Chapter 29

474 4 0
                                    

It's okay to lose yourself
for a little while.
In books, in music, in art.
Let yourself get lost.

-Ms. Unknown

______________________________________

Third person POV

Sa ibang bahagi nang Cebu ay may mga nagkukumpulang lalaki sa isang lamesa at mukhang nagdediskusyon o pinag- aawayan.

"Don bakit niyo binago ang schedule para sa transaction natin?" Tanong ng isang lalaki at nagngangalang Ronaldo Kazuto.

"Dahil pakiramdam ko ay may nakatunog sa ating transaction. Biruin mo nakuha pa ang gem na matagal na nating itinatago at kinuha lang iyon ng isang hindi kilalang grupo!" Galit na sabi ni Don.

"Hindi namin alam ang isang yang Don, at hindi namin iyon inaasahan." Sabi ni Kai Wendi.

"Ronaldo! Anong mga napansin mo sa nangyari kahapon sa pagkuha ng gem natin?"

"Don. Nahuli ang iba nating kasamahan pati ang mga transaction na galing sa truck ay kinumpiska nila. Doon sa gem ay iisang babae lang kumuha noon." Mahinahong sabi ni Ronaldo.

Tumahimik at iniintay na magsalita si Don.

"Isang babae! Kalokohan! Ano kayo mga banggag at naisahan kayo nang isang babae? Mga hangal sinong niloko mo?" Galit na sabi nito.

Isa din sa kinagagalitan niya dahil sa transaction na iyan nawala ang kalahati ng perang dapat sa kanya, kung naihatid lang ang mga droga sa kinaroroonan nito. Sana ay may limpak limpak na pera na naman si Don.

"Hindi ako nagsisinungaling Don. Sa mga ikinwento ng kasamahan natin ay bata pa ang babaeng iyon at mukhang professional." Kinakabahang sabi ni Ronaldo.

"Ha! Isang batang babae? Bakit hindi niyo iyang nagawan ng paraan! Nakakagigil kayo!" Sigaw niya. May konting inis at hanga siya sa batang iyon dahil nalapasan nila ang mga bantay.

"Patawad Don." Nakayukong sabi ng mga kasamahan sa loob ng kwarto.

"Sa susunod ay ayusin niyo na ang mga ipinagagawa ko. Maghanda kayo dahil mamaya na ang transaction." Sabi ng Don at lumabas ng may ngisi sa labi.

Sa kabilang banda ay nasa loob na nang Airman ang grupo nina Harmonica. Kapwa tahimik ang loob ng eroplano at halatang nagiisip ng mga plano.

Pagkahinto ay agad silang kumilos, gumising na din si Beauty aka Aphrodite sa kanyang pagidlip. Ang ilan sa mga naatasan ay ang Big Boss lang ang gamit, sila Music lang ang naka- Airman dahil sila ang dapat mauna at humanap ng pwesto.

Habang bumabayahe patungong Cebu City ay may biglang tumawag, papunta ngayon sila sa bayan ng Cebu.

"Harm--I mean Music sasabihin ko lang pala na papunta si Ashton dyan sa Cebu, at nung tinanong ko siya ayaw niyang sagutin ang tanong ko."

"Kelan pa 'to?"

"Kanina lang, at hindi ko alam kung saan siya nakakuha nang ticket. Music alam mo ba ang dahilan niya?"

"Hindi."

"Hala! Sorry talaga nakaka-abala pa ako, natatakot lang ako kay kuya feeling ko kasi may mangyayari."

"Sige, ako na bahala."

"Kelan pa siya umalis?" Tanong niya.

"Mga 5hrs ago." Napatingin siya sa relos niya, may isang oras pa siya para abangan si Ashton sa babaan.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now