6. PE partners

214 20 7
                                        

Ayoko talaga sa subject nating PE kasi ang liit ng room natin, yung tipong nagkakaamuyan na tayo ng mga baktol ng isa't-isa. Tapos, kapag may nagpulbo sa tabi ko, halos mas maraming bahagdan ng polbo ang nasinghot ko kesa na naipahid sa mukha ng nagpopolbo.

"As asual, late na naman si Sir. Tae na, male-lechon na tayo sa dito,"rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Tama siya, male-lechon na tayo dito.

Isang oras pa bago dumating ang ulyanin nating PE teacher, sapat nang oras yun para makapagpalit tayong lahat ng mga PE uniform. Nakakainis nga yung jogging pants ko, mahimulmol pa tapos yung PE t-shirt ko sobrang laki, umabot ba naman sa siko yung mangas.

Pagkabalik ng lahat sa classroom, pinababa tayo ni Sir sa ground floor para sa kung anong klase ng sayaw na ituturo satin.

Alam mo yung pakiramdam na todo-todo ako kung makahiling na sana ikaw ang maging kapartner ko. Katapat pa naman kita sa pila, ewan ko. Malaking bagay na sakin yung ganun, yung makatapat ka sa pila. Ang adik ko.

"Okay, alphabetical,"biglang sabi ni sir.

Gustong magmaktol sa isang sulok, paano hindi ikaw ang kapartner ko. Ang malala pa doon, kayo ni Ailyn ang magkpartner. Iniisip ko nga, baka nakatadhana kayong dalawa pero hindi. Naiinis talaga ko. Gusto kong bilhin lahat ng Chuckie sa canteen para maubusan si Ailyn kasi favorite niya yun.

Ayun nga, nagsimula na tayong lahat magsayaw-sayaw ng kung anong sayaw ng kung anong pangkat etniko. Buti na lang nasa likuran ako banda kasi hindi ako makasunod ng maayos sa mga step kasi ang mata ko nakabantay sa inyo ni Ailyn.

Haha, may nagseselos yata.

Alam mo naman, diba? Mainit sa pakiramdam yung PE uniform natin kaya pawis na pawis tayong lahat. Umupo ako dun sa tapat ng ceiling fan. Jusko, kailangan na kailangan ko nang hangin ngayon. Sobrang lagkit ko na baka pwede na kong maging source ng pangdikit dito.

Habang naka-indian sit ako doon, kinuha ko yung folder doon na nakalat at ginawa kong pamaypay. Hindi ko inaalis ang tingin ko sayo. Siguro, sabihin na nating minamanman kita. Gusto kong malaman kung hanggang ngayon interesado ka pa rin kay Ailyn.

Siguro napansin mo ang intensity ng titig ko kaya napadako ang mga kwaguhin mong mata sakin. Oh gosh. Kahit ang dugyutin mo na rin tulad ko kasi pawis na pawis ka rin, hindi iyon nakahadlang para huminto sa pagtigil ang mundo ko habang naglalakad ka papalapit sakin na parang pagod na pagod. Isa pang oh gosh kasi yung waving flag mong jogging pants, it's killing me.

Bigla akong naging conscious sa amoy ko nang umupo ka sa tabi ko pero may space sa pagitan natin. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko nang mga sandaling iyon kung alam mo lang. Wala tanong na sabihin nating medyo walanv kwenta pero ang totoo napakahalaga nung mga sandaling iyon.

Amoy-baktol na ba ko?

Nag-aalburoto na ba sa pawis ang mga tigyawat ko?

Bakit sa lawak-lawak ng kinaroroonan natin dito ka pa talaga sa tabi ko umupo?

"Shara."

 

"Hmmm?"

 

"Hati tayo."

 

"Hati saan?"tanong ko. Iyon naman ang garalgal mong boses na hindi talaga kumukupas ang tindi ng bangis sakin. Daig mo pa ang isang ahas, sa tindig ng kamandag mo. Putek, ano ba 'tong iniisip ko?

"Dyan,"sagot mo atsaka naglean forward sakin.

Oh, gosh.

Oh, gosh.

Oh, gosh, have mercy on me. Mamamatay ako nito sa kilig. Okay lang kahit amoy pawis ka na, ganun din naman ako kaya patas lang. Hindi tulad ni Ailyn na parang nahihiyang lumabas sa mga pores niya sa katawan yung pawis niya. Hay, what a lucky girl.

Ang lapit ng mukha natin sa isa't-isa, hindi ako huminga. Baka kasi hindi nakaaya-aya ang amoy ng bibig ko. Sayang, ganda na ang moment natin, mali lang ng timing.

Agad kong binitawan yung folder. Umayos ka na ng upo mo habang gigil na gigil na nagpapaypay. Halos malukot na nga ang kawawang folder pero hinihiling kong sana ako na lang siya nang mga panahon na yun para manggigil ka rin sakin.

"Akin na,"sabi ko. Sumunod ka naman at agad na iniabot sakin. Pagkabigay mo sakin, agad ko iyong pinunit sa gitna at inabot sa kanya. Ngumiti ako kahit alam ko sa sarili ko, hindi ako tulad ng ibang mga babae na gumaganda talaga kapag nakangiti.

"O, sayo na 'tong kalahati."

 

"Talaga?"

 

"Oo, sayo na 'yan. Ingatan mo, ah."

 

"Sige, sige."

Kung alam mo lang na yung mga sandaling iyon kasama kong ibinigay sayo ang kalahati ng sawian kong puso at tinanggap mo iyon habang nakatingin sa mga mata ko.

xx

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon