Prologue

3.9K 33 2
                                    

Jasmine's POV

"Avon naka-assign ka ngayon sa room 25." Sabi sa'kin ni Doc Ramirez.

"Yes ma'am." Dali-dali akong nagpunta sa room na nakaassign sa'kin, huminga muna ako nang malalim bago pumasok.

"Ma'am nandito po kami para ma-breast feed na po ang baby." Kasama ko si Jessa binigay niya naman ito, pagkatapos ma-breast feed kinuha ulit namin ang baby.

"Ang ganda nung baby, mukang baby doll." Sabi ni Jessa habang dala-dala ang clit board.

"Oo nga sobrang ganda sigurado akong madaming hahanga sa kanya paglaki niya." Sabi ko at tingin sa bata, nang makarating na kami sa dapat puntahan ay inilagay na namin siya.

*Tanghali*

"Sayang hindi tayo yung naka-assign na magpa-breast feed sa baby." Sabi ni Jessa.

"Hahaha sana kung magkakaroon ako ng anak, gusto ko ganon kaganda." Sabi ko.

"Loka loka ka ni wala ka ngang boyfriend, sino niloko mo." Sabad ni Jessa.

"Grabe sa'kin hahaha."

*Kinagabihan*

"Tara na Jessa kailangan na natin uma–" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko na ng may pumasok sa nursery room, hindi ito nurse wala na rin sa tabi ko si Jessa.

"Huy ikaw bakit ka nandito? Bawal ka rito." Bulyaw ko sa lalaking pumasok sa loob susuntukin ko na sana ng tinutukan ako ng baril.

"Tumahimik ka babae." Sabi niya at kinasa pa ito, hindi ko ito inaasahan tsaka sino ba ito?

"May ipapagawa ako sayo para hindi ka mamatay dito." Sabi niya, sumang-ayon na lang ako sa kanya.

"Sige bas--"

"Manahimik ka ito ang papagawa ko sa'yo. Kuhain mo itong bata na 'yan at itong pera na ito." Turo niya sa bata na pinabreast feed namin at abot niya sa'kin ang pera.

"Pero hindi pwede." Salungat ko sa sinabi niya.

"Kailangan mo 'tong gawin patayin mo ang bata kung hindi mo gagawin ako ang papatay sa bata pati na sayo, aalis na ako rito at pupunta sa CCTV room aantayin kitang makalabas bago ko burahin hayaan mo hindi ka nila paghihinalaan." Sabi niya sabay alis.

"Paano 'to masyado pa akong bata para mag alaga ng sanggol." Bulong ko.

Patayin mo ang bata kung hindi mo gagawin ako ang papatay sa bata pati na sayo.

Gusto ko pang mabuhay pero hindi naman pwedeng mamatay na lang itong bata na ito, may magulang pa siya at siguradong hahanapin siya.

Aja aalagaan ko na lang siya sa bahay ni lolo, tama. Kinuha ko ang bata at nagpunta sa mga records ng mga baby hinanap ko ang pangalan niya ng nakita ko ito pinunit ko ito, nakita ko ang bag ng bata may mga damit dito. Kinuha ko ito at lumabas na pag dating ko sa labas dumeretso ako sa parking lot, nakita ko si Jessa na nag aantay sa labas hinagis ko sa kanya ang susi.

"Hala! Ano yan Von bakit mo dala dala ang batang 'yan?" Sabi ni Jessa at binuksan ang kotse, pumasok na ako at naupo nag seat belt na rin ako at hinagis ko sa likod ang mga gamit ko.

"Mamaya na ako mag papaliwanag okay? Kailangan na nating umalis dito please ngayon na." Sabi ko.

Nang makarating kami sa apartment dumeretso kami sa kuwarto namin at doon ako nagsimula na magkuwento.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now