Harmonica POV
"Nica kay Ashton ka talaga sasakay." Pagkumpirma ni Amnesty.
"Oo nga may paguusapan pa kami." Sabi ko sa kanya.
"Talaga lang?"
"Makulit talaga ang white blood cells mo kasama na rin ito sa pagbabantay ko." Ani ko.
"Hala oo nga pala nawala sa isip ko 'yon." Sabi niya sa sarili napailing na lang ako at tinapik siya sa balikat.
"Alis na ako." Sabi ko at naglakad papalapit sa kotse ni Ashton pero bago iyon ay hindi nakatakas ang tingin ni Cassidy na masama ang tingin sa akin.
"Tara na." Sabi ni Ashton at pinagbuksan ako nang pinto. May pagka-gentleman pala 'tong abo na 'to.
"Anong paguusapan natin Abo?" Pambasag ko sa katahimikan sinamaan muna ako nang tingin bago nagsalita.
"Tungkol sa girlfriend thingy." Aniya habang nagmamaneho, so tama ako nang hinala.
"Oh tapos?"
"Oh tapos lang sasabihin mo?"
"Ano gusto mo sabihin ko, share mo lang? Ganon?" Pabalang na sabi ko.
"Oo na." Aniya at inihinto ang kotse sa tabi.
"Tungkol sa pag pretend natin ay gagawa tayo nang rules and regulations." Wika niya tumango lang ako.
"Rule #1. Bawal makipag-date sa iba."
"Wala namang tayo, bakit may ganyan pa. Wala nga akong nakakadate." Ani ko.
"Mabubuking tayo nang wala sa oras niyan."
"Ok fine. Ako naman. Rule #2, Walang kiss sa cheeks lang bawal sa lips, bawal yumakap unless kailangan." Sabi ko iyon ang una kong naisip.
"Madaya." Bulong niya pero dahil nadinig ko ay nagsalita ako.
"May angal ka? Aba choosy ka pa buti nga hindi ko binawal ang pag hawak sa kamay." Asik ko.
"Baka nga hahalikan kita. Mas gusto ko pa kay Cassidy humalik." Aniya.
"Aba mabuti na nang magkaliwanagan tayo." Sabi ko.
"Rule #3. Dapat sweet tayo sa isa't isa pag nandyan si Cassidy." Sabi niya tumango nalang ako wala naman akong angal.
"Rule #4. Ahmm Pwede kong gawin lahat nang gusto ko pag wala na tayo sa pretend na yan." Sabi ko.
"Hindi lahat paano kung makita ka ni Cassidy na may kasamang iba bukod sa akin." Protesta niya.
"Syempre except doon unless kaibigan ko siya." Wika ko.
"Sige payag ako pero dapat ipakilala mo ako."
"At bakit?"
"In case of emergency lang." Nakangiting aniya pero inismiran ko lang siya.
"Rule #6. Walang secrets sa isa't isa." Lintana niya nag-aalangan naman akong tumango madami akong sekreto.
"Okay." Hindi ko na lang pinahalata kaya dapat maingat na ako.
"Bakit nag-aalangan ka pa." Taas kilay na sabi niya.
"Hindi ah." Patangging ani ko.
YOU ARE READING
His Secret Agent Girlfriend
ActionShe was adopted with an couple agent, she didn't know that both of her parents are agent's. One day she knew what secret of her parents and be one of agents. Harmonica gave mission that give security of their clients, she know who is the guy. Will s...