Ganito na nga

169 12 5
                                    

Ganon ba kalakas ang tama ng alak na 'to at naalala ko lahat ng mga iyon? Ang mga alaala namin ni Matthew na kung tutuusin ay hindi naman ganoon kaespesyal. Puro lang kami titignan ng masama. Tapos puro pa ko panglalait sa kanya samantalang kalait-lait din naman ako dati.

Anong oras na ba?

Pagtingin ko sa wristwatch ko, mag-aalas dose na pala at konti na lang mauubos ko na ang laman ng bote na 'to. Ni wala man lang bang nakahalatang nawala ako sa loob? Tsk. Bahala sila.

Mula sa pagkakaupo ko sa swing, lumipat ako sa sidewalk atsaka ko umupo pero mayamaya rin ay naisipan kong humiga don sa sidewalk. Malinis naman dito sa lugar nila Matthew.

Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng nainom ko. Hindi lang ang ulo ko, maging ang puso ko ay sumasakit rin.

Akala ko mawawala ang nararamdaman ko para kay Matthew kapag naghiwalay na kami ng landas pero hindi ganon ang nangyari. Mas lalo iyong lumala, mas lalong tumindi. Ang bangis talaga ng kamandag ng lalaking iyon. Napaamo niya ang isang dinosaur na tulad ko.

"Matthew...pinapahirapan mo talaga ko.."sambit ko. Ang nararamdaman ko para kanya ay parang pilit na kumakalawa sa loob ng dibdib ko. Parang may isang nagwawalang leon na hanggat hindi ko pinapakawalan lalong nagwawala kaya lalo akong nasasaktan.

 "MATTHEW, BWISIT KANG LALAKI KA! MAHAL NA MAHAL KA KITA, ALAM MO BA 'YUN, HA?!"

Hindi ko na napigilan at napasigaw ako. Inilabas ko ang lahat-lahat ng dinadala ko para kanya sa loob ng apat na taon. Gumaan ang pakiramdam ko, napatawa ako ng malakas atsaka sininok.

 

"Andyan ka lang pala,"rinig kong sabi ng kung sino. Mula sa pagkakahiga ko, tumingin ako sa direksyon ng boses. "...Matthew? A-anong ginagawa mo...dito?"medyo gulat kong tanong.

"Hinahanap ka. Bigla ka kasing nawala. Oo nga pala, narinig ko yung sinabi mo."

 

"Anong sinabi ko?"

 

"Iyong sinabi mo. Iyong mahal na mahal mo ko. Pati nga pala yung bwisit ako."

 

"Ahhh..."

 

Umupo ako nang tabihan niya ko. Sobrang lapit ni Matthew sakin kaya tinulak ko siya ng bahagya. "Amoy-alak ako, hwag mo kong masyadong lapitan. Dun ka na lang kay Ailyn, mabango yun,"pagtataboy ko sa kanya. Alam ko naman kasing hindi pa ring pwedeng maging kami. Kahit nga nung parehong mga panget pa kami ay hindi nagkaroon ng chance, ngayon pa kayang naging mas kaaya-aya na ang aming mga itsura?

"Pumunta ko dito para makasama ka tapos ipagtatabuyan mo ko papunta kay Ailyn?"sabi ni Matthew. Take note, hindi na ganon monotone ang pagsasalita niya tulad ng dati. Pakiramdam ko tuloy talagang hinanap niya ko para makasama.

"Hindi ba gusto mo siya? Naaalala ko pa nung sabihin mo sakin yun dati. Gusto mo siya."

Alin ang NAIBA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon