11. Senior's prom

127 17 4
                                    

Saglit.

February na. Ibig sabihin ang sunod na buwan ay March. Hala, malapit na palang mag-graduation. Okay lang, wala naman akong magagawa don kahit magdrama pa ko ng magdrama dito.

Masasabi kong sa prom namin ngayon, mas handa ako. Mas bongga, mas kabog pero ewan ko sa mukha. Mas maraming tigwayat siguro dahil sa oil, dirt and pollution.

Naku, kung alam mo lang, Matthew kung anong pinagdaanan ko mabili lang ang gown na ala pang star magic ball na yun. Kulang na lang talaga bumulagta ako sa Baclaran dahil sa init at dysmenorria. Nung umiikot na ang paningin ko ang tanging nasa isip ko ng mga oras na iyon maliban sa isang nakakasilaw na liwanag ay mukha mo.

Nung biglang mag-appear yung mukha mo sa isip ko, napamura ko.

 

"Syet,"mahina kong sambit. Mas lalo akong nahilo. Yes naman, ang laki ng natulong mo sa lalong pagpapasama ng pakiramdam ko pero kahit ganun, nakangiti naman ako nun habang nagde-deliryo. Ngiting aso nga lang.

Heto na, ang gabi na pinakahihintay dahil gusto ng mabuti kong ina na hindi ako magmukhang pururot lang dun, pinaayusan niya ko. Sabi ko, gawin nilang maayos ang mukha ko pero sabi nila, hindi kayang ayusin ng make-up ang mukha ko. Sabi nila, surgery daw ang kailangan ko.

Hindi sa school ang venue ng prom kasi bago ang principal. Yung school namin, level up na.

Mga mukha na lang ng mga estudyante ang hindi nagbabago. Mga dugyuting mandirigma, lalo na ang mga afternoon shift. Nasa angkan nila ang mga pinakamalalakas kabalyero ng paaralan. Malalaman mo kung sinong malakas o hindi, base sa kanilang pananamit.

Maluluwag na mga polo na nagmukha na silang nanungkit ng polo ng tatay ng kapitbahay nila. Baston na pantalon na minsan tinatalo pa ang skinny jeans. Mailit na bag na kahit tatlong brief nila hindi magkakasya. Kung Fu shoes na black o sufra na sobrang laki OA na.

Enough na sa paglalarawan ng mga kaanyuan ng mga mag-aaral sa school namin. So, eto na nga, prom na ulit namin pero ngayon imbis na pink, blue na ang color coding para sa mg senior. Satisfied naman ako sa pagmumukha ko.

Aaminin ko, umaasa pa rin akong isasayaw ako ni Frederick kasi umattend siya ng prom ngayon at friends namin kami nung classmate ko siya ng elementary ako.

Alam mo, aaminin ko. Dahil sa'yo minsan nakakalimutan ko si Frederick pero kapag makikita ko ang mukha mo, mas gwapo talaga si Frederick. Hindi ako sinayaw ni Frederick at kulang na lang ikulong namin sa CR yung girlfriend niyang naghuhulas na ang foundation.

Alam mo, naiyak ako nun.

Alam mo, Matthew minsan iniisip ko. Sino ba talagang nang-ayang sumayaw sating dalawa? Ako o ikaw? Pero hindi na mahalaga iyon kasi naging masaya ako at sa wakas nasayaw kita. Aaminin ko, ang cute ng suot mo nun. Mukha kang waiter at cute na cute rin syempre ang mukha mo, hindi kasi masyadong kita kasi madilim doon.

Hinawakan mo ko sa bewang nun habang ako naman nakahawak sa balikat mo tapos andoon tayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Sobrang lapit natin sa isa't-isa. Sobrang lapit natin kaya pakiramdam ko parang pareho tayo ng nararamdaman. Pero alam kong hindi ko iyon pwedeng sabihin dahil nakailap mong tao at wala akong ganun alam sayo.

Ay, naalala ko. Medyo hawig mo si Jose Rizal nun.

"Okay ka lang?"nagulat ako sa bigla mong tanong habang nagsasayaw tayo. Inangat ko ang tingin ko sayo pero umiwas ka naman ng tingin. Oo, lahat ko parehong hindi kaaya-aya ang ating mga itsura. Buti na lang madilim at hindi natin parehong nilalait ang mukha ng isa't-isa.

 

"Hmmm... okay na."

 

"Nandyan ba siya?"tanong mo. Wala kang binanggit na pangalan pero alam nating pareho na si Frederick iyon. Ginulat mo ko nun. Kailan ka pa nagkaron ng paki?

"Oo pero parang wala rin."

 

"Malilimutan mo rin siya. Marami pang lalaki dyan."

 

"Iba siya, eh."

"Oo nga, iba siya pero balewala ka naman sa kanya,"sambit mo. Sabi ko sayo, parang nagfreeze lahat sa paligid ko nang sabihin mo 'to. Nakatingin lang ako sa'yo nun.

At umaasang sana yung sinabi mong ibang lalaki ay pinapatungkol mo sa sarili mo. Kasi kung ganon nga iyon, hindi na ko magdadalawang isip na hayaan ang sarili kong mas mahulog sayo.

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon