Harmonica POV
Kauuwi ko lang galing school, alam kong galit na sa'kin si Alexis sa mga hindi ko pagsulpot sa mga practice alam niyang hindi ako interesado diyan, wala rin naman akong paki kung bumagsak ako. Nakapagreport na rin ako sa head nang RHO.
"Ma'am Nica may naghahanap po sa'yo." Sigaw sa akin nag isang kasambahay.
"Papasukin mo." Ani ko.
"Okay." Aniya at nakarinig ako nang hakbang paalis.
Tuwing sabado linggo ay wala ako sa bahay nag-sstay ako sa RHO para nakapag ensayo ako nang mabuti, ganon ang routine ko araw araw. Tama nga siguro sila Papa hindi ko kayang pagsabayin yung school at yung trabaho ko, at kailangan ko na ngang mag homeschool o accelerate.
"Nica!" Sigaw nang kilala kong boses pag-angat ko ay nakita kong si Alexis ito.
"Musta Alexis." Simpleng sabi ko at nahiga.
"Bakit wala ka lagi sa mga practice natin gusto mo bang bumagsak? 'Pag sabado linggo wala ka rito lagi kang may pinupuntahan! I don't know you anymore hindi ka naman ganyan." Aniya napaiwas ako nang tingin sa kanya.
'Hindi pa pwede ngayon Alexis.'
"You don't understand."
"Then ipaliwanag mo kailangan natin 'tong grade Nica, lagi kayong wala ni Kuya my god."
"Anong wala si Ashton?"
"Hindi mo kasi alam wala na yata 'tong patutunguhan, ikaw at si Ashton laging wala iniisip ko tuloy kung nagdedate kayo." Nagdedate? Eh hindi ko nga nakaka-usap iyon.
"I'm sorry Alexis." Nagi-guilty ako sa hindi pagsulpot sa practice.
"Hayss sabihin mo nga ano bang ginagawa mo at lagi kang MIA."
"MIA?"
"Matalino ka nga hindi mo naman alam ang MIA, batukan kaya kita diyan missing in action 'yon. M I A. Okay!" Natawa ako sa kanya dahil tinuturaan pa ako.
"So ano nga? Nililihis mo ang topic."
"Hindi pwede." Sabi ko sa kanya kumunot ang noo niya.
"Harmonica." May pagbabanta ang boses niya, pero hindi ako natinag.
"Hindi nga pwede gusto mong mamatay?" Seryosong sabi ko ngumuso naman siya.
"Nica naman, sabi mo walang secret. Bakit ikaw may secret." Aniya.
"Lahat tayo may sekreto, ikaw na lang umalam kung malalaman mo." Sabi ko sa kanya.
"Hay bahala ka na diyan pumunta lang ako dito para sermonan ka wala naman pala akong napala, sasabihin ko ito kay Ma'am na ayaw niyong tumulong." Sabi niya sa akin at lumabas nang kwarto nag-tampo na siya. Mag-a-acelerate o homeschool na ako mahirap pala 'to sa inaasahan ko.
*******
"Hey" Sabi ni Clarissa bigla na lang 'to sumulpot kung saan, kaya hindi ko siya pinansin mapahiya pa ako malay niyo hindi pala ako ang tinatawag kaya tumuloy lang ako sa paglakad.Thursday na ngayon kaya malapit na akong umalis para pumunta sa RHO, last na training ko na sa sabado at malalaman kung saang department ako mapupunta.
"Tinatawag kita nilagpasan mo lang ako!" Sigaw ni Clarissa kaya nilingon ko siya nakita kong nakatingin ito sa akin.
"Ako ba?" Wika ko.
YOU ARE READING
His Secret Agent Girlfriend
ActionShe was adopted with an couple agent, she didn't know that both of her parents are agent's. One day she knew what secret of her parents and be one of agents. Harmonica gave mission that give security of their clients, she know who is the guy. Will s...