinatuwa ko talaga doon ay kung gaano tayo kalapit sa isa't-isa.
Kung gaano natin, nakikita ang mga pores natin. Kung paano natin, nararamdaman ang init ng hininga nating dalawa. Kung gaano natin, naaamoy ang hindi kabanguhang hininga nating dalawa, charot!
"Sige, ihipan mo nga."
"Okay,"Atsaka ko inilapit ang labi ko sa mata mo, dahan-dahan ko iyong inihipan baka kasi may tumalsik na laway. Kahiya naman.
Umayos na ko ng upo pero nakatingin pa rin ako sayo. Sana hindi ka nabahuan sa hininga ko dahil excuse me, three times a day akong nagtu-toothbrush.
"Okay na?"tanong ko. Isang simpleng tango lang ang sinagot mo atsaka ka ngumiti pero mukhang constipated naman. Pakiramdam ko, may rondalya sa loob ng dibdib ko nung makita kong ngitian mo ko.
"Ayyiee.."asar ng nasa kanan mo. Itago na lang natin siya sa pangalang Abbie. Tinignan natin siya nun, diba?
Yung tingin na kung saan tayo magaling, yung tinginan na mala-psychotic tayo. Yung parang hindi na natin siya pauuwiin ng buhay. Dyan kasi tayo magaling, sa mga titigang mala-kriminal at wala sa katinuan.
Tumawa siya sabay sabing, "Bagay kayo!"
"Luh! Baliw ka?"agad kong sabi. "Promise, bagay nga kayong dalawa!"kinikilig na sambit ni Abbie. Tawa naman siya ng tawa, kita na nga gilagid niya kakatawa. Konti na lang, kita na rin ang ngalangala niya.
"Bahala ka nga,"sambit ko. Ayaw ko nang palakihin pa ang pagtatalo namin baka kasi may makisali pa at makiasar rin. At lalo pa ko kiligin ng bonggang-bongga.
xx
BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
أدب المراهقينPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?