Ito ang isa sa pinakakinatatakutan kong araw dahil alam kong magkakahiwalay na tayo. Na kahit kailan hindi na tayo pwedeng maging seatmate kung saan nagsimula ang atraksyon ko sa'yo.
Kahit gaano ko hilingin na sana bumagal sa pagtakbo ang oras ay hindi ganoon ang nangyari, diba, Matthew? Parang nung isang araw lang kakaumpisa palang ng March tapos ngayon, bukas na pala yung graduation.
Ramdam ko minsan ang mga tingin mo sakin at ganun ka din, ramdam mo rin ang tingin ko sayo kasi tayong dalawa ang may pinakamatatalim na tingin sa section natin. Pakiramdam ko nun, kahit hindi na tayo nag-uusap, mayroon pa rin tayong komunikasyon.
Sa mga tingin natin idinadaan lahat ng mga salitang gusto natin sabihin sa isa't-isa. Alam ko ganun ka kasi bihira ka magsalita unless usapang schoolwork, anime at porn.
Ang masakit doon ay natapos na ang graduation ceremony natin at nagkasalubong tayo. Nagkatinginan tayo, mata sa mata ngunit ang isa ay naiiyak na habang ang isa naman ay mukhang sabog lang.
Napalilibutan tayo ng mga estudyanteng nagyayakapan nun at pakiramdam ko, pareho nating gustong yakapin ang isa't-isa kasi baka ito na ang huli nating pagkikita. Kahit ganun, pareho tayong nanatiling nakatayo doon at magkasalubong ang mga tingin.
Hindi natin pareho alam kung ano bang nararapat sabihin sa mga panahon na iyon. Kung tama bang sabihin 'paalam na' o 'mamimiss kita' kasi ganun ang sinasabi ng mga nakapalibot satin. Pero walang nagsalita satin nun na parang sapat na ang naging pag-uusap ng ating mga mata.
Ngumiti ka at ngumiti rin ako bago tayo sabay na tumalikod.
BINABASA MO ANG
Alin ang NAIBA?
Novela JuvenilPanget sila pareho pero bakit ganun? Mukhang imposible pa rin?