Harmonica POV
"Uy!" Nakangiting sabi niya napangiwi naman ako.
"Nakakagulat ka!"Sabi ko tumawa naman siya.
"Sorry kung nagulat kita, matagal na kitang gustong makita sayang lang at nag-accelerate ka." Sabi niya napatitig ako sakanya, halatang may lungkot sa mga mata niya.
"Nag-accelerate nga ako." Sabi ko at umorder nang drinks at popcorn.
"By the way bakit ka nandito?"
"Sinamahan ko ang kapatid ko na mag-gala, ikaw bakit ka nandito at papaano mo ako nakita?" Sabi ko hawak ko na ang drinks at popcorn.
"Gumagala rin ako nang makita kita rito, kaya nilapitan kita actually magsi-sine rin ako." Sabi niya sa akin.
"Hmm so sabay na tayo?" Aya ko rito tumango ito at bumili nang popcorn at drinks niya.
Lumakad na kami papasok nang sinehan madami nang tao sa loob at mukhang maguumpisa na ang palabas nag-vibrate ang phone ko tiningnan ko at nagtext sa akin si Jeni.
—Jeni
Ate dito ka punta sa second row nang unahan.
Nang matanggap ko iyon ay sinenyasan ko si Ashton na sumunod sa akin, bumaba kami at nakita kong sakto sa amin ang upuan nakita ako ni Jeni kaya kumaway ito sa akin, bumaba na ako at tumungo sa upuan.
"Ate horror talaga napili mo." Sabi niya kinuha niya ang drinks at popcorn niya sa akin.
"Maganda kasi 'to." Nakangising sabi ko at naupo katabi ko si Ashton sa upuan.
"Ate who is he?" Tanong niya sa akin.
"Siya si Ashton, kapatid ni Alexis." Sabi at kumuha nang popcorn.
"Ow hi kuya Ashton, where is Ate Alexis?" Sabi ni Jeni kay Ashton, lumingon naman siya kay Jeni.
"In Davao she's in vacation kahit na school days pa." Aniya tumango naman si Jeni at umupo nang maayos, tumahimik na nung magsisimula na ang palabas.
Hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko dahil sa nagmamasid ako ang katabi ko at cool na kumakain lang, at si Jeni ay sigaw nang sigaw tingin ko ay mababasag ang eardrums ko dahil sa kanya.
"Jeni hinaan mo nga ang tili mo." Sita ko dito tumingin ito, nanginginig ang kamay na hawak ang pagkain niya. Takot hahaha.
"I'm scared this is your fault." Aniya at humarap ulit sa screen, napailing na lang ako.
Napagawi ang paningin ko sa harapan ko, nakatingin ito, pinaningkitan ko ito nang mata siya yung nakita ko sa isang sulok malapit sa isang boutique.
"Mag-ccr lang ako." Paalam ko.
"Bilisan mo lang, may pakiramdam akong hindi maganda." Sabi ni Ashton, tumango lang ako si Jeni ay lumipat agad nang upuan sa inupuan ko pa.
Nakarating na ako nang cr at pumunta sa isang cubicle para umihi, pero nakarinig ako nang pagbukas nang pinto.
"Where is she going?" Rinig kong sabi sa labas nanatili lang ako sa cubicle.
"I think dito siya dumaan." Sabi nang isang boses.
"Grr kailangan niya pang mamatay." Sabi nang isang boses na unang nagsalita.
"What's her name again?"
"She is Maxpein Harmonica Valquez." Nagulat ako nang sambitin ang pangalan ko, ano naman ginawa ko sa kanila at papatayin nila ako?
"And sino yung kasama niya kaninang lalaki? "
"Her name is Ashton Kazuto."
"Nice name."
"Puntiryahin natin ang bata." Biglang umakyat lahat nang dugo ko sa mukha.
"Dadaan muna kayo sa akin bago niyo saktan ang isa sa kanila." Malamig na utas ko lumabas na ako nang cubicle.
"What a lucky lumapit pa sa atin ang dapat patayin." Nakangising sabi nang isang babae na parang nilamutak ang labi sa sobrang pula.
"Right." Sang-ayon ng isa nagmukha na siyang living coloring book dahil sa kapal nang make up niya, nilapitan niya ako at naglabas nang isang kutsilyo at handang isaksak, kaya sinipa ko ang kamay niya para tumalsik ang hawak niya.
Ang isa naman ay lumapit para bigyan ako nang isang sipa pero nasalag ko ito at sinipa ito sa tyan, namilipit naman ito sa sakit pero itong coloring book na 'to. Matibay.
Pailalim naman ang saksak nito kaya sinuntok ko na siya, nagulat ako nang may sumampa sa likod tinakpan ang paningin ko at sinuntok ako pero siniko ko siya nang sobrang lakas at binigyan nang super punch, oha ayun bagsak ang hipon.
Mabilis kong nakuha ng kutsilyo at sinugatan siya, paikot lang ako noon hindi niya ako nakita dahil sa bilis ko kumilos napaluhod ito na iniinda ang sugat.
Palabas na ako nang may humawak sa binti ko, kaya end ko ay ang sahig muntik ko pa mahalikan kung sana ang malambot 'tong sahig na ito, hawak 'to nang babaeng sugatan.
"Peste dapat tulog ka na." Naiinis na sabi ko at tinanggal ang hawak niya masakit ang lagapak ko sa sahig.
"Bitch kailangan mamatay ka na." Aniya.
"Ano ba ginawa ko o sa'yo! Kingina mo hindi nga kita kilala eh!" Bulyaw ko.
"Hindi mo alam ang lahat you will be karma not now but soon." Sigaw niya sa akin nagpumilit pa itong tumayo hawak ang kutsilyo.
"Whatever." Bored na sabi ko sa kanya at lumabas pero bago iyon ay may kutsilyong tumarak sa balikat ko.
"Kingina kang hayop ka, inaano ba kita nambato ka pa." Galit na sigaw ko sa babae at binigyan nang sobrang lakas na suntok para makatulog, hinawakan ko ang kutsilyo at hinila.
Hinubad ko ang jacket ko hinawakan ko ang balikat na tinamaan may dugo ngayon pa sinuot ko nalang ang jacket ko at naglakad ng walang nangyari .
"Ate ang tagal mo naman patapos na 'yong palabas." Komento ni Jeni sa akin hindi ko siya pinansin at naupo lang, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang kilatis na tingin ni Ashton umiwas ako nang tingin at itinuon sa pinanonood ko.
Nang matapos ang palabas ay nagsi-labasan na ang lahat kasama na kami sa unahan si Jeni at kaming dalawa ni Ashton ay sa likod niya.
"May pasa ka saan nanggaling 'yan?" Seryosong sabi ni Ashton nanlaki ang mata ko.
"Ha? Ano nadulas ako. Oo tama. Nadulas ako sa CR." Sabi ko ngina hindi ako ready dito ah, hindi ko inaasahan na magtatanong siya.
"I don't think kung sa pagkadulas mo 'yan." Aniya may pangingilatis sa mata nito.
"Oo nga nagtanong ka pa kung hindi ka maniniwala." Mataray na sabi ko sa kanya at naglakad nang mabilis pero humabol ito at umakbay pa.
"Hoy ano 'yan?" Sabi sabay turo sa kamay niyang na nasa balikat ko.
"Ano pa edi kamay ko, umaakbay lang ako." Aniya sabay kindat, nginawian ko naman siya at tinanggal ang kamay niya.
"Ate tara sa McDonald." Yaya ni Jeni.
"Okay pupunta tayo." Sabi ni Ashton kumapit sa kanya si Jeni.
"Hindi naman siya ang Ate." Bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Wala, sabi ko tara na." Sabi at mas nauna pa sa kanila.
YOU ARE READING
His Secret Agent Girlfriend
ActionShe was adopted with an couple agent, she didn't know that both of her parents are agent's. One day she knew what secret of her parents and be one of agents. Harmonica gave mission that give security of their clients, she know who is the guy. Will s...