Harmonica POV
"Bye bye nica." Sabi ni Jerome sa'kin sabay kindat sa akin hindi ko nalang sila pinansin, sasapakin ko sila eh feeling close 'kala mo kung sino. Naglakad na lang ako palabas hanggang makita ko si Mama.
"Oh? Bakit ka na naman naka-simangot?" Tanong ni Mama.
"Kasi yung feeling close na si Jerome kumikindat sa'kin akala mo bagay sa kanya, mukha siyang shokoy na hirap maka-mulat yung kanang mata." Nakangusong sabi ko.
"Hahaha wala ka talagang pinagbago kahit nawala si Mama ng isang buwan." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
"Ma na miss kita, tsaka bakit ako magbabago ng isang buwan lang hindi nga po ako makatulog eh. Kailangan pa ni Lolo na tabihan ako bago makatulog." Sabi ko nakatalikod si Mama medyo nag pahuli ako, pagkatapos ay tumalon ako sa likod niya nakasakay na ako ngayon.
"Loka loka ka talagang bata ka muntik ka na mahulog." Sabi ni Mama tumawa lang ako.
**Bahay**
"Lolo ko na matanda na, nakauwi na ako." Sigaw ko.
"Ikaw na bata ka ang ingay mo na naman nakita mo na ang Mama mo?" Tanong ni Lolo Esing.
"Opo Lolo nasa likod bahay si Mama, puntahan niyo raw po at ako naman ay magpapalit na." Sabi ko at tumakbo pataas kasi nandoon ang kuwarto ko nang makapasok ako dumeretso ako sa kabinet.
Nakita ko sa gilid non ang picture naming tatlo ngayong 10 y/o ako sinabi na sa akin ni Mama na hindi niya ako tunay na anak, ampon ganoon pero tanggap ko dahil minahal niya na akong tunay na anak.
Masaya ako sa puder ni mama kasi naranasan ko na kabilang ako kahit hindi nila ako kadugo, si Mama bata pa lang nasa 29 y/o pa lang si Mama at 10 na ako ngayon 19 years old si Mama ng amponin niya ako mayaman daw sila dati kaya nakapag accelerate siya ng grade at nakapagtapos ng pag aaral.
"Nica ang tagal mo naman mag sando ka dyan at mag short ka, may gagawin tayo pagkatapos mo mag meryenda." Sabi ni Mama sa labas ng kuwarto ko kaya nagbihis na ako, alam kong mag-eensayo kami ni Mama sa likod bahay kaya excited na ako pagkatapos ko ay bumaba na ako.
**Labas**
"Ma tapos na ako." Sabi ko kay Mama, nakita ko si Mama at Lolo na nakaupo inaantay nila ata ako.
"Buti tapos ka na tunawin mo muna ang kinain mo." Sabi sa akin ni Lolo si Mama naman ay tumango, kaya umupo ako sa kandungan ni mama nakita ko kasing nag po-phone siya.
1 hour later
"Okay Nica gawin muna ang mga exercise bago kita turuan mag pana at boxing." Sabi sa akin ni Mama. Si Mama kasi ay sporty nung bata pa, simula nung nag 9 ako ay tinuruan ako ni Mama mag taekwondo isang taon bago ako matapos, ngayon naman ay bow at boxing na ako. Alam kong iba ituturo sa'kin ni mama kasi nung nakaraan sabi niya espada daw yun pala taekwondo.
3 hours later
"Ma ang galing na-bullseye ko." Sabi ko, gagawin daw namin yung bow pero boxing hindi.
"Galing mo talaga anak, bukas naman ulit, maligo ka na amoy pawis ka na." Sabi ni Mama.
____________________________________
A/n: yan ang chapter 1 sorry sa mga typos. Sana mag vote at comment naman kayo jan, sige kayo susunugin ko ang bahay niyo😂biro lang piece yow. Masaya na ako na may makapagbabasa dito.Enjoy reading!
YOU ARE READING
His Secret Agent Girlfriend
ActionShe was adopted with an couple agent, she didn't know that both of her parents are agent's. One day she knew what secret of her parents and be one of agents. Harmonica gave mission that give security of their clients, she know who is the guy. Will s...