Chapter 5

854 10 0
                                    

HarmonicaPOV

Tapos na ang klase namin kaya ito ako hihintayin ang sundo ko.

"Nica buti nandito ka pa." Sabi sa akin ni Alexis.

"Ano kailangan mo?"

"Ito ang script mo kabisaduhin mo." Sabi sa akin ni Alexis sabay bigay nang papel.

"Kailangan ba talaga ako?"

"Oo eh kayo kasi bagay! Bye Nica pupunta na ako kay Kuya." Sabi niya sabay alis

Napaisip ako sa nakita ko sa kuwarto nila mama. Bakit sila may ganon? Ni-minsan sa buong buhay ko ay hindi ko alam kung ano ang trabaho nila.

"Ma'am tara na po." Sabi nang driver ko pumasok na ako.

*********
Nandito na ako sa bahay dumeretso ako sa kuwarto ko, mamaya na ay uwi na nila Mama. Binuksan ko kaagad ang computer ko at nag-simulang mag research pero wala akong makita, may nakita akong isang website pero konti lang ang laman.

"Ang RHO ay isang organisasyon na kakaunti lang ang may alam, bilang ang nakakaalam ito'y sekretong organization." Basa ko nainis ako dito dahil parang pinapaikot lang ako.

Sa tingin ko ay tama ang nakasulat dito walang ibang nakasulat lahat parang ulit lang pero ito ang naiiba. Ang ginawa ko na lang ay manood ng movie na nakakonekta sa binasa ko.

1hr later

Sumakit lang ang ulo ko kapapanood pero nagkaroon ako nang ideya tingin ko sa mga nagtatrabaho ay isang agent, puro upgraded gadgets and weapons.

"Ma'am nandito na po sila Madam." Sigaw nang isang kasambahay.

"Okay I'm coming." Sigaw ko, napatingin ako sa suot ko naka-uniform pa pala ako kaya nagbihis ako bago bumaba.

"Mama!" Sabi ko sabay yakap.

"Kamusta ang school?" Tanong sa akin ni Papa John.

"Okay naman ang school naka-tayo pa at madaming nag aaral." Sabi ko at naupo.

"Ibig kong sabihin ay kamusta ang mga grades mo."

"Okay naman po." Sabi ko.

"Ahmm may sasabihin kami nang Mama mo." Sabi niya at tila kinakabahan.

"Ano po yun importante ba? Tungkol ba yun sa pinasok ko ang kuwarto niyo? Alam ko pong may CCTV doon." Sabi ko, sa kanila lahat nang kuwarto ay may CCTV yung akin lang ang wala, tinanggal ko kasi ayaw kong sinusubaybayan ako.

"Tungkol din doon pero seryoso 'tong usapan Nica kaya doon tayo sa kuwarto namin." Seryosong sabi ni Mama sa akin nag-seryoso na din si Papa, tumango ako at sumunod sa kuwarto nila.

Nakarating na kami pero bago yun ay lumapit sila sa Library at may pinindot doon nagbukas iyon at pumasok sila at, ang astig.

"Tara maupo ka Harmonica makinig ka at 'wag ka munang magsasalita." Sabi ni Papa tumango ulit ako.

"Hindi mo alam diba ang trabaho namin? Ngayon ay sasabihin ko na. Ang trabaho namin Agent, hindi Call Center Agent or ano pang Agent, nagkakamali ka. Ibang Agent ang sinasabi ko, delikado ang trabahong ito isa kaming Secret Agent." Sabi ni Mama nagulat ako tama ang hinala ko isa silang Agent.

"Kaya po ba minsan ay nawawala na lang kayo?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Oo Harmonica. May mga mission kami, pwedeng solo at pwede ding by group depende kung ilan ang kailangan sa isang mission."

"Ang rules ng RHO ay kung sino ang makakaalam na isa kaming Agent, ay magiging isa sa amin o kaya ay kailangan ipapatay." Sabi niya sa akin.

"So magiging katulad ko kayo?" Sabi ko.

"Oo patawad, ayaw ka naman naming patayin may kaisa-isa at importante na rule walang makakaalam nang organisasyon namin." Sabi niya at halata sa mga mata nito na malungkot ito.

"Okay lang po sa akin." Nakangiting sabi ko nagulat sila.

"Anak malaking responsibilidad iyon at hindi ka makaka concentrate sa pag-aaral mo." Sabi ni Papa.

"Alam ko po yun na sabi niyo na sa akin iyon, tsaka kaya ko yun ako pa." Sabi ko sa kanila.

"Anak."

"Ma, Pa okay lang sa akin walang halong sama nang loob, para may trill naman ang buhay ko."

"Mukhang hindi ka na namin papipilit sige mamayang gabi ay aalis tayo, pupunta tayo nang headquarters." Sabi ni Papa sa akin.

*********
"Anak tara na." Sabi ni Mama sa'kin.

"Opo tapos na ako." Sabi ko kay Mama simpleng T-shirt na puti at pantalon na pinaresan nang Denim jacket at white rubber shoes.

"Mag cap ka nga." Sabi niya sabay hagis nang black cap sa akin dala ko ang headphone ko.

"Papa ano po ba ang RHO?" Tanong ko nasa byahe na kami.

"Ang RHO ay isang sekretong organization karamihan sa mga kasali dito ay mayayaman may mahihirap na yumayaman, ang mga humihingi nang tulong sa amin ay mga gobyerno at ang hindi naayos nang mga pulis ay sa amin ibinibigay."

"Ang RHO ang pinakamalaking organisasyon, kung sa tingin mo ay wala kaming kalaban nagkakamali ka. May kalaban kami at ang mga iyon ay ang mga gumagawa nang masasama, may nagbabagsak sa amin pero hindi nila kami matitibag."

"Pero pa ano ang ginagawa nang ibang Agent na nakuha niyo?"

"Nagti-training sila may iba't ibang training doon, boxing, martial arts, sword, guns, archer at iba pa. Lahat nang mga RHO Agents ay magkakaibigan, dalawa ang pwede mong pasukan, field at department."

"Ano ang sa field?" Tanong ko.

"Ang sa field ay mga humahawak nang mga mission sumasabak sila, sila ang nag-sspy at lumalaban sa mga kriminal."

"Eh sa department?"

"Sila ang mga gumagawa nang mga upgraded weapons at gadgets, pati na din sa gamot, may mga ibat-ibang nagtatrabaho doon. Nurse, doctors ang nandoon karamihan, ang mga doctor na nandoon ay mga expert na mas madaming alam kaysa sa mga ibang doctor."

"Ang galing!"

"Meron pa sa department, diba ang mga nasa field ay sila ang lumalaban? Meron din silang monitor habang nasa laban sila at may nagsasalita sa tenga nila sila ang susundin nang mga nasa field. Ang mga tumitingin sa mga nasa field ay sila ang karamihan na may alam sa computer kayang i-hack ang buong system nang isang lugar, kaya nilang i-hack ang mga private information. Sila ang importante sa lahat nang RHO dahil sila ang may hawak nang data base nang RHO, at may isa pa ang Elite Agents sila ang dalawa ang hawak field at experiment." Sabi ni Mama, tama nga sila malaking responsibilidad ito.

"Kayo po, alin kayo sa tatlo?"

"Kami nang Mama at Papa mo ay sa Elites na kami, pero ako mas tutok ako sa Department at ang Papa mo ay sa field." Sabi ni Mama sa'kin.

"Paano po ba makapasok sa Elites?"

"Kung mapili ka nang humahawak nang RHO, minsan ay mana na sa mga anak nila ang mga kaibigan naming Elite ay naging Elites na rin." Sabi ni Papa napatango ako doon.

"Pero mahirap ang ginagawa nang Elite minsan sila ang may mga hawak nang pinakadelikadong mission." Sabi ni Mama.

Nang makarating kami sa Baguio ay umaga na nasa harap kami nang isang malaking restaurant.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko, ini-expect ko pa naman ay sa ilalim nang lupa.

"Makikita mo." Sabi ni Mama at naglakad kaya sumunod ako.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now