9. Gentleman

152 15 3
                                    

 

Mga buwan ng October nang mag-umpisa tayong mag-aalis ng school para sa mga seminars at contests sa journalism. Sa dinami-dami ng mga buwan sa loob ng isang taon, ito na siguro ang pinakapaborito ko. Kasi ito yung mga araw na nae-excuse tayo sa mga klase natin.

One time, habang nag-aabang tayo ng bus doon sa Buendia, biglang umambon. Grabe, hindi ba parang naging streamer na yung mga usok galing sa tambutso ng mga sasakyan tapos biglang umambon. Musta naman. Hindi kaaya-aya.

Habang yung mga iba nating kasama nagmamadaling kunin ang mga payong nila sa mga bag nila, tayong dalawa lang ang mga walang pake. Kulang na nga lang magsitakbuhan tayo sa gitna ng Buendia Ave. at magtatakbo doon ng mga hubo para mas mafeel natin ang polluted rain.

Kaya lang, hwag na. Hindi na akma sa mga edad natin iyon. Mag-cause pa tayo ng karambulan ng mga sasakyan dyan.

Naaalala ko pareho tayong nasa bandang likuran nila pero kahit ganun, may puwang sa pagitan natin na akala mo may nakareserve na tao sa space na yun. Pareho tayong naaambunan, nababasa atsaka tumingala sa langit bago tayo sabay na nagkatinginan sa isa't-isa.

"Ba't ka nagpapaambon?"tanong mo.

"Wala lang. Matagal ko na kasing hindi nagagawa 'to. Ikaw, bakit ka nagpapaambon?"

 

"Wala kong dalang payong."

Jusko. Nang marinig ko yun, medyo sumakit ang sentido ko doon. Akala ko naman, medyo dramatic ang reason mong lalaki ka! Yung itsura mo pa nun, seryosong-seryoso. Mukha kang kriminal na may nakadaupang palad na isang police at ayaw mong magpahuli ng buhay.

Bago pa ko makapagsalita ulit, bwisit ka, nauna ka na pala sa loob ng bus. Isa ko sa mga huling nakasakay satin kaya wala akong naging upuan.

At dahil medyo puno ang bus, standing ovation tayo sa loob tapos bouncy pa ang biyahe kaya medyo naaalog ang mga bilbil ko sa katawan. Nauna kang makaupo sakin, alam mo ba tinitignan kita nun kasi baka sakaling may katiting kang bahid ng pagkagentleman sa katauhan mo at maisipan mong paupuin ako. Pero, imba ka talaga, hindi ka man lang nakaramdam.

Todo dikit na nga ko sayo nun habang ako tiis-ganda tapos ikaw nakaupo sa tapat ko at nakapikit pa. Habang nakapikit ka doon, I grabbed the chance para pagsawaan ng mga mata ko ang hindi kaaaya-aya mo namang itsura.

Kung alam mo lang habang pinagmamasdan kita noon, pinupuri kita at nilalait at the same time. Sa bawat puri ko sayo, tatlong lait ang kasunod. Sorry hindi ko talaga mapigilan, eh. Nasa itsura mo talaga ang kalait-lait ng mga tulad kong mahihilig sa gwapong lalaki.

Ikaw ay hindi isang greek god na nagkatawang tao. Ikaw ay isang walking stick na nagkatawang tao.

Mayamaya, bumaba na yung katabi mong babae kaya nagkaroon ng space sa tabi mo. Hinintay ko munang makaalis ng tuluyan yung babae tapos sinalubong ko ang tingin mo na ramdam na ramdam kong tumatagos sa kaluluwa ko. Nakanaks, lalim nun, ah.

"Upo ka."

 

"Ahhh. Sigesige,"sabi ko naman. Umupo ako agad sa tabi mo. Nung magkakiskisan ang mga mamasa-masa nating braso nung pag-upo ko, hindi ko inaasahang dahil doon ay bibilis ang tibok ng puso ko.

Tapos nun, hindi na ulit tayo nagsalita.

Nagulat ako nang bigla kang tumayo at pinaupo mo ang isang matandang babae sa upuan mo. As in napaawang ang labi ko, kung may langaw lang sa loob ng bus malamang pinamahayan na ng langaw ang bibig ko. Putek, is this for real?

Ikaw? Gentleman? Putek, wala sa mukha, promise.

Medyo dagdag pogi points yun sayo kung may kapogian ka naman. Nakangiti lang ako nun pero sa loob ko, sana hindi ka na lang ganon para magkatabi pa rin tayong dalawa. Hindi bale na, ang mahalaga, gentleman ka nga talaga at napatunayan ko na. Tingin ko kasi sayo, delinquente, eh.

Wala kasi sa mukha mo ang gagawa ng kabutihan.

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon