Chapter 21

464 3 0
                                    

"When it hurts - observe.

Life is trying to teach

you something."

—Katsuki

-----------------------------------------------------

Alexis POV

"Bye Alexis ingat. Ikamusta mo ako kay Harmonica at Ashton." Sabi ni Cyrus sa akin.

"Oo kakamusta kita roon." Sabi ko.

"Nagkakawatak watak na tayo."

"Paano mo nasabi? "

"Si Ashton lumipat na matapos lumipat ni Harmonica. Tapos itong Vaughn kung saang lupalop na nagpunta kasama ni Nico." Wika ni Cyrus.

"Anong bang nangyayari sa kanila." Wika ko. Kahit ako ay wala nang balita kay Harmonica hindi na siya tumatawag sa akin, si Kuya naman busy doon sa demonyong nililigawan niya.

"Wala na masisira na ang friendship. Harmonica kasi bumalik ka na." Aniya at kunwaring umiyak agad ko naman siyang nabatukan.

"Umayos ka diyan parang tanga, mauuna na ako." Wika ko at nilayasan siya. Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin, kahit nga noong nagpunta ako ng Davao.

"Wierd thoughts mo lang 'yon Alexis umayos ka." Sabi ko at nagmadaling maglakad at habang naglalakad ako ay kumakalikot ako sa bag.

"Nas'an na ba yung phone ko." Natatarantang wika ko habang naglalakad nakakabangga pa ako ng tao dahil sa pagmamadali ko at bigla kong naalala na naiwan ko pala iyon.

Inilibot ko ng paningin ko kung may pay phone na pinakamalapit. Habang nililibot ko ay may nakita akong nakaitim na lalaki at may hawak na baril. Lalong lumakas ng kabog ng dibdib ko, nakakita rin ako nang pay phone at nagmadaling pumunta roon.

"Ngayon sino ba tatawagan ko?" Kinakabahan na sabi ko nang maalala ko na kabisado ko ang phone number ni Harmonica. Dali-dali ko naman pinindot pero naghulog muna ako ng pera.

"Ano ba kasing kailangan nila sa'kin? Studyante lang ako."

"Hello?" Tanong sa kabilang linya. Buti naman sumagot din.

"Harmonica." Agad ko naman siyang tinawag.

"Alexis?" Gulat na sabi niya. The f? Hindi ako si Alexis si Pennywise ko. "Teka nag-iba ka nang number?"

"Nope nasa pay phone ako, naiwan ko ang phone ko sa bahay ikaw lang ang kabisado kong number kaya ikaw natawagan ko." Biglang nanginig ang boses ko nang may lumapit.

"May nangyari ba? Sabihin mo?" Narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Harmonica.

"May sumusunod sa akin mga men in black or what nakita ko silang may dalang baril. Nagkunwari lang akong hindi ko napansin pero kinakabahan ako." Sabi ko. Agad din nawala pero bigla silang pumalibot.

Waaaahhh papatayin nila ako! Marami pa akong gagawin sa buhay ko.

"Nasaan ka ngayon?" Tanong niya kaya agad ko naman itong sinagot.

"Nasa *toot* ako ngayon please Harmonica bilisan mo."

"Oo pupunta na ako diyan." Wika niya at binabaan ako. Aba maganda, babaan ba naman ako sasabihin ko pa namang ingat.

Mga ilang minuto palang ay may nakita akong bumaba sa isang motor at naka-itim siya, bigla ring tumunog ang pay phone kaya naman sinagot ko iyon.

"Alexis nandyan ka pa diba?" May narinig akong boses mula sa kabila.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now