Chapter 6

719 9 0
                                    

Harmonica POV

"Jasmine kaaalis mo lang bumalik ka na naman?" Gulat na sabi nang isang babae maganda ito at halatang may lahi.

"Saxon may kailangan akong gawin dito at magiging katulad sa'tin." Sabi ni Mama doon sa Saxon.

"Siya? Ang bata pa!" Gulat na sabi nung Saxon babae pero panglalaki ang pangalan.

"Oo eh."

"Naku. Hi ilang taon ka na?" Tanong nito sa'kin kaya sumagot ako.

"17." Maikling sabi ko.

"Bata nga alalayan mo 'yan Jasmine pero parang malakas ang batang 'to, sa tingin ko ay makakapasok 'yan sa Elite, tsaka mag dedebut na pala iyan." Nakangiting sabi niya.

"Sana din, mamaya natin 'to pag usapan Saxon." Sabi ni Mama at nagsimulang maglakad ulit ako naman ay sumunod. Nasa isang malaking restaurant alam kong masasarap ang mga pagkain nila rito, at dinadayo talaga pero anong gagawin namin dito?

"Dito ang HQ natin pero hindi ito ang pinaka head nang RHO." Sabi ni Papa na parang nabasa ang nasa isip ko.

"Nakakunot ka kaya alam kong iyon ang iniisip mo." Sabi ni Papa sa akin.

"Nandito na tayo." Sabi ni Mama nasa gubat kami, anong gagawin namin dito? Tsaka may gubat pala dito sa likod nang restaurant.

"Papasok tayo at pag-nakarating na tayo ay nandoon na tayo." Sabi ni Papa lumakad kami sa gitna nang gubat hindi naman nakakatakot.

Habang naglalakad kami ay may mga trap na lumalabas at agad ko naman ito naiiwasan, kung wala akong kasama ay sa tingin ko ay patay na ako, wala talagang makakapasok dito nang dere-deretso.

"Tandaan mo kung saan nakalagay ang mga trap para sa susunod na punta natin dito maayos na ang lakad mo dahil tanda mo na." Paalala sa akin pero sa boses nito ay parang isang utos, kaya tinandaan ko ang daan at kung saan nakalagay ang trap.

Nang marating namin ang RHO ay napa wow ako naka-transparent ito at halatang walang nakatayong organization dito dahil ay makikita mo lang ay puno.

May pinindot si Mama at may lumabas na parang pang check ata kung isa kang Agent, inilagay nila ang thumb nila doon at bumukas ang pinto sumunod naman ako baka hindi ako makapasok pa sa loob.

Madaming bumabati kay Mama at Papa pero saakin sinusundan ako nang tingin kaya na-ibaba ko ang cap na suot ko buti binigay sa akin 'to ni Mama.

"Halatang magaling siya." Bulong nang isang babae sa tingin ko ay kaedad ko lang ito, maganda ito at kulot ang buhok kulay brown ang buhok nito.

"Oo nga tsaka sa tingin ko magiging Agent din siya." Sabi nang isang babae ang kulay itim na buhok niya ay may kasamang blonde.

"Sana maging kaibigan natin siya." Sabi nung brown ang buhok.

"Boss nandito na kami." Sabi ni Mama at pumasok sa loob kaya pumasok din ako.

"Oh Jasmine bumalik ka kaagad kani- bago?" Sabi nung lalaki mas matanda ito, pero makisig ang pagkakatindig.

"Boss nalaman niya at sinabi na rin namin, gusto ko pong maging isang Agent din siya." Sabi ni Mama, si Papa ay naupo at nagbuklat ng mga folder.

"Tingnan natin ang kakayahan niya alam kung gusto mo siyang maging Elite kahit na ngayon ito nangyari, pag-maganda ang mga pinakita niya at magiging isa siyang Elite at kung hindi ay ordinayo lang siya." Sabi nung lalake, tumango si Mama bilang pagsang ayon.

"Ang pangalan mo ay Maxpein Harmonica Valquez hindi ba? 'Wag ka nang magtaka, alam ko lahat nang bawat Agent dito ay kilala ko." Taas noong sabi nito at naupo.

Malawak ang office niya kumpara sa ibang office na nakikita ko, kasya na yata rito ang isang dosenang tao o hindi baka lagpas pa.

"Asus Neptune hindi lahat, 'wag kang mayabang." Sabat ni Papa binato naman siya nung Neptune nang unan, mukhang close silang lahat.

"Wag mo akong ilaglag Zeus." Sabi ni Neptune.

"Aba boss tahimik ka na, magpakilala ka na kay Nica." Sabi ni Mama.

"Ay oo nga pala Venus, o siya ako si Jose Nyro Mendy, Agent code name ko ay Neptune at dahil mabantot ang pangalan ko tawagin mo akong Neptune." Sabi niya.

"Okay Jose." Nakangising saad ko.

"Aba itong batang 'to, wala pang tumatawag sa akin niyan!" Sabi niya sa akin.

"Edi ako hindi naman mabantot, pang sinauna lang." Natatawang sabi ko sila Mama at Papa ay tumawa rin.

"Neptune ang pangalan ko Nep-tune Neptune." Sabi niya at parang tinuturuan pa ako.

"Kahit anong pilit mo diyan Jose, hahaha boss ay hindi 'yan susunod sayo." Natatawang sabi ni Mama.

"Kakaltasan ko kayo nang sweldo mag-asawang Valquez." Nakangusong sabi niya.

"Bye Boss." Sabi ni Papa.

"Bye Jose." Sabi ko at lumabas.

"Wag mo akong tatawaging Jose!" Sigaw niya.

"Ikaw na bata ka si Boss pa talaga napag-tripan mo." Sabi ni Papa at ginulo ang buhok ko.

"Saan punta natin ngayon nito?"

"Doon tayo kay Gentle ay panigurado aasikasuhin niya si Nica mag iisip bata ka naman 'yon dahil tinawag siyang Jose." Sabi ni Papa.

"Ang arte talaga no'n tinalo pa si Gentle." Sabi ni Mama.

"Sana naman ay may usad na ang pagpapa-cute ni Boss kay Gentle."

"Sana nga."

____________________________________
Hello guys nakalimutan ko ipublish ang sinulat ko kagabi 😭 kaya dalawa na ang in-update ko. Buti may nagbabasa nito

Thank you guys love you all😘

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now