Chapter 10

672 8 0
                                    

Harmonica POV

Nakaupo ako sa sala at tinitingnan ang files tungkol kay Jacky, binigay sa akin ito ni Brain through email niya lang binigay sa'kin hassel daw kung ibibigay niya in person sa'kin ang folders.

"Ate!" Patakbong sigaw sa akin ni Jeni kaya dali kung pinatay ang laptop.

"Oh Jeni."

"Ate aalis ka na ba talaga?" Nakangusong sabi niya.

"Babalik naman ako ano ka ba naman." Sabi sabay gulo sa buhok niya.

"Wag mong guluhin ka-kaayos ko pa lang niyan eh, ginawa mo pa akong aso." Reklamo at tabig sa kamay ko kaya tinawanan ko siya.

"Tinawanan pa ako, pero Ate may knock knock ako." Sabi niya sa'kin umayos siya nang upo sa sofa.

"Oh ano yun?" 

"Knock knock."

"Who's there?"

"Susuko."

"Susuko who?"

"Dahil sayo ako'y tatapang, dahil ako'y lalaban." Sabi niya at huminto.

"Nasaan ang susuko?" Takang tanong ko.

"Ate wala ka namang susu eh." Nakangising sabi niya at tumakbo napatingin naman ako sa dibdib ko, maliit ba 'to? 

"Uy tiningnan niya talaga , Ate wala namang laman 'yan." Natatawang sabi niya.

"Jeni!" Namumulang sigaw ko dahil sa hiya.

Jasmine POV

HUSBAND calling...
Accept or decline

Napatingin ako sa RHO phone tiningnan ko kung sino ang tumawag si Zeus asawa ko.

"Oh Hon napatawag ka at sa RHO phone pa."

(Pinatatawag ka ni Neptune at Gentle.) Sabi sa kabilang linya.

"Bakit daw? May mission ba ako?"

(Nope, tungkol kay Nica 'to.) Sumeryoso na ang boses ni John.

"Okay papunta na ako." Sabi ko at bumaba na sa office ko, at dumeretso nang elevator.

*RHO Organization*

"Boss tawag niyo 'ko." Bungad ko nang makapasok ako sa office ni Neptune seryoso ang mukha nito at nandoon si Gentle at Zeus.

"Maupo ka."

"Alam mo ang nakaraan ni Harmonica diba?" Sabi ni Boss tumango lang ako.

"Bumalik tayo sa pinagmulan ni Harmonica sa Halyu Hospital. Matagal ka na doong nagtrabaho at isang araw ay ikaw ang nagpaanak sa nanay ni Harmonica cesarian siya tama? Kami nang RHO ay kilala ang nanay ni Harmonica matagal na namin siyang kilala at kilala din niya kami. Noong araw na iyon ay naabutan mo na may balak kumuha sa bata, na-alarma kami nung araw na iyon ng ma-mukhaan namin ang kumuha nang bata sa lalaki ay ikaw.

Nakahinga kami nang maluwag dahil a ka sa pinakamagaling na agent sa RHO, at nagpapasalamat kami sayo dahil ikaw ang nakakuha. Ang tatay ni Harmonica ay isang lider nang pinakamayamang sindikato sa buong mundo lalo na sa drugs." Mahabang kuwento ni Boss kaya nagulat ako.

"Ano? You mean Harmonica is daughter of a drug lord?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kahit ako Hon ngayon ko lang din nalaman at tsaka calm down baka may mangyari sa'yo." Nag-aalalang sabi ni John .

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now