Chapter 15

562 7 0
                                    

Harmonica POV

"Na saan na 'yon?" Sabi sa sarili ni Amnesty.

"Ayun!" Turo kay Ashton nasa may dress section siya at namimili.

"Sino pagbibigyan niyan?"

"Aba malay ko, ako ba siya?" Mahinang sabi ko kay Amnesty sumusulyap-sulyap kami ng hindi gaanong makita dahil baka makilala pa kami.

"Sungit mo." Nakangusong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Napaiwas kami nang tingin nang lumingon sa gawi namin si Ashton.

"Hala nahalata na tayo Nica." Bulong ni Amnesty.

"Ikaw kasi ang ingay mo!" Sisi ko.

"Lagot papalapit na!" Tanging bulas ni Amnesty may salamin kasi dito at nakikita ang nasa likod namin bale nakatalikod kami kay Ashton.

"Urgghh mamaya ka sa akin." Banta ko.

"Harmonica ikaw ba 'yan?" Sabi nang isang tinig at kilala ko kung kanino iyon, humarap ako sa kanya.

"Oh Ashton ikaw pala, bakit ka nandito?" Kunwaring pagtataka ko.

"May bibilhin kasi ako rito." Aniya at napakamot sa ulo na para bang nahihiya.

"Para kanino naman sa liligawan mo?" Bulong na sagot ni Amnesty.

"May sinasabi ka miss?" Baling sa kanya kaya naman siniko ko siya.

"Aray! Ah hehe wala, sabi ko lang kanino mo ibibigay?" Sabi ni Amnesty.

"Ah doon sa dapat kong liligawan, pero hindi pa ngayon dahil gusto ko muna malaman kung may feelings siya sa akin." Sabi ni Ashton, si Amnesty naman ay pasimpleng umirap.

"Whatever ang corny, sige na at maghanap ka na diyan." Sabi ni Amnesty at halatang tinataboy si Ashton.

"Okay nice too meet you again Harmonica, nice too meet you lady." Sabi niya at naglakad paalis.

"Umasim ang mukha mo kanina." Wika ko.

"Totoo naman ang corny niya." Nakangiwing saad niya.

"Harmonica!" Napalingon kami nang makita ko si Ashton na papalapit dito.

"Nandito na naman si cheesy boy." Bored na sabi ni Amnesty.

"Hmm?" Taas kilay na sabi ko.

"Ahmm pwede ba...na.."

"Na?"

"Maging girlfriend kita." Aniya sa akin kaya ako naman ay nagulat.

"Ano?" Magkasabay na sabi namin ni Amnesty.

"Sabi ko—."

"Wag mo nang ituloy. My god nagiisip ka ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Nababaliw na ba siya? 

"Oo."

"Eh bakit? "

"Tutulungan mo lang naman ako." Sabi niya kaya nagkaroon ako nang ideya.

"Na pagselosin ang babaeng 'yon tapos pag-nagselos siya ay iiwanan mo ako para ligawan siya kasi na-confirm mo na ang feelings niya sayo. Ganon ba?" Lintana ko.

"Hindi naman kita iiwan, diba friends na tayo?" Aniya.

"Iyan ang hirap sa inyo puro kayo salita, bakit kaya hindi niyo na lang gawin 'di ba? Sino ba 'yang babaeng 'yan?" Sabat ni Amnesty.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now